bc

Mulat Kahit Pikit

book_age16+
367
FOLLOW
1K
READ
witch/wizard
humorous
mystery
straight
witty
male lead
supernature earth
supernatural
war
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Si Johnson Boy Paderno ay isang barberong may sandamakmak na utang. Komplikado ang buhay niya bilang mahirap ngunit kahit hirap, iisa lang ang kanyang pangarap—ang maging jowa si Shanna na ultimate crush niya. Ngunit na-stress lang siya nang matuklasang may boyfriend na ito. Dahil sa kanyang stress, unti-unti siyang nakaranas ng sleep paralysis na humantong sa out-of-body experience. Ang kanyang diwa ay naglakbay sa astral realm kung saan niya nasaksihan ang maganda at kakaibang mundong malayo sa reyalidad. Ang mundong akala niya'y magpapalaya sa kanya sa poot ng kahirapan. Ngunit nang makatagpo niya rito si Brenda na may pula at maiksing buhok, nag-iba ang takbo ng mundong takbuhan niya sa t'wing nais niyang tumakas. Gusto lang naman niyang tumakas sa mundong nagpapahirap sa kanya, ngunit imbes na makatakas, dawit pala siya sa misyong siya lang ang makapagsasalba. At iyon ang iligtas ang mundo ng Infinita.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1:
Kabanata 1: “‘Tsanggalang buhay ‘to! Hanggang kailan ba ako magiging ganito?” Inis na binilang ni Johnson ang pang-isang linggong sahod niya. Pero ‘tsanggalang buhay nga naman talaga niya, o! Tatlong daang piso na lang ang natira! Wala na talagang pinagbago ang buhay na mayro’n siya. Bumuntong hininga si Johnson at saka labag sa loob na isinilid sa lumang wallet ang natirang perang pinagpaguran niya. Padarag na naupo siya sa upuang yari sa kahoy kasabay ng paglangitngit nito. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Napakahirap talaga ng buhay ni Johnson. Bakit ba kasi kahit katiting na kayamanan, hindi manlang siya naambunan? “Hangga’t hindi ako yumayaman, hindi ko muna liligawan si Shanna,” aniya sa kaniyang sarili. Kinikilabutan talaga siya sa tuwing naiisip niya ito. Napaka-sexy kasi ng dalaga at ang puti! Mabait pa at mahinhin. Hindi sa pagyayabang pero alam niyang may pag-asa siya rito dahil kahit na mahirap pa siya sa daga, maipagmamalaki niyang may gwapo siyang pagmumukha. Kaya nga Johnson ang ipinangalan sa kaniya, e. Kinuha kasi ng ambisyosa niyang nanay ang pangalang ‘yon sa isang brand ng pulbo. Maputi kasi siya at natural na mabango. Ang totoo, kahit pagpawisan nang husto ang kilikili niya, ni hindi nangangamoy. “Tao po! Johnson!” Napalingon si Johnson sa pinto. Lalong nag-init ang ulo niya. Ayaw na ayaw pa naman ni Johnson sa babaeng iyon! Kaya hindi siya sumagot, pinabayaan niya itong kumatok. “Tao po! Johnson, si Neneng ‘to!” Halos pumiyok na ito sa katatawag sa kaniya. Nag-igting pa ang panga niya sa inis. Kung makakatok kasi ito, mukhang masisira ang pinto ng bahay niya. Inaanay na pa naman ‘yon! “Huwag ka nang magtago! Dinalhan kita ng paborito mong bopis! Sige na, buksan mo na ‘to!” Mas nilakasan pa ang pag-katok. Kung hindi niya ito pagbubuksan, malamang ay mawawasak na ‘yon anumang oras. Lalong nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. Galit na tumayo siya at lumapit sa pinto para pagbuksan si Neneng. Tumambad sa kaniya ang mukhang clown na pagmumukha ng dalaga. Namumutok pa ang foam ng suot nitong bra! Palibhasa’y flat chested ang bruha! “Helle, Jehnshen! Shebe ke ne nge be, hende me ke metetees, e!” Malanding pinapilantik pa nito ang pekeng pilikmata. Panay ang pa- beautiful eyes, hindi naman beautiful! Galit na kinuha niya ang tupperware na may lamang bopis saka pabagsak na pinagsarhan si Neneng. Bumuntong hininga si Johnson saka inihagis ang tupperware sa lamesa. Bastos na kung bastos pero naiinis na talaga siya kay Neneng! Hindi kaya siya kumakain ng bopis! Tapos paborito pa? Nag-aalburoto ang tiyan niya r’yan, e! Kaya kahit nanghihinayang sa pagkain, itinatapon niya na lang ito o kaya’y pinapakain sa asong madadaan sa tapat ng bahay niya. Nang maramdamang wala na si Neneng, lumabas siya ng bahay at nag-abang ng asong kalye. “Tsutsu!” tawag niya sa aso. Nagmamadaling tumakbo palapit iyong aso sa kaniya, galisin ito pero wala siyang pakialam. Ngumiti siya at saka inilapag ang tupperware. Kaagad naman itong nilantakan ng aso. Mukhang gutom na gutom ito, kawawa naman. Bigla tuloy siyang naawa sa kaawa-awang nilalang na ito. Dapat pa pala siyang magpasalamat sa buhay na mayro’n siya. “Pumunta ka rito palagi, a? Bibigyan kita ng makakain,” aniya sa aso. Mabilis na nasimot ng asong kalye ang pagkaing ibinigay niya. Ni hindi nga ito tumingin manlang sa kaniya, umalis lang din kaagad. Iiling-iling na dinampot ni Johnson ang tupperware, walang utang na loob na aso! Nang mag-angat siya ng tingin, kaagad na kumislap ang mga mata niya nang makita si Shanna. Unti-unting lumawak ang ngiti niya, napakaganda talaga nito. Tila isang anghel na sinalo ng puso niya. Wala na talaga siyang ibang makitang babae na mas gaganda pa kay Shanna. Halos tumulo na ang laway ni Johnson sa katatanaw kay Shanna ngunit bigla itong naudlot. Naudlot dahil may lapastangang lalaki ang umakbay sa crush niya! “Aba’t—” natigilan siya. Ngumiti si Shanna sa lalaki at hinalikan pa ito sa pisngi. Nag-igting ang panga ni Johnson at kumuyom ang kamao sa galit. Tila gumuho ang itinayo niyang pangarap para sa kanilang dalawa. Gusto niyang magalit, gusto niyang batuhin ang dalawa ng sandamakmak na langgam dahil sa ka-sweet-an ng mga ito. Pero ano nga bang magagawa niya? Kung hindi naman naging sila? Ni hindi nga alam ni Shanna na may gusto siya sa kaniya! Napalingon ito sa direksyon niya at saka ngumiti. Pero hindi katulad noon na kapag ngumingiti ito sa kaniya, ngingiti rin siya, ngayon ay nanatili siyang tiim bagang. “Uy! Ang laki yata ng problema mo, a?” tanong ni Shanna, kunwari pang concern. Napalingon din tuloy sa kaniya ang pangit nitong syota. Hindi naman ganoon kapangit, sadyang bitter lang siya. “W-wala, a! Ang init lang kasi kaya ganito a-ako.” Pinipilit niyang labanan ang selos na nararamdaman. “Gano’n ba? Sabagay mainit nga talaga.” Ngumiti na naman ito. Shet talaga, ang ganda. Kaso hindi naman sa kaniya. “Stay hydrated, Johnson! Alis muna kami ng boyfriend ko, a.” Tangena, boyfriend nga talaga! Pakiramdam ni Johnson, ito na ang katapusan. Hindi niya ito inasahan. Akala kasi niya’y hindi marunong mag-boyfriend itong si Shanna, ngunit akala lang pala... Sa sobrang sama ng loob niya, ang tatlong daang pisong natira sa kaniyang lumang wallet, binawasan pa niya ng pang-inom. Nagulat pa nga si Aling Mema noong bumili siya ng alak. Himala raw kasi. Hindi naman kasi siya umiinom kapag walang okasyon. Nang maka-uwi sa bahay, kaagad siyang nagsimulang tumagay. Mag-isa niyang ininom ang alak. Mag-isa niyang tiniis ang pait, ngunit wala nang mas papait pa sa sama ng loob na nararamdaman niya. “Hindi na nga ako pinagkalooban ng marangyang buhay, pati ba naman pangarap kong pag-ibig mapupurnada pa?” Sobrang bigat ng dibdib niya. Tila may nakadagang mabigat na bato habang pinipiga piga dahil sa sakit. Durog na durog! Oo, hindi ito kasing sakit noong nawala ang mga magulang niya. Pero masakit pa rin talaga. Masakit ang hiwalayan ng syota, pero mas masakit iyong hindi pa nga nagiging kayo, wala ka nang pag-asa. Ang saklap. “Ayoko na! Ang pait!” Inis na binitiwan niya ang shot glass at saka tumayo. Doon niya lamang naramdaman ang pagkahilo. Lasing na siya, pero bakit gano’n? “Wala ka pala, e! Hindi mo kayang alisin ang sakit sa puso ko!” reklamo niya sa bote ng alak. Pasuray-suray na dumiretso siya sa kwartong ang pagitan lang naman sa kusina ay kurtina. Napa-igik siya nang ibagsak niya ang katawan sa kawayang papag. “Ay ang tanga ko! Hindi nga pala ‘to kama!” patawa-tawang aniya pa saka pumikit. “Sana paggising ko, nasa ibang mundo na ako,” hiling niya. Habang nakapikit, kusang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Napakasaklap naman ng buhay ni Johnson. Wala na yata talaga siyang pag-asa…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook