Nanatili akong tahimik habang nasa biyahe, pasimple akong napatingin kay Zak na seryoso pa rin ang mukha habang nagmamaneho. I don't know where he'll take me, I can't even open my lips to ask him. Hanggang ngayon hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya kanina, pakiramdam ko tuloy masyado ko siyang nasaktan, pakiramdam ko mababaw talaga ang pagmamahal ko sa kanya gaya ng sinabi niya kanina. Natigilan ako nang tumigil na ang kotse. Agad akong sumilip sa labas. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong nasa labas kami ng bahay ni Jaze. Nagtatakang napatingin ako kay Zak. “What are we doing here?” He didn't answer. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. He held my wrist and pulled me out of his car. I grimaced because he's holding me too tight, pakiramdam ko madudur

