Nagising si Warren sa sakit nang tiyan niya.
"Saan kaya ang banyo nila?" Paghahanap niya rito at natigilan siya nang makita niya si Sandie habang papasok sa isang room.
" Sandie sandali!!! "Liningon naman siya nito.
" Saan ang banyo niyo?" Paglapit niya rito, agad namang liningon ni Sandie ang banyong nasa harapan niya.
" Gagamit ka?"
" Oo, maliligo ako bakit?"
" Ako muna" mabilis niyang pagpasok rito.
" Tsk! Bilisan mo lang! " Sigaw rito ni Sandie aalis na sana ito ng bigla nitong buksan ang pinto muli.
" Paano gamitin ang CR niyo? sira ba? asan yong flash?" Napataas naman naman siya ng kilay rito.
" Tsk! okay ka rin ni noh! anong akala mo nasa malacañang palace ka para magkaroon ng flash na CR? "
" Ang sungit mo naman para magtanong lang" parang batang sabi nito.
" Pasensya na ang arte mo kasi, basta pagkagamit mo buhosan mo ng tubig tas yon na okay na!"
" What?!"
" Pa-english english ka pa hindi ka naman marunong gumamit nang banyo " Natatawang sabi nito " Pero siguradohin mong malinis mo yan iiwan, kundi lagot ka saakin! "pag alis nito. Sa sobrang sakit ng tiyan ni Warren napilitan na siyang gumamit sa CR nila.
" Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa buhay ko " nandidiri nitong paglabas pagkatapos gamitin ang CR nila Sandie " Para saan pa at nangunguna ang angkan namin sa buong bansa at maituturing na pinakamayaman sa buong mundo kung ang kaisa isang tagapagmana ay makakagamit ng ganong CR " Paglabas nito habang namumula at magkasalubong ang kilay nito sa inis kaya hindi tuloy napigilang matawa ni Sandie ng makita niya ito.
" What?!!!" Inis na sigaw rito ni Warren pero tumahimik na lang ito habang nagpipigil ng tawa.
" Puwedi ba tumigil ka sa pambubully mo " Inis na pagwo-walk out nito.
" Tssst! ang arte kasi " Pagpunta nito sa banyo at pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na rin siya at nagtungo sa kusina na siyang sinundan ni Warren.
" Asan ang punta mo? " Tanong nito agad nang mapansing nakabihis si Sandie.
" Busy akong tao, mahalaga sakin ang bawat oras na lumilipas " Pagtitimpla nito ng kape.
" Bakit ano bang trabaho mo?"
" Waitress ako sa isang restaurant syempre paghindi ka nakatapos wala kang mahahanap na matinong trabaho " paghigop nito sa kape niya " magtimpla kana lang ng kape mo kung gusto mong uminom pero ngayon lang dahil sa sunod babayaran mo na" Pag upo nito sa may mesa na siyang tinabihan ni Warren.
" Salamat na lang pero hindi ako mahilig magkape at saka hindi ka ba puweding mang-imbeta ng walang paniningil? "
" Hindi! dahil walang libre sa mundo at saka ano bang trabaho mo? " Paghigop nitong muli sa kape niya.
" Sa ngayon wala pa pero maghahanap rin ako"
" So maiiwan ka rito mamaya?" Tumango naman rito si Warren.
" Baka pagbalik namin wala nang laman itong bahay namin ah?! " Masama naman siyang tiningnan nito.
" Ganon ba ang tingin mo saakin? sandali nga Sandie mukha ba akong magnanakaw or a criminal?"
" Aba! malay ko hindi naman ako si madam Awring hindi ako manghuhula at saka mabuti na yong sigurado noh "
" Hindi ako ganon okay!" Pagtayo nito habang naaasar.
" Tsk! wag kang pikon naninigurado lang ako at saka kung hindi ka naman ganon bakit masyado kang defensive diyan?" Naasar ritong paglingon ni Sandie.
" Sa ugali mong iyan panigurado mag-isa kang tatanda! " Pagwalk out rito ni Warren kaya nagpantig naman ang tainga ni Sandie sa sinabi nito.
" At sinong nagsabing kailangan ko nang makakasama sa buhay?! Tsk! puwedi ba wag kang umasta na parang close tayo! " Sigaw rito ni Sandie pero hindi na siya liningon nito.
" Ate ang aga aga inaaway mo na naman si Kuya " Paglabas ni Eya at Timmy ng naka uniform na.
" Pinapainit niya kasi ang ulo ko " Paghigop ni Sandie sa kape niya ng hindi man lang ito hinihipan.
" Ar-ray! ang init " pagpaypay pa nito sa dila niya.
" Ganyan ang nangyayari sa inyo Ate lahat kasi ng bagay gusto niyong minamadali kaya nasasaktan kayo"
" Ano?"
" Pasensya na ate ang ibig ko lang naman pong sabihin ay sana bigyan niyo ng chance si Kuya na makilala niyo " Tumingin lang siya rito sa sinabi niya.
" O sige na mag almusal na kayo aalis na ako baka ma-late pa ako, mag iingat kayo " Paghalik ni Sandie sa mga kapatid niya bago umalis at pagkatapos mag almusal ng dalawa pumunta sila kay Warren para mag paalam.
" Kuya aalis na po kami " Pagkatok ni Eya sa pinto bago mag paalam.
" Kuyang pogi mag iingat po kayo" Sigaw ni Timmy kaya lumabas siya para tingnan sila.
" O sige mag iingat kayo" Paggulo pa nito sa buhok ni Timmy, ngumiti naman sila rito bilang sagot.
" Ah Kuya pagpasensyahan mo na po si Ate ah " Pagkasabi non ni Eya umalis na sila sakto namang tumawag ang lola niya.
" Apo kamusta na?"
" Okay lang lola pero may gusto po akong sabihin sa inyo " sabi nito agad sa kabilang linya " magkita po tayo pero wag niyo na pong isama si Mommy alam niyo naman po kung gaano yan ka OA" Pagbibiro pa nito, sumunod naman ang lola niya sa bilin nito at pagkatapos maligo ni Warren nagtungo siya sa meeting place nila nang lola niya.
" Apo!!! " Nakangiting pagsalubong rito nang lola niya akala mo rin ilang taon ang hindi nila pagkikita.
" Lola si mommy?"
" Nasa bahay hindi ko sinabing makikipagkita ako sayo" Pag-upo nila, sa isang caffe sila pumunta kung saan malapit lang sa company nila.
" Mabuti naman po"
" Apo ano bang sasabihin mo at kailangan pa nating magkita? Namimiss mo na ba si Lola?"
" 'La kahapon palang tayo hindi nagkikita at saka hindi na po ako bata pero ang dahilan po kaya ako nandito ay para pag usapan natin si Sandie"
" Si Sandie? bakit anong tungkol sa kanya?" Excited na tanong nang lola niya.
" 'La sigurado po ba kayong siya ang gusto niyo para saakin? " Matamang tingin nito sa lola niya kaya biglang naalis ang excitement sa mukha niya.
" Oo, siya ang gusto ko para sayo bakit may nangyari ba?" Ilang sigundong hindi sumagot si Warren pero mayamaya huminga ito ng malalim at tumingin sa lola niya.
" Gusto niyo siya para sakin kaya naman pumayag ako sa gusto niyo akala ko madali lang pumunta sa mundo niya pero ang hirap pala lola marami akong hindi alam sa mundo niya at hindi po siya yong tipo nang taong kokonsentihin ang pagkakamali mo" Napahawak naman ang lola niya sa kamay nang Apo niyang nasa may mesa.
" Masungit siya lola, mainitin ang ulo, at parang pasan niya ang buong mundo tatawa lang siya kong may nagawa kang pagkakamali at sa tingin ko hindi ko matatagalan ang ganong ugali niya palaging nakakunot ang noo at kunting pagkakamali magagalit siya"
" Anong gusto mong sabihin Apo?"
" Tutupad pa rin naman ako lola sa usapan nating kilalanin siya dahil siya ang gusto niyo para saakin pero para saakin po hindi siya ang para saakin kaya lola hinihingi ko pong ang 100 days ay gawin po nating isang linggo"
" Pero Apo hindi yon sapat para kilalanin mo siya"
" Para saakin sapat na po yon dahil isa lang po kami ng tirahan"
" Ano?!! Isa lang kayo ng tirahan? What do you mean Apo?"
" Oo 'la, sa bahay nila ako nakiki upa kaya hindi po mahirap saakin ang kilalanin siya kaya pumayag na po kayo dahil nahihirapan po akong makisalamuha sa kanila hindi ako sanay sa buhay nila kagabi nga po 'La hindi ko alam kung anong klaseng pagkain yong kinain namin, yong banyo nila, at ang bahay nila sobrang luma na at kahapon pinaghugas niya ako ng plato" Nalungkot naman bigla ang lola niya sa mga sinabi niya, si Sandie kasi ang napili niya para sa pinaka mamahal niyang apo pero kung ganito naman ang pagdadaanang hirap nang pinakamamahal niyang apo wala siyang magagawa kundi kalimotan ang pangarap niya.
" Maliban ba sa mga sinabi mo Apo wala ka nang ibang masasabi sa kanya?"
" Maalaga siya sa mga kapatid niya, sobrang sipag niya at ang sabi nila subrang bait niya daw po"
" Apo tingnan mo yang babae, anong masasabi mo tungkol sa kanya" Pagturo niya sa isang babaeng nakikipag biruan sa mga kaibigan niya.
" Sa tingin ko masayahin siyang tao at sa ganda ng mga ngiti niya mukhang wala siyang problema"
" Mhhm " pagtango nito " pero Apo ang babaeng yan ay labis labis yan nasasaktan dahil ang kanyang mga magulang ay kamamatay lang nang dahil sa Car accident" Napatingin naman si Warren sa lola niya empleyado kasi ng lola niya ang mga magulang nong babae.
" Hindi natin kayang husgahan ang isang tao dahil lamang sa nakikita natin sa kanyang panlabas na anyo lalo na kung hindi mo siya ganon kakilala minsan kailangan nating itago ang totoo nating nararamdaman para hindi tayo kaawaan o hamakin ng ibang tao" Natigilan naman si Warren sa sinabi ng lola niya.
" What do you mean lola?"
" Hindi ko sinasabing mali ka sa pagkaka kilala mo kay Sandie pero hindi rin ibig sabihin nun ay tama ka, ang ibig kong sabihin Apo ay sana kilalanin mo pa siya ng lubos pero Oo apo, iginagalang ko ang pasya mong isang linggo mo lang siyang kikilalanin total isa lang naman kayo ng tirahan dahil Apo kita nag iisang Apo at hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil lamang sa kagustohan ko subalit Apo... sana kung magustohan mo siya kahit ilang porsento man lang ay manatili ka sa kanya, kilalanin mo siya at piliting gustohin"
" Bakit mo ba siya gustong gusto lola?"
" Hindi ko alam basta nong makita ko siya magaan na ang loob ko sa kanya at parang nakikita ko ang maganda niyong kapalaran" Masayang sabi ng lola niya.
" Hindi ko alam kung bakit gustong gusto mo siya pero makakaasa ka lola, pipilitin kong magustohan siya para sayo" Pag-uusap ng mag lola.
" Pero Lola kung maaari ayaw ko muna po magkaroon nang anomang communication sa inyo, ang gusto ko po sa isang linggo kong pananatili sa kanila ay saka ko po sasabihin sa inyo kung ano ang disisyon ko" Kung siya ba ang para saakin o hindi. Sumang ayon naman rito ang lola niya.
SANDIES SCENE:
Nakatayo ngayon si Sandie sa isang customer na nagrereklamo.
" Ganito ba kapangit ang service niyo dito? Aba! Kanina pa ako nag order at hanggang ngayon hindi pa rin dumadating ang inorder ko!" Sigaw nang customer kay Sandie.
" Ma'am pasensya na po"
" Makakain ko ba yang pasensya mo? Nasaan ba ang manager niyo?!!" Pagtayo pa nong matabang babae.
" Sandie ako nang bahala dito puntahan mo na si Sir" Pagpunta ni Maya sa puwesto ni Sandie agad naman siyang sumunod rito pero natigilan siya sa pagpasok sa kusina sa nadatnan niya.
" Wala kabang mga kamay o sadyang wala ka lang mga mata?! Tingnan mo nga yang paghiwa mo sa mga patatas wala sa size" Sermon ni Jeffrey sa isang cook pagkwan umikot siya at mayamaya huminto na naman siya sa isang cooker habang nagsicellphone.
" Paano mo malalaman kung saan ang asin at sili diyan?" Pagturo nito sa magkatabing lalagyan ng asin at sili habang linalagyan nang cook yong linuluto niya nang asin habang naka tingin sa phone niya.
" S-sir kabisado ko na po ang lalagyan ng asin at sili" Pagbulsa nito sa cellphone niya.
" Kunin mo ang cellphone mo"
" S-sir?!"
" Ang sabi ko kunin mo ang cellphone mo" Sumunod naman rito agad ang cook habang nanginginig ang kamay.
" Magcellphone ka habang nagluluto, maglagay ka ng asin ng hindi tinitingnan ang lalagyan ng asin at sili total kabisado mo na at sa oras na tingnan mo TANGGAL ka na sa trabaho" Napalunok naman sa takot yong cook sa sinabi ni Jeffrey pero wala siyang choice kundi sumunod at habang kumukuha siya ng asin nang hindi ito tinitingnan tuloy ang nginig ng kamay niya at nang malagyan na ito agad pinatikim sa kanya ni Jeffrey ang niluluto niya.
" Tikman mo!" Sumunod naman siya rito pero niluwa niya rin ito agad nang malasahang ang anghang.
" So-sorry sir"
" Sabihin mo diyan sa katext mong magkikita kayo ah! ibalita mo na ring tanggal kana sa trabaho"
" Pero Sir nanay ko po ang katext ko" Masama naman itong liningon ni Jeffrey kaya tumahimik na lang yong cook at iniwan na niya ito pero natigilan siya ng makitang nasa may pintuan si Sandie.
" May customer pong gusto kayong makita " Pagkasabi non ni Sandie lumabas na si Jeffrey agad naman siyang sumunod rito.
" Anong table?"
" 58 po!" Hindi na sumunod rito si Sandie pagkasabi niya sa number ng table at sinundan niya lang nang mata si Jeffrey habang kinakausap yong customer habang nakangiti at mayamaya kumalma yong mukha ng customer at saka ito iniwan ni Jeffrey at nagtungong muli sa kusina.
" Buti na lang nasanay na si Sir ihandle ang mga unmanner customer" Pagtabi ni Maya kay Sandie habang hinihintay ang iseserve niya.
" Alamo si Sir ang klase nang lalaking pinapangarap ko, napaka cool niya kasi" Kinikilig pang sabi ni Maya.
" Malupit siya!" Tipid na sagot ni Sandie.
" Tsk! KJ nito kinikilig yong tao e, siguro nakita mo ang ginagawa ni Sir sa loob alamo isa sa rule ni Sir, pag oras ng trabaho, oras ng trabaho! kaya kung may nasermonan na naman siya sa loob kasalanan nila yon"
" Hindi halatang crush mo siya!" Pagkuha ni Sandie sa iseserve niyang food at umalis kaya natahimik bigla itong si Maya. At pagkatapos ng trabaho ni Sandie mabilis siyang lumabas para humabol ng oras para sa susunod niyang trabaho pero gaya ng madalas mangyari pumarada na naman si Jeffrey sa gilid niya.
" Hatid na kita"
" Hindi na" Paglalakad ni Sandie ng mabilis pero kung gaano siya kabilis ganon din kabilis itong sinusundan ni Jeffrey kaya napilitan na lang siyang sumakay at saka siya rin naman ang nakikinabang dahil hindi na niya kailangan pang mamasahe.
" Kamusta yong bago mong tenant?" Tanong agad rito ni Jeffrey.
" Okay lang" Tipid na sagot ni Sandie saka pinikit ang mata at sumandal nang maayos.
" Yong kanina, wala lang yon" Napalingon naman si Sandie kay Jeffrey.
" Wala sayo. Pero don sa tinanggalan mo nang hanapbuhay meron yon iwan ko ba kayong mayayaman hindi niyo alam ang pakiramdam nang mawalan ng trabaho palibhasa kasi kahit hindi kayo magtrabaho may pera kayo" Mga ilang sigundo bago magsalita si Jeffrey.
" Noong 17th birthday ko itong sasakyan ang regalo sakin ni mommy si daddy naman yong restaurant sobrang saya ko nang araw na yon akala ko ako na ang pinaka suwerting anak sa mundo may mababait na magulang pero mali ako dahil sa araw na yon, nong gabing yon kinausap ako ni mommy na maghihiwalay na sila ni daddy gumuho ang mundo ko non ang iniisip kong napaka suwerte ko ay kabaliktaran nang iniisip ko dahil isa pala akong nakaka awang tao at mula sa araw na yon pinilit kong huwag umasa o humiling nang kahit ano man sa parents ko dahil natatakot akong may gawin na naman silang kapalit sa lahat nang ibibigay nila sakin. Kaya sa murang edad nagnegosyo na ako at matagumpay kong napalaki ang restaurant at pinipilit kong hindi masira ang mga nakamit nang tagumpay ng restaurant kaya hindi ko hahayaang masira lamang yon nang mga tatamad tamad na personnel dahil sa isang pagkakamali maaaring masira ang matibay na pader" pagsasalita ni Jeffrey habang seryosong nakatingin ng diretso pero klarong masakit sa kanya ang pagkukwento niya kaya si Sandie hindi niya alam kung mamamangha ba siya dito o maaawa hindi niya alam na may kuwentong ganito si Jeffrey.
" Pasensya na pero dapat bigyan mo pa rin nang chance ang ibang tao kasi wala namang perpektong ginawa ang diyos diba?" Pagngiti rito ni Sandie.
" Saakin lang naman pero nasayo pa rin ang disesyon dahil ikaw ang boss!!!" Pagtumbs up pa rito ni Sandie hindi naman napigilang mapangiti ni Jeff sa mga ngiti sa kanya ng dalaga.
" By the way Sandie may boyfriend ka ba? " natigilan naman ito sa biglang pagtatanong ni Jeff.
" Ah masyado bang personal? " nahihiya nitong tingin rito tiningnan lang kasi siya nito " Hindi mo naman kailangan sagotin " pag iwas niya rito ng tingin.
" Wala " sagot niya rito kaya napalingon ito agad sakanya habang abot tenga ang ngiti.
" Ibig sabihin puwedi kang ligawan? " tanong pa nito.
" Alam mo iba ang gusto ko sa tingin ko kasi wala na akong chance makapagtapos kaya napagpaseyahan kong isang mayaman ang pakakasalan ko "
" So ibig sabihin type mo ako?"
" Syempre HINDI! Mayaman ka lang pero wala kang alam at saka ang hanap ko yong every day makakakuha ng milyon yong tipong halos nasa kanya ang kalahati ng pilipinas yon ang hanap ko at saka alamo ba yong MMMM? yon ang hanap ko"
" Ano naman yon?"
" MMMM matandang mayamang madaling mamatay" Hindi talaga napigilang matawa ni Jeffrey.
" Masama ka pera lang pala ang habol mo sa kanya "
" Syempre mamahalin ko rin siya habang buhay pa at saka ang plano ko kasi magpaka tandang dalaga pero hindi ako yayaman non kaya napag paseyahan kong isang MMM na lang"
" Sa tingin ko baka patay na ang lalaking para sayo" Natatawang sabi ni Jeffrey.
" Edi kung ganon hindi na ako mag aasawa" Pagtawa rin ni Sandie at natigilan si Jeffrey ng makita niya yon sa mirror ang cute kasi ni Sandie.
" Marunong ka rin palang tumawa" Nakangiting sabi ni Jeffrey sabay hinto dumating na kasi sila.
" Salamat "Pagbaba ni Sandie parang hindi nga niya narinig yong sinabi ni Jeffrey.
" Mag-iingat ka" Pero hindi na ito nilingon ni Sandie.
" Dapat sinabiham mo rin ako, suplada " napapangiti na lang si Jeffrey habang tinitingnan si Sandieng papasok sa hotel pagkwan naalala nito ang sinabi ni Sandie tungkol sa second chance kaya kinuha nito ang phone niya at tinawagan si Maya.
" Yes Sir" Sagot nito sa kabilang linya.
" Pabalikin mo sa trabaho si Chef Amante "
" Sir? sigurado po kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maya may isang salita kasi si Jeffrey kung anong sinabi niya hindi na yon mapapalitan.
" Yes! " Pagkasabi non ni Jeffrey pinutol na niya ang linya at ibinaling ang tingin sa mall na pinagtatrabahoan ni Sandie.
" Hindi ko alam bakit sinusunod kita" Napapangiti na lang si Jeffrey habang iniisip si Sandie. At pagkatapos nang trabaho ni Sandie umuwi na rin siya pero natigilan siya nang makita niyang may tao sa kusina habang nakapatay ang ilaw kaya hindi niya ito makilala pero pumasok bigla sa isip niyang isa itong magnanakaw.
" Wag kang kikilos kung ayaw mong masaktan" Katatapos lang magsalita ni Sandie nang humarap rito yong sinasabi niyang magnanakaw kaya agad niya itong inatake at binalibag.
" Aray ko" Natigilan si Sandie nang marinig niya ang boses itong sinasabi niyang magnanakaw kaya agad niyang pinaandar yong ilaw at ganon na lang ang gulat niya nang si Warren ito.
" Sorry bakit kasi hindi ka nagsalita at bakit nakapatay itong ilaw? " Pagtulong niya rito.
" Paano ako makakapagsalita e sinaktan mo ako agad, iinom lang naman ako ah " Paghawak pa ni Warren sa likod niya.
" Naputol ata ang spinalcord ko" Masama nitong tingin kay Sandie.
" Pasensya na kasalanan mo rin naman dahil pagala gala ka dito sa bahay"
" Pagalagala? At anong akala mo sakin daga?! tsk! ikaw na nga itong nanakit ikaw pang may ganang magalit" Pagtayo bigla ni Warren pero napaupo din ito agad nang sumakit ang likod niya.
" Pasensya na nga diba! Hindi mo ba yon maitindihan? " Paglalakad ni Sandie para kumuha nang tubig na iinomin.
" Pasensya? Wow! bagong gamot ba yan? grabe naalis niya ang sakit nanglikod ko" Sarcastic ritong sabi ni Warren.
" Tsk! alamo kanina ko pa gustong matulog kaya wag mo akong iniinis dahil kung hindi babaliin ko talaga ang spinalcord mo " Paglapit rito ni Sandie kaya napalunok naman si Warren sa takot.
" A-ano yan tinatakot mo ako?" Pag-iwas rito nang tingin ni Warren.
" Hindi, sinasabihan lang kita" Pagbalik ni Sandie sa basong ginamit niya.
" E sandali... ano nga bang trabaho mo sa gabi?"
" Alamo kung ano man ang trabaho ko wala kana doon! " Natigilan si Warren ng ibigay rito ni Sandie ang isang libo.
" 1000 lang ang rent sa kwarto mo akala ko kasi tatawad ka kaya tinaasan ko" Natahimik si Sandie nang tumawa ito, yong tawang nang iinis.
" Sabi na nga ba gahaman ka rin sa pera " Natahimik si Warren nang umupo si Sandie sa harapan niya at tumingin rito nang masama.
" Biro lang, sayo na lang " Pagbalik nito sa 1k pero natigilan siya nang mas masama itong tumingin sa kanya.
" Kung ayaw mo edi akin na lang ulit " Pagbawi niya sa pera.
" Sabihin mo bakit ang dali dali lang sayo magtapon nang pera? umamin kana kasi hindi ka talaga mahirap hindi ba?"
" Binigyan ka lang nang 1000 mayaman na hindi ba puweding may kapalit yon" Kumalma naman ang mukha ni Sandie.
" Gusto ko sana, baka puweding share na lang tayo sa lahat magbabayad naman ako kahit ilan"
" Huh? Kahit ilan? Bakit ano bang trabaho mo at kaya mong magbayad nang kahit ilan? at saka ayaw kong may kashare kaya bumili ka ng mga gamit mo " Pagtayo nito.
" Sa ngayon wala pero naghahanap na ako kaya pumayag ka na makakagastos pa kasi ako kung bibili pa ako nang mga gamit at isa pa aalis rin naman ako rito"
" Ano?!"
" Oo mga ilang araw hindi mo na ako makikita rito kaya pumayag ka na"
" Mabuti kung ganon hindi rin ako komportableng may kasamang estranghero rito" Paglalakad ni Sandie.
" Tsk! Akala mo naman gusto ko ring kasama ka" Pagbulong ni Warren.
" Sandali pumapayag ka na ba?" Hindi na ito sinagot ni Sandie. At gaya nang sabi ni Warren sa lola niyang oobserbahan si Sandie yon nga ang ginawa niya sa mga nakalipas na araw at gaya ng madalas niyang sabihin mainitin ang ulo ni Sandie kunting pagkakamali naiinis siya at ni minsan hindi man lang ito ngumiti at ngayong araw ang pagdedisisyon ni Warren kung mananatili pa ba siya rito kaya maaga siyang gumising para sundan sa kung saan man ang trabaho ni Sandie at kung ano ang trabaho nitong sa gabi na siyang nagpapabagabag sa isip ni Warren at kung sakali mang hindi maganda ang trabaho niya iiwan na talaga niya ito kahit hindi umabot ng isang linggo.