NAPANGITI nalang siya ng makitang masayang-masaya ang daddy niya habang kausap nito si mommy. This is the scene she loves the most, ito iyong nakikita niya noong bata pa siya kaya nga naniniwala siya sa love, happiness and forever. She thought na kung magiging mabuting bata siya ay magiging katulad din siya ng kanyang mommy na makakahanap ng prince charming na magpapasaya sa kanya. Pero hindi pala ganoon kadali sa totoong buhay, ilang beses na siyang nasaktan at nadisappoint. Kaya nga ngayon hahayaan na niya ang mommy niya ang magdecide sa parting iyong ng buhay niya. “Pwede ng makauwi at makapagpahinga sa bahay si Aiden pero hindi siya pwedeng maistress. Kung anong gusto niya pagbigyan niyo nalang para sa ikakabuti niya pero hindi pa rin siya pwedeng kumain ng mga

