Chapter 3

4998 Words
Chapter 3 Kanina pa nag-aalanganing magtanong si Warren sa mga tao dito sa baranggay nila Sandie habang inu-obserbahan ang mga tao rito. " Saan kaya ako puweding magtanong? " bulong pa nito. " Tabi po" Natigilan siya ng makita niya si Timmy habang pinapaalis siya sa kinatatayuan niya. " Ikaw! Tama ikaw! "masaya nitong sabi kaya nagtaka ritong tumingin ang bata. " Ano pong ako?" " Sabihin mo saan ako puweding tumira?" Natigilan ito ng nakatingin lang rito si Timmy. "Ano kaba Warren ano namang makukuha mo sa isang musmos na ito " bulong nito sa sarili niya saka nagbuntong hininga. " Hindi ako musmos Mamang Guwapo sadyang hindi lang ako tumutulong ng walang kapalit " Napataas naman ng kilay si Warren sa makahulogang sinabi ni Timmy. " Mayron akong alam na makakatulong po sainyo sa problema niyo " Paghalukipkip pa nito. Itong si Timmy kasi ay isang bibong bata at dahil astig ang ate niya medyo minana nito ang ugali niya kaya bata pa lang marunong na din dumiskarte sa buhay. " Aba okay rin ang mga bata rito akala mo matanda na kung umasta maliit pa pero marunong na mangutong " Natawa na lang si Warren sa naisip niya. " Okay boss anong kapalit ang gusto niyo? " Pagngiti pa niya rito agad namang liningon ni Timmy ang isang garapong chubby gamit lamang ang mata niya pero imbis na mainis si Warren natawa na lang siya, ang cute nito kasi. " Miss magkano toh? " Pagkuha ni Warren sa isang garapong chubby. " Ah yang laman lang ang ibinibenta ko hindi kasali yang garapon " " Ganon ba, magkano yang laman?" Pagbalik rito ni Warren. " Bilangin po natin" Pagkwan binilang na nga ito nang tindera hindi naman maiwasang lingonin ni Warren si Timmy habang hindi makapaghintay. " 28 po lahat ng laman " Natigilan yong babae ng magbigay ito nang isang libo. " Sir 28 lang po bibilhin niyo tas wantawsan na agad ang pera niyo?" Pagtingin pa nito kay Warren mula ulo hanggang paa. " Ito ho 500 wala na akong barya eh " Napilitan namang palitan nong babae ng lingonin niyang hawak hawak na ni Timmy ang chubby kung hindi lang malakas itong sina Sandie sa tinderang ito binawi na niya ito sa bata. " Tayo na po!" Paghawak ni Timmy sa pantalon ni Warren ng makuha nito ang sukli. " Mang ang gwapo naman nun at mukhang mayaman" Paglapit nong anak ng tindera rito. " Galing abroad siguro ang babango nang pera eh at saka 500 lang daw ang barya niya" Usapan pa ng mag ina. " Nandito na tayo" Pagkwan kumatok si Timmy sa bahay nila habang mataman lang itong pinagmamasdan ng binata. " Ganito ba ang titirahan ko? " Hindi makapaniwalang pag iisip nito. " Buti naman at umuwi kana, kakain na tayo " Napaatras si Warren ng makita nito ang nagbukas sa pinto. " Ate Sandie kailangan daw po niya ang tulong niyo" Pagpasok ni Timmy kaya mabilis na tumalikod si Warren. " Pasaway na bata yon ah balak niya ba akong ipabugbog" Sa isip nito. " Ano yon? Anong kailangan mo?" Nakapamaywang ritong tanong ni Sandie sa may pinto kaya napilitan na rin siyang humarap. " Ate sino po yan?" Pagsilip ni Eya at napangiti ito ng makita niya si Warren. " Guwapo mo Kuya ah artista ka po? " " Eya ano ba?" Saway agad rito ng ate niya. " Sorry po Ate" Pag alis nito. " Kung wala kang sasabihin ayan yong daan paalis " Pagturo niya sa dinaanan nila kanina sabay sarado sa pinto nakatitig lang kasi ito sa kanya. " Miss sandali lang" Nag-alangan pa si Warren kung hahawakan ba niya ang pinto ang layo kasi nito sa bahay nila. " Magsasalita ka rin pa____ " natahimik si Sandie ng buksan niya ang pinto ay sakto namang kumatok si Warren kaya sa ulo nito dumiretso ang kamay niya. " Pasensya na" natatakot pa nitong sabi " E magtatanong lang sana ako kung saan ako puweding tumuloy?" Nakakunot naman itong tiningnan ni Sandie at mga ilang segundo bago ito nagsalita. " Hindi ka naman mukhang naglayas at lalong hindi ka mukhang pinalayas, mukha kang mayaman na napadpad rito kaya anong ginagawa ng isang mayaman sa mga ganitong lugar?" Mausisa nitong tanong sa mga napansin niya kay Warren. " Ang galing mo naman " ngiti pa nito pero natigilan siya ng marealize ang sinabi niya " Ah, ang ibig kong sabihin mukha lang akong mayaman pero tulad mo rin ako" Pagbulsa pa nito sa kamay niya para itago ang kaba nitong nararamdaman pero halata sa mukha ni Sandie na hindi siya naniniwala pero ganon na lang ang gulat nilang dalawa ng hilain ito ni Eya papasok. " Naghahanap po kayo ng mauupahan? Tamang tama po may bakante kaming kwarto dito" Agad naman itong hinila ni Sandie. "Ano ba yang pinagsasabi mo Eya?" Mariin niyang bulong rito. "Ate makinig ka yong kwarto ko puwedi natin yon paupahan sa kanya kasya rin naman tayo sa kwarto niyo ni Timmy at isa pa dagdag income na rin po yon malay niyo po makapag aral kayo next year pangarap niyo po yon diba?" Natigilan naman si Sandie sa sinabi nito. " May punto ka pero lalaki siya" Bulongan pa nila. " Ate nakikita niyo naman mukha siyang matinong tao ang inosente po ng mukha at isa pa kayang kaya niyo naman pong pagbalibaliin ang katawan niya pagnag luko siya at saka hindi ka naman lugi kong maanakan ka ng tulad niya ang guwapo kaya ate " "Sa bagay!" pagtango pa nito habang nakatingin sa pinag-uusapan nila pero napalingon siya sa kapatid niya ng maisip ang sinabi nito " Baliw kang bata ka!!!" Pagpalo ni Sandie sa balikat ni Eya nang mahina pero tinawanan lang siya nito. " So ano ate payag ka na? Kung sakali pong magluko siya at maramdaman nating masama siyang tao edi paalisin natin" Nakumbinse naman si Sandie sa sinabi nito. " Okay..? " ngiti pa nito saka pinuntahan itong si Warren "Kuya ano po okay lang sa inyo?" " Itong buong bahay ba ang uupahan ko?" Napatingin naman rito ang magkapatid ng parang tanga hindi kasi sila makapaniwala sa sinabi nito. " Kuya sumunod ka po saamin" Pagpunta nila sa kwarto ni Eya. " Ito po ang kwarto niyo pero syempre po aalisin namin ang mga gamit rito" Napataas naman ng kilay si Warren marami kasing butas ang mga dingding masyado ring maliit mas malaki pa nga rito ang CR niya at halatang luma na, yong iba kasi naubos na nang anay. " Ano okay lang ba sayo? "Tumango na lang si Warren kahit ayaw niya. " 2000 ang renta mo " Napalingon naman si Eya sa sinabi ng ate niya tinaasan talaga niya ang renta sa totoo lang labag sa kalooban niyang magpatira ng lalaki sa kanila kaya kung sakaling umayaw ito walang kaso sakanya. " Okay.. " Pagbibigay ni Warren sa 2000 kaya ganon na lang ang pagtataka nila hindi man lang kasi tumawad at ang dali lang nitong nagpakawala ng pera. " Kuya maupo ka muna rito, aalisin lang namin ang mga gamit sa kwarto niyo" Umupo naman si Warren sa isang upuan doon at napatingin silang lahat rito ng mapasigaw ito napatid kasi ang inupuan niya sa kalumaan kaya ganon na lang ang takot niya but he need to act cool kaya agad niyang binawi ang naging reaction niya. " Wala ba kayong matino tinong upuan rito?" Pagtayo nito ng naiinis pagkatapos makaramdam ng hiya. " Hindi ito Malacañang! " masama ritong lingon ni Sandie kaya para tuloy siyang ilang ilang na tumiklop, takot kasing masampolan. " Ate baka naman po puweding wag muna kayo magsungit diyan kahit ngayong araw lang " bulong rito ni Eya habang nililipat ang mga gamit niya sa kwarto ng ate niya. " Wag na lang kaya natin ituloy ito ibabalik ko na lang ang pera " nag aalala pa nitong sabi. " Ate isipin mo ang perang papasok saatin pag dito yan tumira at saka mukha naman po siyang disenteng tao " sa sinabing ito ni Eya nagpatuloy muli sila sa paglilipat. " Hello Mom "Sagot ni Warren sa phone nito. " Baby Warren kamusta na? Do you have already friend there? May nang aaway ba sayo? " Nag aalalang tanong ng mommy niya. " Okay rin itong mommy ko noh hindi pa ako nag-12 hours dito naiisip na niyang itanong sakin ang mga tinanong niya" Sa isip nito " Mom I'm fine, sige na Mommy I'm going to fix my things" " Okay baby, I love you just call me if there is a problem, okay?" " Yes Mom" Pagkasabi niya nun pinutol na rin niya ang linya at natigilan siya ng makitang pinagmamasdan siya nang magkapatid. " What?!" Nakakunot noo nitong tanong pero wala man lang may sumagot sa kanila saka pinagpatuloy ang pagliligpit. " Ate sa tingin mo mahirap talaga yan?" " Yon ang sabi niya at saka bakit naman niya ililihim saatin at titira sa bahay nating minassacre ng anay" " Sa bagay po pero tingnan niyo ang balat Ate hindi pa ata nadadapuan ng langaw kahit hindi siya kaputian halatang naalagaan ang balat" Bulongan pa nilang pag uusap. " Hayaan mo na basta pagnag luko yan masasaktam siya sakin" Tumango na lang si Eya sa sinabi ng ate niya. " Maaari ka nang pumasok sa kwarto mo " tingin rito si Sandie " nawalisan na rin namin at kung may ilalagay ka or ididikit okay lang din samin" Paglapit rito ni Sandie. "Salamat!" Pagkasabi nun ni Warren pumasok na siya sa kwarto. " Tsk! Okay rin ang isang yon pero bakit ganon familiar siya sakin? Di bale na nga sa dami ng nakilala ko at nakasalamuha sa trabaho hindi nakakapagtakang halos kilala ko na lahat ng tao sa Pilipinas" Pagpunta nito sa kusina. " Yong babaeng yon? Parang nakita ko na siya" Pag-upo ni Warren sa kama habang iniisip kung saan niya nakita si Sandie pero napatayo siya bigla ng umangat ito. " Wala bang matino dito sa loob ng bahay nila?! " Naaasar nitong pagtingin sa buong kwarto niya at mga ilang sandali sinimulan na rin niyang ayosin ang mga gamit niya. " I never imagined na titira ako sa ganitong lugar " pag upo nito ng matapos niyang ayosin ang mga gamit niya. " Kuya kakain kami kung gusto niyong kumain daw po sama daw po kayo saakin" Pagbukas bigla ni Timmy sa pinto habang nangingitim ang ngipin sa kinakain niyang chubby. " Kahit ayaw ko kailangan kong sumabay sa kanila para makilala itong babaeng gusto ni lolang pakasalan ko at isa pa para na rin mapag-aralan ko ang buhay nila o paano mamuhay dito dahil kung hindi baka mabuko nila ako agad " Pag iisip nito. " Kung ayaw niyo po babye na po " pagsara nito sa may pinto pero mabilis itong binuksan ni Warren. " May sinasabi ba ako? Ikaw talaga boss " Pagsunod nito kay Timmy. " Makisalo ka na saamin pero ngayon lang dahil sa sunod ikaw ng bahala sa kakainin mo" Sabi rito ni Sandie habang naghahain. " Magpapakain ka na nga lang pinapamukha mo pa" bulong nito sabay upo habang matamang tinitingnan ang hinanda ni Sandieng gulay. " Bakit ganon iba yong pagkakaluto nito? medyo maalat " tingin nito sa nilutong gulay ni Sandie syempre mga magagaling na chef kasi ang nagluluto rito kaya natural na hindi pumasok sa panlasa niya ang mga luto ni Sandie. " Tsk! Alamo madali lang yan kung ayaw mong kainin edi wag mo!" Naaasar niyang tingin rito. " Calm! I'm just curious mamaya sumakit ang tiyan natin " Natatakot pa nitong pag iwas ng tingin rito. " Tsk! puwes wag ka nang macurious! kumain kana lang tsaka kung sumakit ang tiyan mo edi ilabas mo sa CR ganon lang! " sa sinabing ito ni Sandie wala ng may nagtangka pang magsalita sa kanila at habang kumakain sila hindi nila maiwasang lingonin si Warren na halatang pinipilit lang kainin ang mga pagkain at para bang ngayon lang nakakain ng ganito makikita kasi sa mukha nitong pinipilit lang nitong lunokin at maarteng hinahawakan ang mga gamit nila Sandie hindi nga nito malaman kung nag iingat lang ba ito o nag iinarte talaga. " Kuya dito niyo po ba talaga type tumira? Sa tingin ko naman po hindi kayo yong tipong titira sa ganitong lugar" Ani Eya kaya napatingin siya bigla rito. " Why? may mali ba kung tumira ako rito? at isa pa ito lang afford kong tirahan" pagsisinungaling nito pero hindi kasi siya magaling non kaya ito hindi makombinse si Sandie. " Wala naman po pero Kuya anong klaseng trabaho po ang meron kayo?" Natigilan siya sa isa pang tanong nito. " Siguro po modelo kayo noh? Ang kinis at ang gwapo niyo po kasi" Pagsagot rin ni Eya sa sarili niyang tanong kaya nakahinga ng maayos itong si Warren hindi kasi siya magaling magsinungaling kaya hindi niya alam kung anong isasagot niya rito. " Wala namang kwenta ang hitsura kung wala ka namang pera!" Paglingon ni Sandie kay Warren kaya napalunok na lang siya rito ang astig kasi nitong magsalita. " Sus! Itong si Ate mahalaga pa rin ang hitsura noh. E Kuya may girlfriend po kayo? yang ate ko available po" Natapon naman ang iniinom ni Sandie na tubig sa sinabi nang kapatid niya. " Biro lang ate" Pagtawa pa nito. " Hugasan mo na nga si Timmy kung anu anong lumalabas sa bibig mo" Utos niya rito tapos na din kasi silang kumain. " Opo! 'Lika na Timmy" Pagtayo ni Eya habang hilahila ang bunso nilang kapatid. " At ikaw tulongan mo akong magligpit sa pinagkainan natin kabayaran mo na rin sa kinain mo" " Ang bilis rin maningil ng isang ito" " Yang mga plato ipunin mo tas ilagay sa palanggana tas trapohan mo yan" Pagturo nito sa lamesa. " What?" " Anong what ang daling gawin nagrereklamo ka?" " Hoy miss! for your information I'm not your maid " asar nitong tingin kay Sandie " Alam ko pero kumain ka diba? Kaya tulongan mo akong magligpit" " No! yong akin lang ang ililigpit ko" Pagkuha nito sa plato niya pero natigilan siya ng magsalita itong si Sandie. " Alamo sa tingin ko hindi mo kayang mabuhay sa ganitong lugar kaya kung ako sayo bumalik kana sa pinanggalingan mo" pagligpit ni Sandie sa mga plato kaya natauhan naman bigla si Warren sa sinabi nito. " what did you mean? Saan ako babalik? At sinong nagsabing hindi ko kayang gawin ang maghugas? Mahirap kaya ako, I can do this tssst! this is just a piece of cake!!!" Pagkuha niya sa mga platong hawak hawak ni Sandie. " Hoy! Dahan dahan lang pagnabasag yan mapapalitan mo!" Sigaw rito ni Sandie at katatapos lang niya magsalita ng mahulog ang isang baso. " Sabi na nga ba!" Sigaw muli ni Sandie, hindi naman makapagsalita si Warren habang nilalagay ang plato sa palanggana. " Kasasabi ko lang diba?!" Pagkuha ni Sandie sa walis at daspan. " I'm sorry! Its my fault" Pag upo ni Warren para pulotin ang mga nabasag na baso. " Anong ginagawa mo? " Sigaw nito " wag mong hawakan masusugatan ka niyan" Paghawak ni Sandie sa kamay ni Warren para pigilan itong hawakan ang basag na baso. " Thank you, di bale I will pay it " " Alamo para kang batang walang alam sa mundo at saka hindi porket sinabing bayaran mo babayaran mo na agad! ang dali lang sayo magtapon ng pera ah " Paglilinis ni Sandie sa basong nabasag at si Warren nakamasid lang ito sa kanya habang nag-aalala. " Sige na hugasan mo na yong mga plato" " Ano? Wait! kanina sabi mo ligpitin ko lang tas ngayon huhugasan na? No! " parang batang pag upo pa nito. " Kanina kumain ka lang pero ngayon nakabasag ka na nang baso kaya natural madadagdagan ang trabaho mo! ". " Anong klaseng patakaran yan? " titig niya pa rito. " Patakaran yon ni Sandie! Ano may angal ka? At puwedi ba tumigil kana kaka-english diyan hilain ko yang dila mo eh! " pagtayo nito. " saan ba maghuhugas? " matamlay nitong tanong habang natatakot. " Yang palanggan lagyan mo nang malinis na tubig tas doon na " " Dito naba? "Tanong pa nito. " Oo saan pa ba? "Paglingon rito ni Sandie habang nakakunot ang noo, ang dami kasi nitong tanong. " Suplada!" Narinig naman yon ni Sandie pero dinedma na niya ito sanay na kasi siyang marinig ang salitang yon. " Anong ginagawa mo? "Paglapit niya rito paano kasi panay ang gamit ni Warren sa tubig at ang malala hindi niya sinasabon ang plato basta maalis lang ang mga natirang kanin sa plato binabalik na ito sa lalagyan ng plato. " Sorry paano ba?" " Wala ka talagang utak! Sabonin mo muna at banlawan saka mo ilagay sa lalagyan ng plato " " Grabe ka diyan makasabi ng walang utak! sorry pero walang sabon diyan at malay ko ba sa paghuhugas ng plato!" Inis na pag alis ni Warren mula sa mga plato. " Ate para kayong bagong kasal diyan ah" Pagbibiro sa kanila ni Eya. " Tumahimik ka! " "Shut up! " Sabay na sigaw ni Sandie at Warren pero kay Warren yong English na salita ah. " Ako na nga po ang maghuhugas niyan ikaw ate magpahinga kana lang po may trabaho kapa niyan mamaya e at ikaw kuya ayosin niyo na rin po ang mga gamit niyo" Pagpi-presenta ng kapatid niya. " Hindi, mag aral kana lang ako ng gagawa nito" Napatingin naman si Warren sa sinabi ni Sandie. " Okay lang ate wala naman po akong assignments pahingi na lang po ng pambili ng panghugas ng plato" Pagpupumilit nang kapatid niya kaya napilitan na rin siyang bigyan ito ng perang pambili ng panghugas ng plato. " Excuse me!" Mataray na pagdaan ni Sandie sa harapan ni Warren para pumunta sa kwarto niya kaya pumasok na rin ito at saktong pagkapasok niya tumawag na naman ang mommy niya. " Baby Warren how are you?" " Mom hindi mo naman kailangan tumawag palagi I'm always fine, don't worry" " I know but I'm your mom hindi mo maaalis sakin ang mag alala" " But you don't need to worry, I'm always fine plus malaki na ako" " But you are still my Baby right?" " Of course but Mom please pweding ako na lang tumawag sa inyo if I need you?" " What? But baby..." " Please Mom?!" " fine.. " Matamlay nitong sagot. " Thank you Mom" " Of course, for you Baby I've always" " Thanks mom, sige na po may gagawin pa kasi ako mommy" " Okay baby I love you take care always" " love you too Mom kayo rin po" Pagkasabi nun ni Warren pinutol niya na ang linya. " Kawawa naman ang bahay na ito sobrang luma na" bulong pa nito habang pinagmamasdan ito pero natigilan siya ng may kumatok sa pinto. " Who's that?" Pagbukas niya rito at si Timmy ang nasa labas. " Kuyang pogi pinapabalik po ni Ate" Pagbibigay niya sa chubby. " Ikaw pala boss bakit naman?" " Kasi po masisira daw po ang ngipin ko dito" Pag pasok nito napapangiti na lang si Warren sa kakulangan ng respeto ni Timmy. " Pero gusto mo diba?" " Opo pero papagalitan po ako ni Ate pagnakita niyang kinakain ko" " Edi wag mong ipakita sa kanya dito mo kainin sa kwarto ko boss" " Talaga po? Hindi kayo magsusumbong kay ate ko?! " Masayang tanong rito ni Timmy. " Oo naman magkakampi tayo e" ganon na lang ang gulat niya nang yumakap rito si Timmy pero mabilis na yakap lang. " Gaano ba kasungit si Ate kung bibigyan mo ng numero?" Pagpapakita ni Warren sa palad niya. " Lima po!" Pagbilang ni Timmy sa daliri sa kamay ni Warren. " Buong kamay kung ganon nakakatakot siya" Umiling naman rito si Timmy. " Hindi po, mabait po si Ate" " Gaano kabait?" " Buong kamay niyo po at ang kamay ko pati po ang mga paa natin maraming numero po" Pagngiti rito ni Timmy. " Totoo?! " " Opo ang sabi ni Ate masama magsinungaling" " Naniniwala na ako" Natutuwang sabi rito ni Warren sabay gulo sa buhok ni Timmy. " Kuyang pogi sa sunod po bigyan niyo ako ng maraming maraming chocolate pa " " Okay mga ilan?" " Buong kamay po at paa niyo!" " Okay! Masusunod boss!" Natigilan sa pag-uusap ang dalawa ng biglang sumilip si Eya sa may pinto hindi kasi ito naisara ni Warren. " Kuya inaano ka po ni Timmy?" " Wala naman akong ginagawa ate " " Kuya papasok ako ah" Tumango lang rito si Warren. " Mabait naman si Ate may pagka suplada o pagka sungit lang yon siguro sa amplaya siya pinaglihi ni mama" Sabi ni Eya habang tinitingnan ang ilang gamit ni Warren. " Mukha nga! Parang ang laki ng galit niya sa mundo palaging nakakunot ang noo " Pagbibiro pa ni Warren na siyang tinawanan nila. " Nga pala Kuya ano po bang pangalan niyo?" " Warren but you can call me Kuya Warren" " Ang gwapo naman po ng pangalan niyo manang mana sainyo " pagpuri na naman rito ni Eya " bale ako naman po si Eya at yong masungit kong ate ay si Ate Sandie at yang mukhang chocolate na batang yan ay si Timmy po " " I see, by the way asan ang mga magulang niyo?" Hindi na nasagot ni Eya si Warren ng tawagin sila ni Sandie. " Sige po Kuya " pagpapaalam nila saka lumabas. " Magkakamukha sila pero magkakaiba ng ugali yong bunso bata palang mautak na, yong sa gitna naman sobrang daldal at yong ate akala mo pasan niya ang buong mundo" Paghiga ni Warren at pumikit para magpahinga kaya naman naka idlip ito pero nagising siya ng marinig niyang nagsasalita si Sandie. " Papasok na ako mamaya matraffic e baka mahuli ako sa trabaho" " Okay po Ate ingat po kayo" " Oo kayo rin, wag mong iiwan si Timmy nang mag isa at kung puwedi wag na kayong lumalabas sa kwarto tandaan niyo may iba tayong kasama rito at hindi natin alam kong anong klase siyang tao". " Opo ate" Sabay na sagot ng magkapatid. " Timmy, bunso wag kang pupunta sa kwarto ni Kuyang pogi? mo ganon ka din Eya basta pagmay ginawa siyang masama sumigaw lang kayo at kung kailangan manlaban gawin niyo" Nagising naman bigla ang diwa ni Warren sa sinabi ni Sandie. " Tsk! Ano bang tingin niya sakin? Mukhang magnanakaw, kidnappers, o rapist!? " Naasar na pagsasalita ni Warren.. " Ate kanina pa po niyo kami pinapaalalahan alis na po kayo mamaya malate kayo" " Oo nga po Ate" Niyakap naman sila ni Sandie bago umalis. " Kawawa naman si Ate hindi naman niya kailangan magtrabaho pa sa gabi" " E Ate ano po bang trabaho ni Ate Sandie?" Nakinig naman nang mariin si Warren sa magiging sagot ni Eya sa tanong ni Timmy. " Ang trabaho niya ay ang maibigay ang mga bagay na kailangan natin kaya kailangan maging mabait tayo sa kanya, kaya 'lika na matulog na tayo para tumangkad ka at lumaki ng maayos para matulongan na natin si Ate " Napatingin naman si Warren sa relo niya sa sinabi ni Eya. " 6:45PM, trabaho? Ano naman kayang klasing trabaho at sa gabi pa " Paghiga muli ni Warren. " Hindi naman yong mukha niya ang klase ng babaeng magtatrabaho ng ganito sa naiisip ko at malabong malabo sa ugali niya" at nakatulogan ni Warren ang pag iisip niya. SANDIE Pakiramdam ni Sandie ang tagal natapos ang oras ng trabaho niya hindi niya kasi maiwasang isipin na isang lalaki ang kasama ngayon ng mga kapatid niya Isang lalaking estranghiro kaya hindi niya maiwasang mag alala na baka may mangyaring masama sa mga kapatid niya. " Taxi!" Sigaw nito pero natigilan siya ng may pumarada sa harapan niyang sasakyan at kilalang kilala na niya ang sasakyan na ito nakasakay na kasi siya rito. " Bago ata at sasakay ka ng taxi? "Pagbaba ni Jeffrey sa window ng sasakyan niya. " Pasakay naman? " Hindi pa nakakasagot si Jeffrey ay sumakay na si Sandie kaya natawa na lang siya nag paalam pa kasi noh. " Ano bang meron at hindi ka ata nagpapilit?" " Huh, e kasi nag aalala ako sa mga kapatid ko" Hindi mapakaling sabi ni Sandie. " Kalma ka lang, bakit ano bang nangyari? Anong meron?" " May nakatira kasi sa bahay namin, may lalaking umupa sa isa sa kwarto sa bahay" " Lalaki? E bakit ka naman pumayag?!" " E kasi mukha namang matino at hindi gagawa ng masama at saka kailangan namin ng extra income e" Kumalma naman si Jeffrey sa sinabi nito. " Yon naman pala e mukhang matino at hindi gagawa ng masama so bakit kapa nag aalala?" " E hindi naman ako sure doon at hindi dapat natin pinagbabasihan ang physical na anyo" " Tama ka nga naman pero alam mo wala rin namang mangyayari kong patuloy kang mag aalala diyan" Kumalma naman si Sandie sa sinabi ni Jeffrey tama rin kasi. " Sandali gabing gabi na ah anong ginagawa mo sa ganitong oras dito?" Paglingon rito ni Sandie. " May birthday party akong pinuntahan malapit lang dito" " Okay!" Tipid na sagot ni Sandie napangiti na lang si Jeffrey at mga ilang sigundong nanatili sa kanila ang katahimikan. " Nga pala Sandie____ " hindi na itinuloy ni Jeffrey ang sasabihin niya ng makitang nakapikit itong si Sandie. " Buti na lang binasa ko ang resume niya" Paggising rito ni Jeffrey ng dumating sila. " Dumating na ba ako?" " Oo kung hindi mali ang linagay mo sa resume mong address" Pagkwan bumaba si Sandie. " Salamat Sir" " So dito ka nakatira?" " Opo pero sa loob pa po ang bahay ko, salamat po" " Hindi mo ba ako iimbitahan?" napatingin naman si Sandie sa sinabi nito. " Hindi na Sir wala ka rin naman pong magagawa sa bahay, sige po Salamat Sir! " Pagkasabi non ni Sandie naglakad na siya. "Napaka prangka niya" Napapangiti na lang si Jeffrey habang tinitingnang naglalakad si Sandie at pagkarating ni Sandie agad niyang kinatok ang kwarto ni Warren. " Yaya! Who's the hell is that!!!" Sigaw ni Warren akala niya nasa bahay siya. " Bangon tenant!!! " Pagpukpok rito ni Sandie ng malakas kaya naalimpongatan agad ito sa boses ni Sandie at pagkwan binuksan nito ang pinto at ganon na lang ang gulat niya ng pumasok ng tuloy tuloy si Sandie. " Alamo halos hindi ako makafucos sa trabaho ko sa kaiisip na may kasama kaming estranghero dito sa bahay kaya naisip ko paaalisin na kita rito" Pagkuha nito sa mga gamit ni Warren. " Are you out of your mind gabing gabi palalayasin mo ako?!" Pagbalik ni Warren sa mga gamit niya. " At saka ano bang inaalala mo? listen nandito ako para makitira at hindi para gumawa ng ano mang ikinakatakot mo" " Makinig ka, kung nakumbinse mo ang mga kapatid kong wala kang motibo sa pagpunta mo dito puwes ibahin mo ako nabubuhay ako para siguradohing ligtas ang mga kapatid ko at alam kong may iba kang dahilan kaya ka nandito" May iba kasi talagang nararamdaman si Sandie sa pagtira ni Warren sa bahay nila at hindi siya kumbensing mahirap itong si Warren halata kasi sa mga kilos niyang hindi siya ganon. " At ano naman ang motibo ko sa tingin mo?" Napaatras si Warren ng lumapit rito si Sandie. " BASTA! aminin mo hindi mo kami kauri diba? Isa kang anak mayaman diba?" Masamang pagtitig rito ni Samdie pilit namang tumawa si Warren pero sa totoo lang natatakot siya kay Sandie pabigla bigla naman kasi ito magalit at magdesisyon. " of course not! madalas lang akong mapag kamalan siguro dahil sa hitsura ko wala naman akong kasalanan na magandang lalaki at babae ang mga magulang ko" Tumitig naman rito si Sandie ng mariin. " Believed me! At saka kung mayaman ako ano naman ang dahilan ko para tumira rito? Lahat tayo nangangarap ng magandang buhay so kung may maganda akong buhay bakit pa ako titira dito? isipin mo yon" Kumalma naman ang mukha ni Sandie tama nga rin naman siya. " Ah basta hindi ako mapakali at hindi ko kayang may kasama ritong ibang tao lalo na at lalaki ka" " Then? mas lalaki ka naman sakin kumilos and I think malakas ka rin sumontok at sumipa" Natigilan naman si Sandie sa sinabi nito. " Yes, I saw you when you flog those man na nambastos sa kapatid mo and yes, I admit nakakatakot ka but it doesn't mean hindi kita kayang labanan ah " Pagkuha niya muli sa mga gamit niya. " Pero Oo, naibulong ko sa sarili kong gusto ko pang mabuhay kaya kailangan behave lang ako dito sa bahay niyong maraming anay and besides hindi ako masamang tao or a criminal" Nakumbensi naman si Sandie sa pinagsasabi nito sa totoo niyan parang batang nagsasalita itong si Warren. " Okay bibigyan kita ng pagkakataon pero tandaan mo, nasayo palagi ang dalawang mata ko at hindi ako magdadalawang isip na saktan ka pagmay ginawa kang mali at may puputolin ako pagmay inisip kang masama saamin" Napahawak naman si Warren sa ano niya. " Whoa! sobra naman yon at saka hindi mo kailangang manakot pangako! mabuti akong tao" " Siguradohin mo lang dahil alam mo na ang mangyayari" Pagtalikod ni Sandie para umalis. " Nga pala anong trabaho mo?" Habol rito ni Warren. " At ano naman sayo?!Tsk! pakialamiro ka rin e noh!" " Para magtanong lang" Bulong pa ni Warren. " Nga pala Sandie! "Pagharap rito ni Sandie. " Warren!! " Paglahad ni Warren sa kamay niya. " Saka na lang tayo magkamayan pagclose na tayo" Paglabas nito. " Ay sus! para namang mababawasan ang kamay niya" Pagsara ni Warren sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD