Chapter 2

4986 Words
" Bakit naka bihis ka ate saan ang lakad mo?" Tanong nang kapatid niyang babae. " Maghahanap ng trabaho" " Pero Ate di po ba may trabaho na kayo sa isang mall?" " Oo pero tuwing gabi lang yon eh kaya kailangan kong maghanap ng trabaho sa umaga para hindi sayang yong oras" pagsuot nito sa bag niya. " Ate ibig po bang sabihin niyan hindi kana po uuwi rito?" Nakasimangot ritong pagtingin ng bunso niyang kapatid. " Syempre uuwi ako puwedi bang hindi ko makatabi ng tulog si Timmy namin? " Nanggigigil niyang halik rito kaya ganon na lang ang bungisngis ng kapatid niya habang nakikiliti. " At ikaw Eya ikaw na muna ang bahala kay Timmy " tingin nito sa kapatid niya " bago ka pumasok ihatid mo muna siya sa School at mamayang gabi wag niyo na akong hintayin " pagtayo nito para maghanda umalis " At hanggat hindi ako dumadating samahan mo siyang matulog, okay?" Bilin nito kay Eya na sa ngayon G12 na ang grado. " Opo, e anong oras naman po kayo darating?" Malungkot nitong tanong. " Siguro mga 1AM basta uuwi ako" Sabi nito habang binibigyan sila ng baon pero natigilan siya ng mapansing may namumuong tubig sa mata ni Eya. "Anong problema? May bayaran ba kayo sa school?" Umiling lang rito ang kapatid niya bilang sagot. " Kung ganon anong problema?" Medyo naaasar nitong pag-upo ayaw kasing magsalita nito habang kumakawala ang tubig sa mata niya. " May masakit ba sayo? ano? " tanong pa nito habang nag aalala. " Wala nga po!" " E bakit ka umiiyak? Puwedi ba Eya ang aga aga pa kaya wag mong sirain ang araw ko at saka malas yan sa paghahanap ng trabaho! " naiinis nitong sabi ayaw niya kasing nakikitang umiiyak itong mga kapatid niya at saka naitindihan na kasi nito ang dahilan bakit ganito na naman ang kapatid niya. " Dati naman kasi Ate isa lang ang trabaho niyo ngayon dalawa na po at sa gabi pa wala na kayong pahinga mamaya po magkasakit kayo wala na nga po sina Papa at Mama tas hindi niyo inaalagaan ang sarili niyo paano na kami ni Timmy pagmay nangyari sa inyo?" Pag iyak nito. " Sus! yon lang pala iniiyak iyak mo diyan malakas pa ako at saka hindi naman sayang ang pagod ko dahil nag aaral ka ng maayos At saka pagnaka tapos ka edi ikaw naman ang magtatrabaho" Pagbibiro pa nito pero masama lang itong tiningnan nang kapatid niya. " Ito lang ang tatandaanniyo, si Ate ay hindi kayo iiwan! Nandito lang si Ate Sandie kahit anong mangyari, okay?! " pagyakap niya sa mga ito saka umalis. " Sana naman makahanap agad ako ng medyo maganda gandang trabaho" Pag lalakad nito pero natigilan siya ng may biglang pumaradang sasakyan sa gilid niya akala nga niya mababangga siya nito. " Mag ingat naman kayo!" Sigaw nito. " Sorry Miss biglang nagluko itong kotse ko eh " Pagbaba ng isang maputi at guwapong lalaki mula sa sasakyan at sa tindig palang halata na sa hitsurang yayamanin. " Edi kung ganon pasinsya na rin " Pagkasabi non ni Sandie nagpatuloy siya sa paglalakad. " Bad trip hindi pa naman ako marunong umayos nito tsk! ano ba kasing nangyari rito? " Pagsasalita ng lalaki habang binubuksan ang kotse nito at gaya ng sabi niya hindi niya alam kung anong gagalawin niya rito para gumana ulit. " Ah miss! Excuse me, puwedi bang magtanong?" Tawag niya rito. " Anak nang! sabi na nga bang mas maganda kung sumakay na lang ako ganitong ganito yong nangyayari tuwing naghahanap ako ng trabaho eh, hihingi ng tulong at sa huli ako ang agrabyado" bulong pa nito nang hindi linilingon ang lalaki. " Wala ka bang kilala or alam na puweding tumulong sakin hindi ako marunong umayos nito e " sabi pa nito kaya agad itong pinuntahan ni Sandie bago pa tuloyang masira ang araw niya. " Tsk! Pakotse kotse kapa tas pagtumirik dimo alam anong gagawin mo, tumabi ka nga!" Pagpapaalis nito sa lalaki sa may sasakyan para matingnan ito. " Marunong ka?" Hindi makapaniwalang tanong nong Lalaki. " Kung maghahanap pa ako ng tutulong sayo mas lalo akong hindi makakahanap ng trabaho at sa dami ng napasukan kong raket wala sakin ang mga ganito at saka kahit sino marunong ng ganito" Pag alis niya sa harapan ng sasakyan. " Okay na ba? ano yong problema?" " Puwedi ba wag kang tanong nang tanong? Tssst! wala ka namang alam kaya wala akong balak magpaliwanag basta yong makina nang sasakyan mo ang may deperensya kaya tumawag ka na lang nang gagawa nito " pag-alis nito sa harapan ng sasakyan saka naglakad para umalis. " Ah sandali__! " Takbo rito ng lalaki kaya ganon na lang ang asar niya " Saan ako puweding humingi ng tulong? " Tanong nito pagkatapos huminto ni Sandie. " Kunin mo ang selpon mo at tumawag sa mga kakilala mo at humingi ng tulong dahil dito sa lugar na ito wala kang mahihingian ng tulong dahil walang may sasakyan rito, okay?! " " Wala akong load eh, ikaw baka may load ka? " Nahihiya nitong tanong. " Wala din! " Masungit nitong sabi saka naglakad muli kaya napangiti na lang itong lalaki. " Ah sandali baka puwedi mo na lang sabihin saakin saan puweding magload? " Makulit pa nitong tanong at ganon na lang ang pagtataka niya ng bumalik sa sasakyan si Sandie. " Akin na ang mga gamit mo sa sasakyan! " " Huh? pe-pero bakit? " " Malayo rito ang loadan at hindi mo puweding iwan ang sasakyan mo baka pagbalik mo wala na at wala akong balak bantayan o eload ka kaya ako na ang gagawa " " Sigurado ka? " " Mukha ba akong nagbibiro? Tssst! bakit kasi gumagamit nang sasakyan tas di naman marunong umayos! " sermon pa nito. " Pasensya na sa katunayan kakakuha ko lang ng license in driving " " Wala akong paki sa dahilan mo tssst! kunin mo na ang mga gamit mo sa sasakyan! " Masungit nitong sabi kaya mabilis itong kumaripas ng takbo para kunin. " Kaya mo ba talaga? " Pagbalik nito. " Gagawin ko ba kung hindi? Tsk! " Napangiti na lang ito sa sinabi ng dalaga at hindi niya maalis ang tingin niya rito habang inaayos ang sasakyan. " Subokan mo " agad naman itong sumunod kay Sandie at gumana nga ito. " Salamat!! paano kita mababayaran sa gina__ " natigilan ito sa pagsasalita ng makitang naglalakad na si Sandie paalis kaya agad niya itong sinundan gamit ang kotse niya. " Miss Salamat nga pala! Paano kita mababayaran sa ginawa mo?" " Tulongan mo na lang akong manalangin na sana maka hanap ako ng trabaho at wala na akong makita pang nangangailangan ng tulong! iwan ko ba, hindi naman ako si Darna pero masyadong maraming nangangailangan sa tulong ko " Naaasar nitong sabi habang naglalakad ng mabilis. " Kung tuparin ko ang kahilingan mo!?" Pagbibiro rito nang lalaki na siyang nagpahinto kay Sandie. " Tsk! sarili mo ngang kotse di mo kayang ayosin tumupad pa kaya ng isang kahilingan at saka puwedi bilisan mo na lang yang pagmamaneho mo at wag mo akong sinasabayan?! " Naiinis ritong sabi ni Sandie pero imbis na mainis rito ang binata mas lalo pa siyang natuwa rito. " Halika na sumabay ka sakin" Pagbukas nito sa kotse niya. " Pag ako hindi talaga naka hanap ng trabaho hahanapin kita at sisirain ko ulit itong kotse mo " Pagsipa niya pa rito. " paano pagnaka hanap ka? araw araw mo ba akong sasabayan sa kotse ko?" Pagkindat niya pa rito, namaywang namang tumingin rito si Sandie hindi kasi ito natuwa sa joke nang lalaki. " I'm just kidding ikaw naman masyado kang masungit " ngiti niya pa rito "may alam akong puwedi mong pasokan pero hindi nga lang ganon kaganda, okay lang ba sayo ang magtrabaho sa isang restaurant bilang waitress? " Kumalma naman ang mukha ni Sandie sa sinabi nong lalaki. " Isang restaurant ang puwedi mong aplyan kaya halika na bago pa tayo mahuli " Sumakay naman si Sandie sa sinabi nong lalaki kahit hindi siya sigurado kung nagsasabi ito ng totoo. " By the way isa sa hinahanap na qualification doon ay masipag at malakas" Pagsasalita nong lalaki habang nagmamaniho. " Masipag ako, hindi ako sanay nang naka upo lang at malakas ako! kaya ko ngang buhatin mag isa yong aparador sa bahay at saka dati yong tv namin kaya lang ngayon wala na e nasira kasi kaya bininta ko balak ko sanang bumili ng bago kaya lang ang hirap ng buhay at saka__ "natigilan ito nang mapansin niyang ngumiti ng palihim yong lalaki. " Oh! Sorry nakikinig naman ako nakakatuwa ka lang panoorin akala ko buong byahe magkasalubong yang kilay mo" natutuwang sabi nong lalaki hindi naman natuwa si Sandie sa mga ngiti nito kaya tumahimik na din siya. " May nasabi ba akong masama? Sorry I did not mean it " sabi pa nang lalaki. " Wala yon pero sana sigurado ka diyan sa sinasabi mong trabaho " seryoso pa nitong sabi pero ngumiti lang ito sa kanya saka tumango ng mahina. " Oo nga pala anong pangalan mo? " " Saka muna alamin kapag close na tayo" pagtingin nito sa labas at napangiti na lang muli yong lalaki sa kakaibang ugali ni Sandie at mga ilang minuto dumating na din sila at pagkababa nila mula sa sasakyan biglang kinabahan si Sandie nang makita ang sinasabing restaurant nong lalaki malaki kasi ito at karamihan sa mga kumakain foriegner puro mayayaman nga ang nandito. Kaya yong kaba niya napalitan bigla ng excitement ganito kasi yong gusto niyang pagtrabahoan yong mararamdaman mo ring medyo maganda yong kinalalagyan mo. " Good Morning Sir! "bati ng mga personnel don nang pumasok sila kaya biglang nanlaki ang mata ni Sandie habang nakatingin sa lalaking sinusundan niya habang todo respeto rito ang mga nagtatrabaho sa nasabing restaurant pagkwan pumasok sila sa isang room kung saan may isang table rito at kung hindi siya nagkakamali pagmamay ari ito nang lalaki dirediretso kasi siyang umupo rito. " Waitress ang trabaho mo dito okay lang ba sayo?" Napatango na lang rito si Sandie hindi kasi ito makapaniwalang itong pinagsusungitan niya ang boss dito. " Magsisimula ka ba ngayon or mag oobserve kana lang muna? " napatango na lang si Sandie, tulala pa rin kasi ito rito pero nong magsink in sa utak niya ang sinabi nong lalaki agad itong nagising. "Ah Ngayon po! Sorry sir!!!" Paglayo rito ni Sandie ng kunti bilang pagbibigay respeto. " Anyway, what's your name again ? " Sandie po Sir! Sandie Santiago po " sabay abot niya rito sa folder niyang may mga resume para sana sa paghahanap niya ng trabaho. "Sandie? " pagngiti pa nito " Well, I'm Jeffrey Alfuente but you can call me Jeff and I have one rule " titig niya rito. " Yes Sir kailangan po masipag at malakas" Sabi niya agad rito pero natigilan siya ng lumapit rito si Jeffrey. " Mali!" titig niya rito habang nakapamulsa ng kamay kaya napalunok ito sa seryoso ng mukha ni Jeff pagkwan bigla itong ngumiti " Ayaw ko nang masyadong pormal at seryoso!" Sabi nito pa habang nakangiti " Good luck for your first day" Pagbigay niya rito sa uniform saka lumayo rito at doon rin ay naka hinga nang maayos si Sandie. " Miss Maya!" Tawag niya sa manager doon, mabilis namang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi katangkarang babae pero sobrang cute nito. " Samahan mo siya para maisuot niya yang uniform at ipaliwanag mo sa kanya kung ano ang trabaho niya" Sumunod naman agad si Maya sa sinabi ni Jeff at lumbas na sila ni Sandie. " Malinaw na ba sayo ang lahat? " Tanong rito ni Maya ng makapagpalit si Sandie habang nagpapalit kasi ito sinasabi niya rin dito kung ano ang trabaho ng isang waitress. " Opo basta isa sa pinaka bawal na gawin dito ay ang kumain sa oras ng trabaho, kumain ng tira nang customer at gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho" pagsasalita nito. " Korek! by the way I'm your manager Maya at yong gwapong yon ang boss nating lahat at ang best chef rito " " Best chef? Magaling po siya magluto?" " Aha! fresh graduates pa lang yan last year but he can cook everything and actually ilan sa mga pinagmamalaki nating pagkain dito ay imbento niya" Pagmamalaki nito hindi naman makapaniwala si Sandie. " Ang cool naman niya sa edad niyang iyan kaya niya gumawa nang sarili niyang dish " " Korek! hay naku! tama nang chekahan halika na sa trabaho mo " Naging madali naman kay Sandie ang kanyang trabaho at saka mababait rin sa kanya ang mga co-workers niya. " Nakakapagod naman ang dami nating customer ngayon" Pagsasalita ng isa sa kasama ni Sandie habang busy sa pag aayos sa sarili niya tapos na kasi sila magtrabaho. " Marami ngang kumakain dito kahit ang mamahal ng pagkain" Sabi ni Sandie habang tinatali ang buhok niya ng hindi man lang sinusuklay. " Kasi masarap ang pagkain at saka worth it rin naman lahat ng ginagastos nila kahit mahal ang mga pagkain dahil mababait ang mga nagtatrabaho dito at magaganda lalong lalo na ang chef natin sobrang G. W. A.P.O gwapo besh! Gwapo!!!" Kinikilig na sabi nito habang tinitingnan si Jeffrey habang lumalabas. " Gwapo nga! Oh sige mauna na ako" Pagpapaalam ni Sandie para humabol sa susunod niyang trabaho. " Sana umabot pa ako hindi ko alam na hanggang 7:00PM ang work hours rito" Pagtingin niya sa relo niya 8 kasi ang time nang pagtatrabaho niya sa pangalawang work niya. " Sandie gusto mong sumabay? Sakay na bago pa magbago ang isip ko" Nakangiting sabi rito ni Jeffrey habang sinusundan niya ito gamit ang kotse niya. " Hindi na po Sir " Pagmamadali ni Sandie maglakad pero sinusundan pa rin siya ni Jeffrey. " Bakit ba ang hilig hilig nitong sumunod!? " Pagmamadali pa nito. " Mukhang pipilitin pa kita ah? " Pagkamot nito sa ulo niya hindi kasi ito pinapansin ni Sandie. " Sa tingin ko nagmamadali ka kaya kung ako sayo sumabay kana sakin mas mabilis naman ang kotse ko kaysa sa jeep noh " Sa sinabi niyang ito sumakay na si Sandie choosy pa ba siya at saka malilate na rin kasi siya " San ka ba pupunta?" Sinagot naman agad ni Sandie ang tanong nito. " Anong gagawin mo sa hotel? Gabing gabi na ah? " makahulogan pa nitong tanong. " Marangal ang trabaho ko! " Natigilan naman si Jeffrey sa sinabi ni Sandie. " Hindi yon ang ibig kong sabihin " tingin niya pa rito na may halong guilt " Pero hindi ba't katatapos mo lang magtrabaho tas magtatrabaho ka na naman?" "Ganon talaga paghindi ka pinanganak na mayaman" Natahimik na lang si Jeffrey sa sinabi nito. " Nga pala Sir Sorry po doon sa nangyari kaninang umaga " pag-aalala ni Sandie sa pagtataray niya rito. " Okay lang, nakalimotan ko na nga " lumingon naman siya rito ng bahagya. " Mga anong oras ka niyan matatapos? " tanong pa ni Jeffrey. " 1AM po " sabi nito at saktong dumating na sila. " Sinong kasama mong uuwi niyan mamaya? " tanong pa rito ni Jeff nang makababa si Sandie. " Sanay akong mag isa " tipid lang nitong sagot " sige po Sir " pagkasabi niya non naglakad na siya. " Good luck Sandie!! " Cheer niya rito pero parang wala naman itong narinig. " Suplada " napapangiti na lang si Jeff habang pinagmamasdan itong naglalakad pagkwan umuwi na din siya. At pagkatapos nang trabaho ni Sandie bagsak na agad ito sa kama niya sa subrang pagod. At pasado 5AM nang bigla siyang magising sa pagtunog ng phone niya. "Sino 'toh? " Sagot nito agad. " Ang aga aga suplada nito " Napabangon bigla si Sandie ng marinig niya ang nagsalita sa kabilang linya. " Sir kayo pala! ano po yon? " " Gusto ko lang sabihing day off mo ngayon " "So ibig pong sabihin close po ang restaurant niyo every sunday?" " Hindi pero dahil mabait ako binibigyan ko nang rest day ang mga nagtatrabaho sa restaurant " "Ganon po ba " inaantok nitong sabi " o ano? may sasabihin pa kayo?" Paghiga nitong muli kaya napatingin agad si Jeffrey sa cellphone niya sa kawalang galang ni Sandie at napangiti na lang ito nang makita ang pangalan ni Sandie. " Oh sige Sandie tulog na " " Sandali po Sir, saan niyo po nakuha ang number ko?" "Sa resume mo " " Ganon po ba, sige Sir bye po" Pagkasabi nun ni Sandie pinutol na niya ang linya. " Kasalanan ko ata kung bakit wala siyang respeto saakin kung bakit rin kasi sinabihan ko nang ayaw ko ng pormal at seryoso " Natigilan ito nang mapansin niyang kinakausap niya ang sarili niya. " Hindi pa naman siguro ako nababaliw para kausapin ko ang sarili ko " natatawa pa nitong sabi habang iniisip si Sandie. " Ate bangon po may trabaho pa kayo" Pagyugyog rito ni Timmy kapipikit nga lang niya. " Walang trabaho si Ate ngayon" Pagbangon nito kahit ayaw pa niyang bumangon ang kulit kasi ni Timmy. " Yeyyy! ibig pong sabihin makakasama po kita nang buong araw? " Masaya nitong tanong rito. " Naman! " Pagkiliti niya rito hangang sa napuno ng tawanan ang kwarto nila at mayamaya pumasok si Eya. " Ang daya kayo lang" Paglapag nito sa bag niya at nakisali kina Sandie kahit nakabihis na ito natigil nga lang ang harotan nila ng sumuko si Timmy. " Okay tama na!" Pag-aayos nila sa mga sarili nila. " Bakit nakabihis ka?" Pakapansin nito kay Eya. " Ate meron po kaming practice para sa sayaw namin sa P.E " " whole day?" " Hindi po uuwi rin po ako agad balak ko nga pong hindi magpractice dahil wala po kayong trabaho minsan lang po kayo dito sa bahay pag umaga e " " Pumasok ka na bilisan mo na lang umuwi " Pagbibigay niya rito ng pera. " Hindi na ate may natira po sa binigay niyo sakin kahapon nilibre ako ng mga kaklase ko sa pamasahe kahapon ng uwian " " O sige mag iingat ka" Yumakap mo na rito si Eya bago lumabas. " Ikaw naman mauna kana sa banyo dahil sabay tayong maliligo ngayon ang asim mo eh kahit masyado pang maaga" Pagbibiro ni Sandie kay Timmy. " Mana po sainyo ate" Pagtayo nito sabay takbo balak kasing kurotin ni Sandie. " pasaway pa rin" Masayang pagliligpit ni Sandie. VENIANDEZ FAMILY: " Mama sigurado ka bang lalayo saatin si Baby Warren ko?" " Oo dahil yon lang ang paraan para mahanap niya ang totoong babaeng mamahalin siya dahil hindi ko na alam kung kailan pa ako tatagal sa mundong ito at hindi ako makakapayag ng hindi ko man lang nakikita ang magiging apo ko sa tuhod sa apo kong yan at saka maganda na yong may mabait, maganda, at mabuti siyang katuwang sa buhay dahil hindi ko siya maiaasa sayo pagnawala ako " " Sa bagay po pero makikita pa rin naman natin siya diba?" "Aba! syempre" " Hindi ko kayang hindi siya makita oras oras" Pag iyak nito, sobra kasi ang pagmamahal niya sa anak. " Mommy isipin niyo na lang nasa school ako " Pagpapatahan rito ni Warren kaya medyo kumalma na din ito. " Ano Apo ready ka na?" " Opo Lola " " O sige na, Apo kilalanin mo siya ng lubosan at pagsiya na sa tingin mo ang para sayo sabihin mo agad dahil maghahanda tayo nang enggrandeng kasalan" " Opo Lola " Pagmano niya rito sabay yakap ganon din sa mommy niya, niyakap niya ito saka naglakad papunta sa kotse. " Sandali.. " Pagpunta rito nang mommy niya. " Yaya!" Tawag ng mommy niya sa katulong, dumating naman itong may dalang malalaking bag. " Itong isa ay mga paborito mong pagkain dahil bawal kang magutom doon itong isa naman mga gamot ingatan mong wag magkasakit at itong isa----" " Mom don't worry malaki na po ako" Pagputol nito sa sasabihin pa nang mommy niya. " Pero..." " Kung dadalhin ko yan edi paano ako magmumukhang mahirap siguradong magtataka sila pagganyan ang mga dala ko" " Sa bagay.. O ito na lang pag naubusan ka tumawag ka agad at dadalhin ko sayo or umuwi ka" Pagbibigay niya rito ng pera. " Mom diyan lang naman ako sa kabilang baranggay hindi sa ibang bansa" Pagngiti rito ni Warren. " Sige na Melin 24 hours ko siyang pababantayan" Pagyakap ng lola niya rito. " E Mama kung yong babae na lang kaya ang dalhin natin dito? " Naiiyak pa rin nitong tanong. " Hindi yon maaari kaya nga pupunta doon ang Apo ko at magpapanggap na mahirap dahil ang gusto natin mahalin siya nang babaeng yon ng hindi dahil sa yaman natin at saka hindi ko naman hahayaang may mangyari sa nag iisa kong Apo kaya wag kanang mag alala diyan" " sige na nga payag na ako! basta pagmay nangyari sasabihin mo agad at saka oras oras dapat tatawag ka" Pagyakap sa kanya ng mommy niya. " Opo pangako! O sige na po" Pagkasabi nun ni Warren sumakay na siya sa kotse habang kumakaway ritong umiiyak ang mommy niya akala mo rin sa abroad pupunta ang anak. " Gisingin mo lang ako pagdumating na tayo and please don't make any noise" " Yes Señorito" ani driver at medyo amahaba haba rin ang naging byahe nila plus traffic pa. " Señorito dumating na po tayo" Pagkasabi nun ng driver minulat ni Warren ang mata niya actually hindi naman talaga siya tulog nakapikit lang ang mga mata niya. " Ito na ba?" Pagbaba ni Warren ng hindi hinihintay na buksan nang driver ang pinto ng sasakyan. " Yang address po nasa loob pa po yan Señorito" Pagsilip nang driver sa papel na hawak ni Warren. " Nakatira kana ba dito?" Pagmamasdan ni Warren sa lugar at gaya ng inaasahan niyang tirahan nang squater yon ang nakikita niya ngayon. " Hindi Señorito pero may barkada akong nakatira rito dati " hindi na nagsalita pa itong amo niya habang pinagmamasdan ang paligid. " Señorito puwedi ko naman po kayong samahan" " Maganda nga yan kaya lang wala yon sa plano ni Lola" Pagkuha nito sa bag pack niya. " Señorito nandito lang po ako" " Sige na bumalik ka na sa trabaho mo" Paglalakad ni Warren at natigilan ito ng yakapin siya nang driver niya. " Hoy! Anong nangyayari sayo?" Paglayo niya rito. " Iiwan mo na talaga kami" Naiiyak pa nitong sabi hindi lang kasi ito basta Driver ni Warren kundi kaibigan ang turing niya rito, isang matalik na kaibigan. " Baliw akala mo rin mamamatay na ako e " Pag alis ni Warren sa pagkakayakap niya rito labag talaga sa kalooban niya itong ginagawa niya kaya lang sawa na rin siya makipagtalo tungkol sa paghahanap nila ng pakakasalan niya o ang maagang pag aasawa niya at isa pa may punto rin naman ang lola niya at saka kung sa pag aasawa rin ang pupuntahan niya bakit pa siya maghihintay ng matagal at kung ito lang ang paraan para masuklian ang paghihirap nang lola niya sa lahat ng naipundar nilang kayamanan ano ang dahilan niya para tumutol. " Hindi ko alam na may ganitong lugar dito sa pilipinas" Pag-iwas ni Warren sa mga maliliit na kanal habang naka kunot ang noo niya wala man lang itong makitang puweding pagtanongan kung saan puweding rumenta, mga mukhang walang mapagkatiwalaan kasi ang mga nadadaanan niya paano kasi karamihan walang damit na pang itaas at puro tambay halatang palamonin lahat. " Timmy alam ba ni Ate na lumabas ka?" " Opo inutosan nga po niya akong bumili ng asin" Pagpapakita ni Timmy sa dala niyang pera nakatingin naman si Warren sa magkapatid habang nakatayo sila sa isang store. " O sige mauna na ako ah pagnaka bili ka bumalik ka agad" Paglalakad ni Eya pabalik sa bahay tapos na kasi ang practice nila pero natigilan siya ng patirin siya nong lalaking umiinom ng soft drinks kasama ang kaibigan nito. " Naku! Miss mag iingat ka naman" Pagtawa pa nong lalaki sabay tayo. " Tama siya, baka magasgasan yang makikinis mong legs?" Pagtingin pa nila rito mula ulo hanggang paa saka tumawa ng malakas halos maiyak naman si Eya sa pambabastots nila rito namumuo na nga yong luha sa mata niya. " Humanda kayo!!!" Pag takbo nito pero kagaya kanina tinawanan na naman nila ito at si Warren ito nakatanga lang. " Bago kayo rito noh?" Tanong nong dalawang lalaki sa kaninang bumastos kay Eya hindi naman sila mukhang matatanda nasa 17/18 lang ang edad nila halos kaedad lang ni Eya. " May dinalaw lang kaming kaibigan rito" Mayabang pa nilang sabi. " Kaya naman pala" Sabi nong isang lalaki habang nakangiti mayamaya nagtinginan ang mga tao doon kaya ganon na lang ang pagtataka ni Warren lalo na nong magchorus ang mga ito. " LAGOT KAYO NGAYON!!! " sabay sabay na sabi nong mga nakakita sa nangyari si Warren nga lang ang hindi. " Bakit kanino naman yon magsusumbong sa kuya niya? Mama? O baka sa tatay niyang kalbo " Tawanan pa rin nila. " Nong kapanahonan pa yan ni FPJ yang tatay kong kalbo" Tumango naman ang mga tao doon sa sinabi nong babaeng kanina pa bumibili. " Kung ganon kanino kami dapat matakot?" Tawanan pa rin nila pero natahimik sila ng magsalita si Timmy. " LAGOT KAYO SA ATE KO!!! " tumango naman ang lahat sa sinabi ni Timmy tanging si Warren nga lang ang hindi kung saan kanina pa nagtataka ang mukha, curious rin ata kung sino itong tinutukoy nilang nakakatakot. " Ayan na siya!" Pag-alis ng mga tao sa tindahan ng makita nila si Sandieng naglalakad habang naka epron at yong mukha ng mga lalaking natatakot napalitan ng pagmamalaki. " Tsk! Yan ba? Kalokohan isang payatot na babae?" Tawanan pa nila. " Kayo ba?" Magkasalubong ang kilay ni Sandie habang nakatingin sa kanila. " Kami nga! At ika----" napasigaw ang lalaki ng ituro niya si Sandie pagkatapos nitong pihitin ang hintutoro niya. " A-ar-ray!!!! Ang sakit!!! " Sigaw nito mabilis namang pinuntahan ng kasama niya si Sandie at sinuntok pero naiwasan ito ni Sandie at mabilis nitong sinipa at sa lakas nun napaupo ito sabay hawak sa dibdib niya, iyon kasi ang tinamaan ng mga paa ni Sandie. " Ara....y" daing nito pero walang may tumulong habang yong kasama niya pihit pihit pa rin ni Sandie ang daliri niya si Warren naman napapalunok na lang first time niya kasing makasaksi ng ganito kaya ganon na lang ang takot niya habang pinag uumpokan sila doon. " Bitawan mo ang kamay ko" Naiiyak na sabi nong lalaki sa sakit pero hindi ito pinakinggan ni Sandie. "Saan ang ginamit mong paa?" Tinaas naman nong lalaki ang ginamit niyang paa para patirin si Eya kaya mabilis itong sinipa ni Sandie at sa lakas non napasigaw yong lalaki kaya binitawan niya na din ito. " Baliw kang babae ka!!! " Pagsipa nito kay Sandie pero naiwasan niya ito agad pagkuwan sinuntok niya ito pero mabilis rin itong nasalo ni Sandie saka mabilis niya itong pinaikot saka binalibag ang lalaki. " Aray ko... " Hindi na siya makahinga ngayon habang pareho silang naka upo sa may sulok nang kasama niya. " Sabihin niyo bakit niyo yon ginawa sa kapatid ko?" Pagkuha nito sa monoblack na upuan at nilagay sa harapan nila at umupo rito. " E ate crush niya po yon e" Pagturo niya sa kasama niya. " Ikaw?! " " Opo nagpapapansin lang naman po ako kaya lang pikonin po pala" Natatakot pa nitong sabi habang hawak hawak nito ang daliri niya. " Alamo bang hindi yon tamang paraan ng panliligaw? mga pasaway kayo! Nasaktan pa tuloy kayo, sige na umuwi na kayo wag niyong gagawin ulit yong ginawa niyo" Pag tayo ni Sandie, mabilis namang tumayo ang dalawa at tumakbo. " Hoy! Sandali yong bayad niyo!!!" Tawag nang tindera na siyang nagpahinto sa dalawa. " Ikaw ng bumayad " " Ikaw na! ito yong pera" " Ikaw na" Pag uutosan ng dalawa na halatang takot na takot pa rin. " Sabay na lang tayo" Gaya ng sabi nila sabay silang nagbayad saka kumaripas ng takbo. " Mga pasaway!" Pagsunod sa kanila ng mata ni Sandie. " Sandie asin mo " Sabi rito nang tinderang binilihan ni Timmy. " Salamat po!" " Wala pa ring kupas Sandie ah" Paglapit rito ng mga kaninang nasa tindahan. " Alam niyo naman pong walang puweding manakit sa mga kapatid ko, sige po may niluluto pa ako" Pag alis nito. " Timmy uwi na" Habol pa nito. " Sandali lang po" Pagkwan biglang umalis si Timmy. " Hindi nasayang yong pagtuturo ni Mario sa anak niya sa taekwondo nong nabubuhay pa siya" Pagtingin nila kay Sandie. " Tama dahil napapakinabangan niya ito para sa kaligtasan nila sana nga maging katulad ng anak ko yang si Sandie napaka husay at sipag niyang bata " ' Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi nong babae at mayamaya nagsi alisan na silang lahat at sakto namang tumunog ang phone ni Warren na hindi pa rin nakaka get over. " Hello Apo?" " Lola nakita ko na siya at para po siyang maton sigurado ba kayong gusto niyo siya para sakin? Nakakatakot siya" Mahina nitong sabi sa kabilang linya. " OO SIYA ANG PARA SAYO! Sige na Apo simulan mo na ang mission mo" Pagputol niya sa linya. " Ano bang nakita niya sa babaeng yon at gustong gusto niya? Pambihira! First time akong babaan ng linya ni lola ah" Pagbulsa nito sa cellphone niya habang natatakot nang magflash back sa kanya yong ginawa ng future wife niya. " Baka umuwi akong bangkay nito kina Lola kawawa naman si mommy pagnangyari yon " bulong pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD