NAKIKITA ni Hannah na sinisikap siyang aliwin nina Cecilio at Luisita sa pamamagitan ng pagpasyal sa kanya sa magagandang lugar sa Mahiwaga. Halos pag-aari ng Pamilya Castañeda ang buong bayan. The place was such a beauty. Its beauty was untouched. Sariwang-sariwa ang hangin doon. Maganda rin ang lugar na pinanggalingan niya ngunit mas tahimik doon. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang magkasintahan. Nagkakaasaran ang dalawa. Kasalukuyan silang patungo sa isang hot spring. Siniguro sa kanya nina Cecilio at Luisita na maganda roon at makakapag-relax siya. Hindi alam ng magkasintahan na mas naaaliw siya sa pakikinig at panonood sa pag-aasaran ng mga ito kaysa sa mga lugar na ipinapakita ng mga ito. “Hahalikan na kita riyan, tumigil ka na!” banta ni Cecilio kay Luisita. Hinampas ito n

