I didn't know that pushing someone you love away would be this painful. Naiisip ko pa lang na nasasaktan si Zak sa mga sabi ko at pagtaboy ko sa kanya, sobrang nasasaktan na ako... Knowing Zak, he's a crybaby. "I can't say that you did the right thing, I'm in no place to judge that. Ang gusto ko lang, hindi mo pagsisihan ang mga nagiging desisyon mo at pag-isipan mo munang maigi." Napatingin ako kay Castor na seryoso ang mukha at tutok ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napabuntong hininga na lang ako at mapait na napangiti. "Hindi mo lang siguro napapansin, pero palagi mong kinakampihan si Zak sa mga ganitong sitwasyon," napapailing na sabi ko at natawa na lang. "Hindi naman," pagtanggi niya saka napakamot sa kilay niya. Natahimik na lang ako at napatingin sa bintana. Pinanood

