“Baby princess, lumabas ka na sa room mo nandito na ang mga bisita.” Tinapos niya ang pagtitipa ng mga messages sa kanyang laptop ng marinig ang boses ng mommy niya. “I’m almost done mom, bababa na rin ako.” Aniya, kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya dahil kailangan pa niyang ayusin ang kanyang sarili. She’s still wearing her bathrobe, her hair isn’t done yet and she doesn’t even have her make-up. Masyado siyang naging absorb sa pagtatrabaho na nakalimutan na niya ang sarili niyang engagement party sa taong hindi pa niya nakikilala. Pinilit niyang alisin si Jair sa isip niya dahil kapag mas lalo niyang naiisip ang lalaking iyon ay mas lalo siyang nakakaramdam ng sakit. But she’ll rather be engaged to someone than him. Hindi pwede. L

