NAPABUNTONG-HININGA si Venancia habang pinupunasan ang lapida ng puntod ng kanyang asawa.
“Nag-aaway ang dalawang apo mo, Andoy. Naiinis na ako kina Mitch at Dudes. Nag-aaway sila dahil sa isang babae! Sa lahat ng puwedeng pag-awayan, babae pa. Hindi ko naman talaga sila masisisi. Mabuting babae si Luisita. Gusto ko siya. Apo na rin ang turing ko sa kanya. Kahit na noon pa man, tinanggap ko na siya sa ating pamilya. I just know that someday, she will be part of our family. Hindi ko lang alam kung paano, kung sino ang pipiliin niya.”
Inayos niya ang mga bulaklak sa puntod ng asawa. “Hindi ko masabi kung talagang umiibig ang dalawang `yon kay Luisita o sadyang nasa isip nila na siya ang pinakatamang babae sa buhay nila. Tila nasa isip nila na mapapadali ang buhay nila kapiling ang isang babaeng komportable silang makasama. Wala namang masama roon, alam ko. Maraming tao ang umiibig sa maling paraan. Nagmamahal nga ngunit nakakasakit din naman ng kapwa. Walang masama sa safe love. Siguro, overrated na rin ang pag-ibig. But I still think your grandsons were playing it too safe. Siguro, naranasan na nila ang lupit ng pag-ibig at hindi lang ako aware doon—o kahit sila ay hindi aware. People hold on to the things they’re certain of—things they could trust. Things that are safe.”
Bumuntong-hininga uli si Venancia. “Marahil ay tumatanda na talaga ako. O marahil ay babae pa rin ako at likas na hopeless romantic. I want them to experience how it is to fall in love. I don’t want them to play it safe. Ayokong utak nila ang mas ginagamit nila. I want them to feel the real impact of the fall. Gusto kong maging masaya sila kagaya natin noon. Life and love are not perfect. Life had always been so unfair to me and Luisita. But we were happy despite everything. Kung maaari ko lamang hatiin si Luisita sa dalawa—tatlo, I mean—matagal ko nang ginawa.”
Nanatili siya roon at nagkuwento pa nang nagkuwento sa kanyang asawa hanggang sa dumating sa mausoleum si Glanys, ang kanyang apong babae na kasa-kasama niya sa Villa Cattleya.
“Narito na po si Kuya Mitch,” imporma ng apo.
Napangiti si Venancia. Tumingin siya sa puntod. “Narito na ang pinakamatalino mong apo. Kung hindi pa ako nagtampo ay hindi siya uuwi rito at magbabakasyon,” sumbong niya sa kanyang asawa. “Sana ay magkaayos na ang dalawa. Tulungan mo ako.”
Nagpaalam siya sa kanyang asawa bago bumalik sa villa. Inalalayan siya ni Glanys kahit na hindi naman siya nahapo. Hindi siya mahahapo sa pagtungo roon araw-araw. Araw-araw pa rin niyang bibisitahin ang puntod ng kanyang asawa kahit pa halos hindi na siya makalakad, kahit na bumigay pa ang kanyang mga binti dahil sa katandaan. Hindi siya papalya hanggang sa muli silang magkasama.
TAHIMIK lamang si Jeff Mitchel habang nakaupo sa sofa. Nakaupo sa kabilang dulo ng sofa ang pinsan niyang si Eduardo. Hindi niya pinapansin ang pinsan. Nasa magarang living room sila ng Villa Cattleya. Inutusan siyang umuwi ni Lola Ancia sa Mahiwaga. Kahit na hindi sana niya nais na makita si Eduardo, hindi rin niya maatim na sumuway sa kanyang abuela. He loved the old lady so much. Kahit na hindi niya nais na magbakasyon doon kahit na ilang araw lamang, ayaw rin naman niyang lumago ang tampo sa kanya ng kanyang lola.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Lola Ancia sa kanilang dalawa ni Eduardo. Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda. “Hindi na kayo mga bata. Matatanda na kayo at alam n’yo na kung ano ang tama at mali. Masyado na akong naaapektuhan sa iringan ninyong dalawa. Inakala kong simpleng kompetisyon lamang ang namamagitan sa inyo, ngunit sa nakikita ko ay lumalala ang lahat sa paglipas ng mga araw,” anang lola nila sa pormal na tinig. “I want you two to settle everything right here, right now,” dagdag nito sa mariin nang tinig. Sa pandinig ni Jeff Mitchel, tila utos iyon na hindi maaaring baliin.
Mula pagkabata, sinusunod niya ang lahat ng gusto at utos ng kanyang lola. Hindi niya sinusuway ang matanda kahit na minsan ay hindi niya gusto ang mga ipinapagawa sa kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon, tila nahihirapan si Jeff Mitchel sundin ang nais ng abuela. Hindi na sila mga bata ni Eduardo na petty lagi ang pinagsisimulan ng away. Hindi sila maaaring magbati na lang dahil sinabi ng kanyang lola. Sino ang unang yuyuko kanino? Hindi naman maaaring siya.
Hindi rin inakala ni Jeff Mitchel aabot sila sa ganoong punto ng buhay nila. Eduardo and Cecilio—his other cousin—had always been his most favorite people. Dahil halos magkakaedad lamang silang tatlo, malapit na sila sa isa’t isa mula pa noong diaper days nila. They used to be brothers.
What went wrong? They fell in love with the same woman.
Hindi rin niya inakala na magkakalamat ang pagkakaibigan nila dahil lamang sa isang babae. Ngunit walang magawa si Jeff Mitchel. Wala siyang ibang nais na babae na makasama habang-buhay kundi ang babaeng mahal din ni Eduardo. The game was on.
“Lola, mahal kita, alam mo `yan,” ani Eduardo sa matanda. “Pero `wag n’yo po muna kaming pilitin ni Mitch na bumalik sa dati ang samahan namin. I’ll be his friend and cousin again if he backs off. Lui is mine.”
“She’s not yours,” naiirita nang sabi niya. Eduardo had always been so arrogant since they were young. Napakataas ng tingin nito sa sarili. Pakiramdam ni Eduardo ay kaya nitong makuha ang lahat ng mga babae dahil sa gandang lalaki nito. Aminado si Jeff Mitchel na malaki ang lamang sa kanya ng pinsan sa pisikal na anyo. Ngunit hindi lamang pisikal ang tinitingnan ni Luisita, ang babaeng pareho nilang iniibig.
He had always liked himself. He liked his personality. He had always been confident and smart. Luisita once told him he was just simply special.
“She was mine first,” sabi uli niya. “I was her first boyfriend.”
Tumingin sa kanya si Eduardo. Ngumiti ito nang nakaloloko. “You always say the right words, Mitch. She was your first girlfriend. ‘Was.’ Matagal na kayong tapos. College pa lang, tapos na kayo.”
Uminit ang ulo ni Jeff Mitchel. He had always been cool but when it came to Eduardo, it was easy for him to lose his temper. Lalo na kung may kinalaman si Luisita sa paksa.
“Matagal na rin naman kayong tapos. Nagtagal ba ang relasyon n’yo? Hindi naman, ah. Pinakawalan mo ang tanging matinong babae na naugnay sa `yo. You slept around. Hindi na siguro nakakagulat ang bagay na iyon. Mula pa naman noon, pinapatulan mo na ang lahat ng uri ng babaeng lumalapit sa `yo.”
Bumalatay ang galit sa mukha ni Eduardo. Naikuyom nito ang mga kamay at tila handa nang sugurin siya. Sinalubong ni Jeff Mitchel ang nagbabagang mga mata pinsan. Kung inaakala ni Eduardo na hindi niya ito papatulan, nagkakamali ang binata. Mas matipuno nga ang kanyan pinsan ngunit mas matangkad naman siya.
“Ang galing mong magsalita. You cheated on her, too. Why don’t you just back off and leave Lui to me?” anito sa nangungutyang tinig.
“Why the hell would I do that?”
“Enough!”
Awtomatikong umayos silang dalawa ng upo nang marinig nila ang dumadagundong na tinig ng lola nila. Halos nakalimutan na ni Jeff Mitchel ang presensiya ng matanda sa labis na inis niya kay Eduardo. Matanda na si Lola Ancia ngunit ganoon pa rin ang epekto ng tinig nito. Nakakatakot pa rin ang matanda kapag totoong galit na.
Noong mga bata pa sila, mas takot sila kay Lola Ancia kaysa sa lolo nila. Estrikto kasi ang lola sa kanila. Hindi ito namamalo ngunit may consequence ang bawat pagkakamali nila.
Her chest was heaving. Tila nagpipigil lamang ng galit sa kanilang dalawa ni Eduardo si Lola Ancia. “Daig n’yo pa ang mga bata kung makaasta kayo. Nang dahil lamang sa isang babae ay nagkakaganyan kayo. Si Luisita lamang ba ang babae sa mundo, ha?!”
“You love Lui, Lola,” he reminded her. Tila apo na rin kung ituring nito si Luisita. Parte na ito ng pamilya nila mula pa noon.
Hindi siya pinansin ni Lola Ancia. “Kung tutuusin, wala kayong mga dahilan upang magkaganyan. Pareho na kayong inayawan ni Luisita. Pareho kayong nagkaroon ng pagkakataon noon, ngunit sinayang n’yo. Pareho kayong nagloko. You both cheated on her!”
“I did not!” mariing tanggi ni Jeff Mitchel. Iba ang naging sitwasyon niya noon sa naging sitwasyon ni Eduardo. Si Eduardo ay sinadya ang pagtataksil, ngunit siya ay hindi. Ni hindi niya ginusto ang lahat. He was the victim of a vicious spoiled brat.
“Yes, you did!” nang-iinis na sabi ni Eduardo.
“Shut up, you two!” saway ng lola nila sa kanila.
May mga nais sanang sabihin si Jeff Mitchel ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang muna. His grandmother was not looking good. Namumula ang mga pisngi nito sa galit. Ayaw niyang masyadong magalit ang matanda dahil baka makasama sa kalusugan nito. Ayaw niyang sila ni Eduardo ang maging dahilan ng biglang pagtaas ng presyon ng lola.
“You’re fighting because no one wants to give way. Ano ang nangyari sa inyong dalawa? Dati naman ay nagbibigayan kayo.”
Nagbaba ng tingin si Jeff Mitchel. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa matanda. Dati nga ay ganoon silang magpipinsan. Pinalaki sila ng mga magulang nila na mapagbigay at hindi maramot. Hindi naman sa naging maramot na siya. He just firmly believed that Luisita was the right woman for him. Ito ang nais niyang makasama. They were compatible in so many ways. Madali nilang naiintindihan ang isa’t isa. She was easy to be with. She was not high-maintenance. Hind demanding at clingy. Gusto si Luisita ng buong angkan niya. He felt so comfortable with her.
He was the right woman for him. She was the most ideal woman in his eyes.
Ayaw na niyang palagpasin pa ang pagkakataon na mapasakanya ang dalaga. Si Eduardo ang maramot dahil hindi siya mapagbigyan ng pinsan. He could easily have all kinds of women in this world. Madaling mahalina kay Eduardo ang lahat ng mga babae. Isang pitik ng mga daliri at simpleng ngiti lamang ay luluhod na sa paanan ng kanyang pinsan ang babae. Bakit hindi nito maipaubaya sa kanya si Luisita?
“Kaya naman pala walang sumasalubong sa `min. May meeting pala rito.”
Sabay-sabay silang napalingon sa entrada ng living room kung saan nagmula ang isang pamilyar na tinig.
Napasinghap sa galak si Lola Ancia. “Cecilio, apo! Hindi mo sinabing parating ka ngayon.” Kaagad na sinalubong ng matanda ang mga bagong dating. “Luisita, hija, natutuwa akong narito ka rin.”
Inayos ni Jeff Mitchel ang salamin sa kanyang mga mata upang masiguro na hindi siya namamalikmata lamang. Si Cecilio nga ang bagong dating at kasama nito si Luisita. Hindi lamang basta kasama ni Cecilio ang dalagang pinag-aagawan nila ni Eduardo. Nakaakbay ang pinsan niya kay Luisita. Hindi iyon ang uri ng akbay na friendly. It was kind of intimate and possessive. Palaisipan sa kanya kung bakit magkasama ang dalawa. Hindi alam ni Jeff Mitchel na magkasundo na ang dalawa sa ganoong lebel. Laging nag-aasaran at nag-aaway ang mga ito mula pa noon. Si Cecilio ang madalas na nagpapaiyak kay Luisita dahil sadyang pilyo at alaskador ang pinsan.
Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa muli nilang pagkikita ni Cecilio. Ni hindi niya alam na nakauwi na pala ng bansa ang pinsan. Isa itong tanyag na furniture designer. Mahilig itong magliwaliw sa iba-ibang bansa. Nitong nakaraang tatlong taon ay napakadalang na nitong umuwi sa Pilipinas.
Mahigpit na niyakap ng lola nila si Cecilio. Hindi pinakawalan ng kanyang pinsan si Luisita kaya naman pati ang dalaga ay nayakap na rin ng matanda. Hinaplos ni Lola Ancia ang mukha ng dalawa. Tila biglang nag-evaporate ang galit at inis na nararamdaman kani-kanina lamang ni Lola Ancia. Isang taon na rin marahil mula nang huli nitong makita si Cecilio.
“Hey, guys!” masiglang bati ni Cecilio sa kanila ni Eduardo. Sa wakas ay pinakawalan ng kanyang pinsan si Luisita at lumapit sa kanya. “Ang tagal din nating hindi nagkita, ah. How’re you both?”
Nginitian niya si Cecilio. Tumayo si Jeff Mitchel at sinalubong siya ng yakap ng pinsan. Kahit na nagtataka siya dahil kasama nito si Luisita, masaya pa rin siyang makita ang pinsan. “I’m fine. How are you? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka? Kailan ka pa nasa bansa? Hindi sinabi ni Uncle Enyong na nakauwi ka na.” Ang tinutukoy ni Jeff Mitchel ay ang ama nito na nakababatang kapatid ng kanyang papa.
Tinapik ni Cecilio ang kanyang likod at pinakawalan siya. Sunod nitong niyakap si Eduardo. “`Good to know you’re doing fine. Sawa na ako sa ibang bansa kaya umuwi na ako. Nami-miss ko na kayo. Sadyang hindi ko ipinaalam na nakauwi na ako para surprise.” Kumalas ito kay Eduardo. “Dudes, mas naging matipuno ka yata ngayon. Kumusta ang mga chicks mo? Marami ba? `Sensiya na kung hindi na ako makakasama sa mga pambababae mo, may commander na `ko, eh.” Binalingan siya ni Cecilio. “Mas mukha kang matalino ngayon, Mitch. Medyo tumanda ang hitsura mo. Maayos naman ba ang mga kompanyang hawak mo? Huwag puro trabaho ang atupagin mo, mag-goodtime ka rin. Maaga kang tatanda, maniwala ka.”
Tipikal na para kay Cecilio ang maging playful. Nasanay na sila sa pagiging happy-go-lucky ng pinsan. Palagi itong nakangiti sa lahat at positibo ang pananaw sa buhay. Minsan ay nasosobrahan si Cecilio sa kapilyuhan ngunit hindi ito lumalampas sa limitasyon nito.
Binalikan nito si Luisita at muling inakbayan. Napatingin si Jeff Mitchel kay Eduardo. Sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha ng pinsan, alam niyang hindi rin nito gusto ang nakikita. Binalingan niya si Luisita. Hindi makatingin nang deretso sa kanya ang dalaga. Tila naiilang din ito ngunit hindi naman kumakawala sa bisig ni Cecilio. There was something wrong. Cecilio and Luisita had never been this physically close before. May mga pagkakataon na inaakbayan ni Cecilio si Luisita ngunit kaagad na kumakawala ang huli.
Tumikhim si Eduardo. “Hi, Lui,” bati nito sa dalaga.
Nginitian lang ni Jeff Mitchel si Luisita. Kating-kati na siyang itanong ng dalaga kung bakit kasama nito si Cecilio, ngunit natatakot naman siya sa magiging sagot nito. Pakiramdam ni Jeff Mitchel, kapag ibinuka niya ang bibig ay hindi niya mapipigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong.
“Hello,” bati sa kanila ni Luisita. Malikot ang mga mata ng dalaga at hindi pa rin nito masalubong ang kanyang tingin. Tila tensiyonado ito na hindi niya malaman. Ni hindi ito makangiti nang totoo sa kanila.
May ibinulong si Cecilio kay Luisita. Halos maging isang linya ang mga kilay ni Jeff Mitchel nang makita niyang hinagkan ng pinsan ang tainga ni Luisita pagkatapos. Tila nais na pumalag ni Luisita ngunit hindi nito magawa. Something was definitely wrong.
“Ces, I’m happy you’re finally home,” ani Eduardo kay Cecilio sa pormal na tinig. Walang bakas ng kaligayahan ang tinig at anyo nito. “Welcome home, bro. I just want to know something. What is going on?”
He was thankful Eduardo asked that. Hindi niya kasi alam kung paano magtatanong.
“What is going on?” Itinuro ni Cecilio ang sarili nito at si Luisita. “Kami na. Obviously.” Hinapit nito si Luisita at hinagkan sa sentido.
He prepared himself for the worst but it still shook him. Napuno ng panghihinayang ang kanyang puso. Hindi sana niya nais na paniwalaan ang sinabi nito, ngunit wala namang dahilan para magsinungaling sa kanila si Cecilio. Hindi mapaniwalaan ni Jeff Mitchel na silang tatlo ay nagmamahal ng iisang babae.
Hinihintay niyang pasubalian ni Luisita ang sinabi ni Cecilio ngunit hindi iyon nangyari. Magkasintahan na nga ang dalawa.
“That’s great!” masayang bulalas ni Lola Ancia. Kung hindi niya kilala ang matanda, iisipin niyang mas paborito nitong apo si Cecilio kaysa sa kanila ni Eduardo.
Tumingin sa kanila si Cecilio. “What’s with those faces, guys? Is there something wrong? Is there problem? Wala naman akong sasagasaan sa inyo, `di ba? Ang alam ko kasi tapos na ang mga kabanata ninyo. It’s my time now. You’ve had your chance. Hindi ako humadlang, hindi ako umepal,” anito sa seryosong tinig. “I waited patiently for my right time. If you have any problems with us being together, suck it up.”
Nais suntukin ni Jeff Mitchel ang pinsan niya nang mga sandaling iyon. Cecilio had always been brutally frank and he should have been used to it by now. Nakakainis lang na nawala na lang bigla ang tsansa niyang makipagbalikan kay Luisita. Nabura ang kanyang mga plano sa hinaharap. Napalitan na naman iyon ng walang kasiguruhang bukas. Being uncertain about so many things just wasn’t his thing.
Ngunit kahit na naiinis, wala siyang magawa. Tama naman si Cecilio. It was his time. He felt like he needed to respect that.
Suck it up, Mitch.
“At hindi lang kami ang umuwi. May kasama kaming kaibigan,” sabi ni Cecilio sa masiglang tinig. Napatingin ito sa kanya. Kakaiba ang uri ng ngiting ibinigay sa kanya ng pinsan. “We have a guest. She’s going to stay with us for a week or two.”
“She?” nagtatakang tanong ni Jeff Mitchel.
“Nasaan ang kasama n’yo?” tanong ng lola nila. “I want to welcome her.”
As if on cue, pumasok sa magarang living room ang isang napakagandang babae. It was like a goddess had suddenly entered. She reluctantly smiled at them. Nakilala agad niya ang dalaga. Hindi nakalimutan ni Jeff Mitchel ang mukhang iyon sa mga nakalipas na taon. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga pagkakataon na naaalala pa rin niya ang dalaga. Maybe, he was still mad at her.
“Do you still remember her, Mitch?” tanong sa kanya ni Cecilio.
“Of course,” aniya sa pormal na tinig. “Hannah Moravilla.” Ang babaeng naging dahilan kung bakit nawala sa kanya si Luisita. Ang babaeng gumulo ng kanyang buhay.
Tila may tinig na nagsasabi sa kanya na guguluhin na naman ni Hannah ang maayos na niyang buhay.
“Hi, Mitch,” bati sa kanya ng bagong dating. “It’s nice to see you again.”
Habang nakatingin sa mukha nito, hinahanapan ni Jeff Mitchel ng eksplanasyon ang kanyang nararamdaman na kaligayahan. Bakit siya masaya na muling makita si Hannah? He hated her. She ruined things for him in college. Hindi siya dapat na maging masaya. Kailangan ay may rason kung bakit siya masaya sa muli nilang pagkikita.
Lalo siyang gumanda...
He mentally shook his head. Not a good enough reason, Mitch. Think harder. You can do better than that...