3

1541 Words
TULOY-TULOY si Hannah sa pagpasok sa loob ng silid ng kanyang mga magulang. Hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang naka-hanger na bestida. Nadatnan niyang pasampa na sa kama ang kanyang ina. “Mom!” masiglang bati niya. Ipinakita niya sa ina ang dalawang bestida. “I just wanna ask your opinion about these dresses. Hindi ko po alam kung alin ang isusuot ko sa party ng ate ni Yani. Ano po sa palagay n’yo ang mas babagay sa `kin?” Sandali lang nitong sinulyapan ang kanyang mga hawak. Walang bakas ng interes sa mukha ng kanyang ina. “Anything will look good on you, Hannah. Now, please get out of my room. I need to rest. I’m so tired.” Saglit na natigilan si Hannah. “O-okay,” nadidismayang sabi niya. Hindi niya magawang lumabas agad ng silid. Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang papahiga ito sa kama. She felt a strong urge to jump on the bed and hug her tight. Nais niyang hilingin dito na huwag muna itong matulog. Kahit na hindi na lang siya tulungan ng ina sa pamimili ng damit na kanyang gagamitin sa party. Mas magiging masaya si Hannah kung magkukuwentuhan sila tungkol sa naging araw nilang dalawa. Napakarami niyang nais na sabihin sa ina. Napakarami niyang nais na itanong. Nagtatakang napatingin ito sa kanya nang hindi pa rin siya umalis sa silid. “Bakit hindi ka na rin magpahinga sa silid mo?” anito. Nag-aatubili na umupo si Hannah sa gilid ng kama. “Mom, are you really tired?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Bumuntong-hininga ito. “Fine, wear the blue one.” “Mom—” “I wanna sleep, Hannah.” Dumukwang siya at hinagkan ito sa pisngi. “Okay. Goodnight. I love you.” “`Night,” she murmured sleepily while closing her eyes. Dismayadong lumabas na siya ng silid ng kanyang mga magulang. Hindi hinayaan ni Hannah na maapektuhan siya ng nangyari. Hindi siya nagtatampo sa kanyang ina sa kawalan nito ng pakialam. Huminga siya nang malalim. “It’s okay, Hannah. Tama naman ang sabi ng mom mo. Kahit na ano ay bumabagay sa `yo. It doesn’t really matter.” Ngumiti siya pagkatapos. She was going to wear the blue dress. Pumasok siya sa loob ng banyo at isinukat ang damit na pinili ng kanyang ina. Bagay na bagay iyon sa kanya. Maganda ang pagkakahapit niyon sa kanyang katawan. Her mother was a famous jewelry designer. Ang kanyang ama ang namamahala ng Glitter, isang malaking jewelry company sa bansa. Palaging abala ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo. They wanted Glitter to be the biggest jewelry company in the country. They were also aiming to dominate the Asian jewelry market. Masyadong mataas ang pangarap, ngunit ganoon ang kanyang mga magulang. Nasabi na minsan ng kanyang ina na kung mangangarap na rin lang siya, iyong matayog na. Nanggaling sa hirap ang ina at isinumpa nito na hindi na babalikan ang kahirapan. She was already at the top but she still kept on aiming for more. Mas nais pa nitong tumayog. Hindi marahil masama ang ganoon. Maraming tao ang gumigising at nabubuhay dahil nangangarap ng mas magandang buhay. Lahat ng tao, gustong lumipad pa. Walang masama sa nais ng kanyang mga magulang na mas umunlad pa. Ngunit sana ay maalala ng kanyang ama at ina na may anak din ang mga ito na dapat nilang asikasuhin. Naroon din siya na nangangailangan. Nanlulumong umupo si Hannah sa kanyang kama. She finally admitted to herself that her mother’s dismissal of her earlier was not okay with her. Sinisikap niyang huwag magtampo. Sinisikap niyang intindihin ang mga kailangang gawin ng kanyang mga magulang. Ngunit kailangan din naman niya ang ama at ina. Her mother may be the best jewelry designer and her father, the businessman in the world but they were also her parents. Kung may malaking responsibilidad ang kanyang mga magulang sa kompanya, may responsibilidad din ang mga ito sa kanya. She needed them, lalong-lalo na ngayon na nagdadalaga na siya. She had so many teenage issues and she needed their parental advice. Kahit na nais niyang i-share sa kanyang ina ang kanyang crushes, hindi magawa ni Hannah dahil palagi itong abala. She had no time for some heart-to-heart talks. Tuwing sinusubukan niya, palagi siyang itinataboy ng ina. Kung hindi ito pagod at kailangan nitong magpahinga, masyado itong abala sa pagbuo ng mga design. Nais niyang isumbong sa kanyang ama ang bullies sa eskuwelahan. Nais niyang iyakan ito tungkol sa kanyang mga problema. Ngunit, kagaya ng kanyang ina, masyado itong abala. Wala itong pakialam sa kanya. Minsan nga pakiramdam ni Hannah ay hindi siya nakikita ng kanyang ama. Marahas na nagpakawala siya ng hininga. She had everything money could offer. Some said she was a lucky teenager for being Glitter’s princess. Ang hindi alam ng lahat, hindi naman talaga niya nakukuha ang lahat ng kanyang nais. Hindi palaging nabibili ng pera ang ikasisiya ng isang tao. She wanted to experience what it was like to have bonding time with one’s family, just like other normal people. Kahit na isang araw lamang niyang makasama ang mga magulang na walang inaalala na kahit na ano mula sa trabaho o kompanya. Kahit man lang ipagluto siya ng kanyang ina. Nais maranasan ni Hannah kung paano umupo sa harap ng telebisyon kasama ang kanyang ama at nagkukuwentuhan ng tungkol sa kung ano-ano. Mga simpleng bagay lamang iyon, ngunit bakit tila napakahirap niyang makuha? Libre lang naman kung tutuusin ang panahon ngunit bakit tila napakahirap ibigay iyon ng mga magulang sa kanya? Was she asking for too much? Ayaw naman ni Hannah na umabot sa puntong kailangan na niyang gumawa ng mga bagay na hindi maganda para mapansin siya ng mga magulang. It would be too terrible. Maayos na ibinalik niya sa hanger ang asul na damit na kanyang susuotin sa party ng ate ni Yani. Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng chocolate cookies na kakainin habang nagbabasa ng libro. Napangiti si Hannah nang maabutan niya ang kanyang ama na nasa kusina. Nagsasalin ito ng kape sa mug. “Hi, Dad!” masiglang bati niya. Sana ay hindi ito gaanong abala sa trabaho ngayong gabi. Baka maaari silang magkuwentuhan. Nginitian siya ng kanyang ama. Hindi nga lang kasinsigla ng ngiti niya ang ngiti nito. His eyes seemed tired. “Bakit hindi ka pa nagpapahinga?” “It’s vacation time, Dad. I can stay up late. I’m reading though. I’m reading some textbooks, nonfiction books. Gusto kong maging prepared ako sa college. I’m going to be a brilliant college student. Sisikapin kong manguna sa klase. I will not disappoint you, I promise. I will make you proud.” Sa susunod na buwan ay papasok na siya sa kolehiyo. Napapangiti at napapailing ang kanyang ama. Nabura agad ang ngiti sa kanyang mga labi. Ano ang ibig sabihin ng pag-iling nitong iyon? Bakit tila hindi ito naniniwala sa kanyang mga sinabi? Wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi ba ito naniniwala na kaya niya? “You don’t have to excel in school, Hannah. I don’t expect anything like that from you. Decent passing grades are good enough for me.” Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang narinig mula sa ama. Handa siyang gawin ang lahat upang maging mahusay sa pag-aaral para dito pagkatapos iyon ang maririnig niya? She expected him to encourage her. Inasahan niyang matutuwa ito sa kanyang sinabi. Her heart ached. She was disappointed. “I want to be like you.” Hindi na itinago ni Hannah ang pagkadismaya sa kanyang tinig. “I don’t want you to be like me. I don’t want you to work hard like your mom, like me. I want you to have an easy life.” Hindi niya maintindihan ang sinabi ng ama. Paano siya magkakaroon ng “easy life”? Makakamit ba niya iyon nang hindi nag-aaral nang maigi o magtatrabaho nang husto? He gently patted her head. “Go to sleep.” Palabas na ito ng kusina nang bigla itong tumigil at nilingon siya. “Ahm, Hannah?” nag-aalangang tawag nito sa kanya. Itinigil niya ang paglalagay ng cookies sa isang bowl. “Yes, Dad?” “I know it’s normal for teenagers like you to fall in love. I know it’s normal to have crushes. It’s normal to have boyfriends. Do you have one?” Lumipas muna ang ilang sandali bago nakatugon si Hannah. Hindi iyon dahil may crush o boyfriend siya na itinatago. Nagtaka lamang siya sa tanong ng ama. Iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ito ng tungkol sa crushes at boyfriends. Hindi siya tinatanong ng kanyang ina ng tungkol doon. “Wala po, Dad. May mga nanliligaw po pero wala pa po akong sinasagot.” Tila nakahinga ito nang maluwag. “Very good. Huwag kang magmamadali, anak. The right man will come at the right time.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang iniwan nito sa kusina. Nagtatakang napatingin na lamang siya sa ama. Unti-unting napangiti si Hannah. Her parents cared about her, after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD