Prologue pt.1
“I CAN’T believe you did this to me!” umiiyak at pasigaw na sabi ni Hannah sa mga magulang. Kauuwi pa lang niya sa Pilipinas galing ng Bermuda. She was so tired. Her weariness went beyond the physical.
She was so tired of her parents. She was so tired of her life!
“Why can’t you understand, Hannah?” tanong ng kanyang ama na tila nauubusan na ng pasensiya sa kanya. “Hanggang kailan mo kami pahihirapan?”
“What is there to understand? Kailangan kong intindihin na mula pa pagkabata ko ay minanipula n’yo na ang buhay ko? Pinatakbo n’yo ang buhay ko sa paraang gusto n’yo? Ikinulong n’yo `ko!” Ang sakit-sakit na ng kanyang dibdib. Hindi na niya kaya ang lahat ng kanyang pinagdadaanan.
“Ginawa lang namin ang lahat ng ito dahil mahal ka namin,” mahinahong sabi ng kanyang ina. “Maiintindihan mo rin kami kapag nagkaanak ka na.”
“Hindi ko kailanman maiintindihan!” galit na sabi ni Hannah. “At hindi ko gagawin sa magiging mga anak ko ang mga ginawa n’yo sa `kin!”
Matagal na panahon na sinikap niyang intindihin ang mga magulang. Matagal na niyang pinilit ang kanyang sarili na huwag maghinanakit sa mga ito sa kabila ng kawalan ng oras ng mga ito sa kanya mula pa noong maliit siya. Sinikap ni Hannah na maging mabuting anak kahit na hindi naging mabuting magulang ang mga ito sa kanya. She loved them so much despite everything. Hindi lang niya inakala na magagawa iyon sa kanya ng mga magulang.
When she left home right after graduating from college, she thought she already won her freedom. Ang akala ni Hannah ay nakalimutan na ng mga magulang ang kasunduan na kasintanda na niya. Ang akala niya ay nangibabaw ang pagmamahal ng mga ito sa kanya at pinakawalan na siya. Ang akala niya ay naging malaya siya nitong mga nakalipas na taon ngunit nagkamali siya.
“Wala kang karapatang magalit sa amin,” sabi ng kanyang ama. “I did this for you. I love you and I want you to have an easy life. I want you to have everything. Nag-iisa ka lang naming anak at gusto naming makasiguro na mapapabuti ka kahit na wala na kami ng mom mo.”
“May karapatan akong magalit!” Hindi nabawasan ang galit ni Hannah. Hindi rin nabawasan ang sakit sa kanyang puso. “Sa palagay n’yo, ano ang nararamdaman ko ngayong nalaman ko na ang lahat ng mga bagay na pinaghirapan kong makamit ay bale-wala? Hindi ko na kayang ipagmalaki ang lahat ng `yon. I’m nothing. You all made my life easy but that’s not what I want. I’ve been proving myself to you and to everyone else ever since I can remember. Bakit hindi n’yo makita na hindi lang ako basta pambayad ng utang? Bakit wala akong karapatang mamili ng magiging buhay ko, ng lalaking mamahalin at makakasama ko? Hindi ako isang bagay na basta na lang ipinamimigay sa kung sino-sino. You manipulated my life. I thought Zac was real. Pati ba naman ang isang taong inakala kong totoong kaibigan ko ay kasali rito? May karapatan akong magalit ngayon dahil ang sakit-sakit!”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha ng kanyang mga magulang. Her mother looked like she wanted to go near her and hug her. Hindi lang marahil nito alam kung paano gagawin iyon. She never did that before. Noong walang tigil ang pag-iyak ni Hannah dahil sa pagkabigo niya sa kanyang unang pag-ibig, wala ang ina upang yakapin at aluin siya. Nang halos ikabaliw ni Hannah ang sakit, wala ito upang sabihin na may darating na prinsipe para sa kanya na kanyang higit na mamahalin.
Kaya naman hindi na siya gaanong nagtaka nang manatili sa kinatatayuan nito ang ina at nanahimik samantalang siya ay hindi maawat ang kanyang mga luha.
“Zac is the best guy for you,” anang kanyang ama kapagkuwan.
I know he’s the best man for me! It’s easy to just nod and say “Yes, Dad.” But my heart continuously refuses to agree to that. I’m not in love with him. I know love is not that important to you but it is for me. Gusto kong maramdaman uli ang matinding pag-ibig na naramdaman ko na minsan. Gusto kong magmahal uli sa ganoong paraan, sa ganoong intensidad. Nasaktan ako nang husto dahil sa pag-ibig na iyon pero gusto pa rin ng puso kong maranasan iyon. Pinilit ko na maramdaman iyon kay Zac ngunit wala talaga.
Nais ni Hannah na sabihin ang mga iyon sa kanyang ama ngunit hindi na siya makapagsalita pa dahil sa tindi ng pag-iyak.
“Go to your room and rest,” utos sa kanya ng kanyang ina. “Pag-isipan mong maigi. We’ll talk again.”
Patakbong tinungo ni Hannah ang kanyang silid. Kaagad siyang dumapa sa kama at umiyak nang umiyak. Halos hindi niya namalayan na sumunod pala sa kanya ang kanyang ina.
DALAWANG araw ding nagmukmok sa kanyang kuwarto si Hannah hanggang sa magsawa siya. Hindi naman naapektuhan ang kanyang mga magulang sa kanyang pag-iyak niya. Kahit na ipakita ni Hannah sa mga ito na miserable siya, hindi natinag ang kanyang ama at ina. Ang gusto pa rin ng mga ito ang masusunod na tila isa pa rin siyang batang musmos.
Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa pinaka-malapit na mall. Wala sa loob na naglakad-lakad siya. Iniisip niya kung ano ang magandang gawin sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.
“I’m sorry,” aniya nang may mabangga siya nang hindi sinasadya.
“Hannah?”
Napatingin siya sa lalaking nakabangga. Pamilyar sa kanya ang tinig nito. Kahit na paano ay napangiti si Hannah nang makilala niya ang lalaki. “Cecilio.”
“Are you okay?” concerned na tanong nito habang nakakunot ang noo. “Bakit parang wala ka sa sarili mo? You don’t look good. You look pale.”
“I’m okay,” pagsisinungaling niya. Dalawang araw na ang nakararaan nang aksidente rin silang nagkita sa airport. Kauuwi rin lang sa bansa ni Cecilio.
Prior to that, she had seen him in Bermuda. Mahilig magtungo sa iba’t ibang panig ng mundo ang binata. Nagalak si Hannah nang una niyang makita si Cecilio sa hotel na pinagtatrabahuhan niya sa Bermuda. She used to know him way back in college. Pinsan nito ang lalaking naging napakaespesyal sa kanyang puso. Ang lalaking hindi tinugon ang kanyang damdamin. Kaya marahil pakiramdam niya ay konektado siya kay Cecilio dahil sa lalaking iyon.
Hindi man sila gaanong malapit sa isa’t isa pero magkaibigan sila.
Mataman siyang tinitigan ng binata. “You’re not okay,” he stated.
Napalunok si Hannah. Namasa ang kanyang mga mata. She was badly in need of a friend right now. Nais niyang ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob sa iba. Masyado na iyong mabigat dalhin sa dibdib.
Niyaya siya ni Cecilio sa isang tahimik at pribadong restaurant sa mall. Doon niya nasabi ang kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. She cried and he comforted her like a real friend.
“Listen, sa tingin ko ay makabubuti sa `yo kung lalayo ka muna. Think. Balansehin mo ang lahat. I know a place. It’s not really that far. It’s a marvelous place. Tahimik at maganda. Makakapagpahinga at makakapag-isip ka nang husto. Maraming magagandang lugar na maaaring puntahan. I’m going there with Lui this weekend. Sumama ka sa amin.”
“Where is that place?”
“Mahiwaga. Doon nakatira ang lola ko. Matagal akong nawala sa bansa kaya gusto ko siyang makasama.”
Alam ni Hannah ang lugar na iyon. Ang Mahiwaga ang probinsiya ng pamilya Castañeda. May malaking villa na pag-aari ang naturang pamilya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. May malaking parte sa kanya na nais na sumama. Nais niyang lumayo muna sa kanyang mga magulang. Nais muna niyang mag-isip.
Ngunit may parte rin sa kanya na natatakot at kinakabahan. Paano kung makita niya roon si Jeff Mitchel, ang lalaking minsan ay kanyang inibig nang lubos? Ano ang kanyang magiging reaksiyon? Ano ang kanyang mararamdaman?
All girls considered their first love special. All first would always remain special.
Natagpuan ni Hannah ang kanyang sarili na tumatango. “Thank you, Cecilio. You don’t have to do this—”
“I want to do this. You’ve been a good friend to me in Bermuda. Come on, join us. It’ll be fun.”
“Hindi naman talaga ako tatanggi. I need to get away. I need to think.”
Lumapad ang ngiti ng binata. “Great.”
Nais tanungin ni Hannah kung makikita niya roon si Jeff Mitchel ngunit hindi niya magawa. Hindi niya nais na isipin ni Cecilio na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya. Matagal nang nangyari ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ng pinsan nito. Baka hindi na nga siya matandaan ni Jeff Mitchel.
Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin niya mapigilan ang excitement. Tila nais niyang makita ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.