CHAPTER 15

1335 Words
"Just sign this, Queen and you will be the CEO of Lived." Saad ni Luther. Nandito kami sa office ni Kael. Gusto akong papirmahin ni Luther ng isang kontratang nakasaad na lahat ng pagmamay- ari ni Eros Dark Lived ay mabibigay sa akin. Kagaya ng kompanya niya. Tiningala ko siya. "Kaylan babalik si Kael? Wala siya sa opisina nang puntahan natin siya doon kahapon." It's been 1 week and no sign of Kael. Ang huli naming pagkikita ay ang gabi kung saan inataki kami ng demonyo. Yes, it's a demon. Di ko na alam pagkatapos nun. "I really don't know, Queen." "Paano ang kompanya niya kung wala siya?!" Sumasakit ulo ko dito. Nasaan naba si Kael? Malaking problema kapag wala siya sa kompanya. Luther is my only chance. Alam kong malalaman niya kung nasaan si Kael at naniniwala ako sa kanyang di niya alam. "If I sign this, babalik ba siya?" Alam kong gusto ni Kael na maging CEO ako kaya baka bina-blockmail lang ako ng demonyong yun. "I think so." Sa tingin ko rin. Tumango ako at pinirmahan na. On that day I also start being the CEO of the Lived Company. "Miranda Victoria Lived is the new CEO of Lived Company." OF course, many are angry and I don't care. Wala akong pakialam kung anong isipin nila. Ipapakita ko sa kanila ang kaya kong gawin. Papatunayan ko sa kanila ang kaya kong gawin. So I did what I can. Habang lumilipas ang araw ko bilang CEO ng kompanya laging si Luther ang kasama ko siya ang naging gabay ko sa lahat. Tinuro niya sa akin ang dapat na matutunan hanggang sa ang mga araw ay naging linggo. "Where is he again?" Naiirita na ako kay Kael. Naging CEO na ako. Ano pa ba gusto niya? "I don't know, Queen." The weeks turns to months. Pasko ngayon at mahalaga sa akin ang araw na ito dahil dito lang ako nakakapagpahinga sa lahat ng mga trabaho. "Hello?! Luther?!" But there's no one in the mansion. I feel alone again. Right, demons don't do Christmas. Kaya siguro wala sila. Tumingala ako sa malaking Christmas tree na nasa living room namin. Ako ang nagdesenyo nito. "Merry Christmas to you self." Huminga ako ng malalim at naramdaman ang pangingilid ng luha. No one needs me as I need them. January 8th "Mrs. Lived. The Lived company is growing bigger, what is your secret?" Tanong ng isang reporter. "You can make it all just be responsible." Sagot ko nalang at nilagpasan sila. Ganoon naman lagi ang sagot diba? Pumasok ako sa kotse. "Drive." "Yes, queen." "Any sign of him?" "None, Queen." Maybe it's not enough. Siguro di nagpapakita si Kael kasi gusto niyang manguna ang kompanya niya sa buong mundo. I can do that. Dapat patunayan ko ang sarili ko kay Kael. Di naman siguro siya nagsisisi na napangasawa niya ako di ba? Years past by. I devoted my life to being a good leader and example to my employee. It's hard though but I have to do it for Kael. Baka ito ang paraan para makabalik siya o yun ang sinasabi ni Luther. Mahirap magpalakad ng malaking kompanya. The Lived Company is growing. Sikat na ito sa buong mundo. Marami na akong kalaban dahil doon, marami ng galit sa akin pero wala akong inisip kundi mapalaki ang kompanya para bumalik si Kael. Ba't ganito nalang ang kagusto kong bumalik siya? Kasi siya ang asawa ko at siya dapat ang nandito. "Mrs. Lived, it's true that your husband is sick?" Tumango nalang ako. Yun nalang kasi ang naisip ko. Wala na akong maisip na dahilan. "Why?" "It's a long story." Saad ko sabay iwas sa mga reporter. It's been 4 years and I'm good. Nasasanay na ako at nawawalan ng pag asa. It's been 4 years and he never showed up. "Bakit ayaw niyang magpakita?" "I don't know, Queen." Naglalakad kami ni Luther papunta sa opisina dito sa mansyon. "Baka naman alam mo, Luther di mo lang pwedeng sabihin." "Di ko po talaga alam." Magalang niyang saad. Tumango ako. Pati si Luther ay pinagdudahan ko. Di ko alam bakit ganito. Di ko dapat siya hinahanap. Pero bakit sa tuwing naiisip kong wala siya rito nasasaktan ako. I shouldn't feel this way. "Ayaw niya na ba sa akin?" Tanong ko kay Luther nang nakapagpahangin ako sa veranda ng mansyon. "Queen, King wants you-" "Then, why he isn't here? Did I do something wrong?" Nangilid na ang luha ko. Sa bawat araw na dumadaan mas lalong sumasakit. He's my husband he should be here! Maraming nagtatangka sa buhay ko. I need him. Napapagod na akong ipagtanggol ang sarili ko sa mapanghusgang tao. "I really don't know." "Di paba sapat sa kanya na napalago ko ang kompanya?" Nanginig ang boses ko kasabay ng pag ihip ng hangin. "I've been a good wife. K-kung alam mo kung nasaan siya..." Umiling na agad si Luther at di makatingin sa akin. "Sabihin mo sa kanya na di ako naghanap ng iba at siya lang talaga-" "I really don't know where he is-" umiling iling na ako. Tumulo na ang luha ko at napahikbi na. "Sabihin mo balik na siya. His wife needed him." I just want him to be back. Years past by and something strange is happening. Habang lumilipas ang taon ay di ko na maalala ang mukha niya pati ang pictures niyang nasa internet ay nawawala. "Luther, something strange is going on." Saad ko habang nagmamaneho siya. "What is it, Queen?" "I don't remember the face of your King." Ang naalala ko lang ay ang mga pinagsamahan namin. Ang yakap at halik ay nalilimutan ko na. I don't know. Maybe I miss the hugs and kisses or it's really fading from my memory. I remember the touch, hugs, and kisses but I don't remember what it feels to be embraced by him. "Luther, nandito na ako sa parking lot." Binaba ko ang cellphone at naghintay nalang kay Luther. Kagagaling ko lang galing trabaho at ganoon parin nakakapagod. Tumingin ako sa paligid baka may biglang sumaksak sa akin o bumaril. "Mira." Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses na tumawag sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Jonathan." Tumayo ako ng matuwid sa harapan niya. Anim na taon rin kaming di nagkita. Nag matured siya at lumaki ang katawan niya siguro dahil sa workout. "Long time no see." Saad niya. Mas lalo siyang gumwapo ha? He's a playboy. Umiwas ako ng tingin. "Yeah. It's been 6?" "Seven." Tumango ako. Pito pala. "Seven years." Pag uulit ko. "Kumusta kana?" Lumapit siya sa akin. "I'm fine. You?" "Fine." Tumango naman ako at tiningnan ang daan. Nasaan naba si Luther? "What happened to... Eros?" "Still in coma." Wala akong kahit anong magandang dahilan kaya coma nalang ang sinabi kong dahilan kung ba't wala si Kael dito. "Wala ka bang balak sukuan?" "Mag asawa kami ba't ko susukuan?" "Because you've done enough." Natigilan ako sa sinabi niya. For the past years ngayon ko lang napagtanto. I think I've done enough. Napalago ko na ang kompanya, naging sikat na, kilala na siya sa buong mundo pero walang nakakita sa kanya. I'm just the CEO but not the owner. Naalala ko lahat ng paghihirap ko. Naalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko sa kompanya. All because of him. "What are you doing here anyway?" Tanong ko. "I want to see you." "May appointment ka ba?" I joked. He's just chucked. Kahit na ang tawa niya ay nakakapagpaamo ng babae. But not me. I learned my lesson. "Ganyan na pala basta sikat na?" "I'm not famous. My husband is." "Mr. and Mrs. Lived." Parang ang hirap ng bigkasin ang mga salita. "Why did you end up with him?" "Uhm..." Kumunot ang noo ko at napaisip. Sa naalala ko. So I can get my revenge? No. I know hindi yun dahilan sa mga nakalipas na taon may napagtanto ako. "Because he's there when the time I have nothing. He gave me life to continue my journey." "But he's a demon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD