4

1755 Words
RAMDAM ni Hannah ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya maiwasang mapangiti. She was flattered by the attention they were giving her. At least kahit man lang sa ibang tao ay nakakakuha siya niyon. Boys admired her beauty. They loved looking at her. Hindi na bago sa kanya na makita ang humahangang tingin ng mga ito tuwing dadaan siya. Alam din ni Hannah na maraming mga babae ang naiinggit sa kanya. May ilan din na nais na maging katulad niya. Her friends told her she was going to be the fashion icon in the university. Freshman pa lang kasi si Hannah. Pangalawang linggo pa lamang niya bilang college student. She was already loving her college life. Mas malawak ang kanyang mundo roon. Mas marami siyang tao na nakakasalamuha. She would make lots of new friends. Napakarami niyang plano. May ilang club siyang sasalihan. She would get so busy. Sa ganoong paraan, hindi na niya gaanong maiisip ang ibang mga bagay. Sisikapin din niyang maging mahusay na estudyante. She was taking up Management. Hindi naman kasi magaling sa mga design si Hannah kaya hindi siya maaaring maging katulad ng kanyang ina. Mapapahiya lamang siya kung sisikapin niyang sumunod sa mga yapak nito. Naisip niyang magiging magaling na lamang siya sa pagpapatakbo ng kompanya katulad ng kanyang ama. She would be a brilliant businesswoman. Her parents would be so proud of her one day. “Ibang level talaga ang ganda mo, sis,” sabi ni Yani sa kanya. Patungo na sila sa unang klase nila nang umagang iyon. “Lahat talaga ng mga lalaki ay napapatingin sa `yo. Hindi nila maiwasan. It’s like a compulsion.” Si Yani ang itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan. Hindi masasabi ni Hannah na ito ang kanyang best friend kahit na palagi silang magkasama noong high school. Hindi kasi niya magawang sabihin ang lahat dito kahit pa gustuhin niya. Hindi niya masabi ang ilang bagay tungkol sa kanya dahil nag-aalala siya na baka magbago ang tingin sa kanya ng kaibigan. O dahil alam niya na minsan ay hindi sila pareho ng pag-iisip. Maraming mga bagay na hindi siya maiintindihan ni Yani. Ngiti lamang ang naging tugon niya sa sinasabi ng kaibigan. Kahit naman napa-flatter si Hannah sa mga humahangang tingin, hindi naman iyon nagtatagal. Sa bandang huli, hinahangaan siya ng lahat dahil sa kanyang panlabas na anyo. Hindi siya gusto ng mga tao bilang siya. She was gifted with good looks. Matangkad siya kaysa sa kanyang mga kaedad. Pantay ang kanyang maputing balat na napakakinis. Mahaba ang alon-alon niyang buhok. Maamo ang kanyang mukha. Her eyes were the lightest shade of brown. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mapulang mga labi. Kahit marami siyang manliligaw, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Inuudyukan siya ng kanyang mga kaibigan na sumubok, ngunit tumanggi si Hannah. Ayaw niyang makipag-boyfriend dahil lamang sa udyok ng mga kaibigan. Ayaw niyang magpadala sa peer pressure. Ayaw niyang makipag-boyfriend na lang nang basta-basta. Hindi pa niya nahahanap ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Isang lalaki na magbibigay sa kanya ng kompletong pakiramdam. Nais niyang ipagkaloob ang kanyang buong puso sa tamang lalaki. She wanted her first love to be really special. Pagpasok nila sa loob ng kanilang classroom ay nginitian agad si Hannah ng mga lalaki. May ilang mga bumati sa kanila bago sila umupo sa bandang gitna. Hindi pa man siya natatagalang nakaupo, bumukas uli ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. For some unknown reason, hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito. He was Jeff Mitchel Castañeda. Nalaman niya ang pangalan ng binata hindi dahil nagkausap na sila. Madalas kasi na ito ang nakakasagot ng mga mahirap na tanong ng mga professor nila tuwing recitation. It had only been one week and yet he was already impressing the teachers. Hindi ito gaanong pinapansin ni Hannah noong unang linggo nila bilang magkaklase. Typical boring nerd—that was her first impression of him. Inakala niyang hindi gaanong interesanteng nilalang si Jeff Mitchel dahil ganoon naman ang mga tipikal na nerd. Walang inaatupag ang mga ito kundi ang pag-aaral. They didn’t know how to have fun. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay nagbabago ang tingin niya kay Jeff Mitchel. Hindi ito tipikal. Tahimik lamang ito palagi at hindi nakikipag-usap sa iba. There was an air of mystery around him. Tuwing nagsasalita ito sa klase, nag-uumapaw ang confidence ng binata. He handled himself very well. He was wearing a big, nerdy pair of glasses, but it totally looked good on him. Madalas itong naka-plaid polo shirt at pantalong maong lamang—pormang hindi niya gusto sa mga lalaki. Ngunit unti-unti ay nagiging fashionable ito sa kanyang mga mata. He didn’t seem awkward while he walked around the school. It was like he was confident of himself. It looked like he loved himself, his personality. There was grace in his every movement. He was supersmart. Wala itong hindi nasasagot sa mga mahirap na tanong ng mga guro. The most wonderful thing about him was his confidence in himself, but there was no arrogance in him. Ang ibang mga nerd ay awkward pagdating sa panlabas nilang anyo, ngunit arogante naman pagdating sa usaping-intelektuwal. Jeff Mitchel was special, she concluded. Hindi tipo ni Hannah ang mga katulad nitong mga lalaki, ngunit napupukaw nito ang kanyang atensiyon. Hindi kaagad-agad ngunit habang lumilipas ang mga araw ay lalong nagiging interesante sa kanyang mga mata si Jeff Mitchel. Nais niyang lapitan ang binata ngunit nag-aalangan siya. Tila hindi nito gustong nakikipag-usap sa iba. Wala pa itong kaibigan sa klase nila dahil tila nangingilag din ang kanyang mga kaklase na lumapit sa binata. Hinahangaan niya si Jeff Mitchel ngunit hindi iyon sa romantikong lebel. She just felt like she wanted to be like him. Confident and comfortable with himself. Tila wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. He was going to do his thing and be happy with it. Hindi sinasadyang nagawi ang mga mata ni Jeff Mitchel sa kanya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi magawang umiwas ni Hannah kahit na gustuhin niya. Tila may puwersang pumipigil sa kanya. They stared at each other for a while. He had beautiful eyes. Napansin din niyang guwapo pala si Jeff Mitchel. Kung hindi ito pagmamasdang maigi, ordinaryo lamang ang hitsura ng binata. But he looked so extraordinarily handsome today. Bigla ay bumilis ang t***k ng kanyang puso habang nakatingin kay Jeff Mitchel. Tila walang interes na umiwas ito ng tingin sa kanya. Nakahanap ito ng bakanteng upuan sa sulok at doon umupo. Iniiwas na rin ni Hannah ang kanyang tingin sa binata. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Eratiko pa rin ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Kinakabahan siya na hindi niya malaman. “Are you okay?” nagtatakang tanong ni Yani sa kanya. “You look funny.” Tumango si Hannah. “I’m fine.” Pumasok na sa loob ng classroom ang kanilang professor. Hindi nagtagal ay naging abala na sila sa leksiyon nila. Gayunman, hindi niya maiwasang sulyapan si Jeff Mitchel paminsan-minsan. Hindi na bumalik sa normal na t***k ang kanyang puso hanggang sa matapos ang klase. HANNAH almost sighed dreamily while looking at Jeff Mitchel. Kung mag-isa lamang siya ay baka napabuntong-hininga na nga siya. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa covered court ng university. Naroon sila para sa practice ng cheering squad. Dahil freshmen pa lamang sila, hindi pa sila gaanong sumasama-sama sa mga routine. Matagal nang inamin ni Hannah sa kanyang sarili na may matinding crush siya kay Jeff Mitchel. Hindi na lamang ito basta interesante sa kanyang mga mata. Ito ang unang lalaking nagparamdam sa kanya ng mga kakaibang damdamin. Hindi nagiging ganoon kagulo ang kanyang puso at buong sistema sa ibang lalaki. Kasama ni Jeff Mitchel ang dalawang pinsan nito. Madalas doon ang pinsan nitong si Eduardo dahil miyembro ng cheering squad ang girlfriend ng binata. Pilit niyang inalam ang mga bagay-bagay tungkol kay Jeff Mitchel. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Noon lamang siya naging ganoon kainteresado sa isang lalaki. She couldn’t take her eyes off him. Tuwing may pagkakataon, at tuwing hindi ito nakatingin sa kanya, pinagsasawa niya ang kanyang mga mata sa binata. Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin sila magkaibigan. Wala naman talagang gaanong kaibigan si Jeff Mitchel. Tila masaya na itong mag-isa lang palagi. Tila masaya na ang binata sa mundo nito kaya naiilang siyang lapitan ito. Isa ring dahilan kung bakit hindi ito malapitan ni Hannah ay dahil tila wala itong interes sa kanya. Tila hindi siya espesyal sa paningin ng binata. He treated her the way he treated everyone else. Hindi katulad ng ibang mga lalaki, wala siyang mabasang paghanga sa mga mata nito kapag aksidenteng nagagawi ang mga iyon sa kanya. Si Jeff Mitchel lamang yata ang hindi nabighani sa kanyang ganda. Ito lang din ang hindi tumatrato sa kanya nang espesyal. Hindi sumama ang loob ni Hannah. Hindi man lang nasaling ang kanyang pride. Kakatwa, ngunit mas gusto niyang ganoon si Jeff Mitchel. Mas lumalim ang kanyang damdamin para dito dahil doon. He was special. Ayaw niyang maging katulad ito ng iba. Kahit na hindi siya napapansin ng binata, ayos lang sa kanya. Natutuwa na siyang pagmasdan ito mula sa malayo. “Who are you looking at?” biglang tanong sa kanya ni Angel, isa sa mga malapit sa kanya sa squad. “Kanina ka pa nakatulala. Iba `yang ngiti at kinang ng mga mata mo. Nakatira ka ba? O in love ka lang?” tudyo nito. “Wala,” natatawang tanggi ni Hannah. Hindi alam ng mga kaibigan ang kanyang lihim na pagsinta kay Jeff Mitchel Castañeda. “May iniisip lang ako kaya ako nakatulala.” Napatingin si Yani sa direksiyong tinitingnan niya kanina. “Tinititigan mo ba si Jeff Mitchel? Matagal ko nang napapansin na iba ang tingin mo sa kanya.” Bahagyang nag-init ang kanyang mukha. Panalangin ni Hannah na hindi siya gaanong mamula upang hindi maghinala ang mga kaibigan. Hindi pa siya handang ipaalam sa iba ang kanyang nararamdaman kay Jeff Mitchel. “O, `yong boyfriend ni Elisa ang tinitingnan mo?” tanong ni Angel sa mahinang tinig. Ang tinutukoy nito ay ang kasama nila na girlfriend ni Eduardo. “Hindi,” tanggi niya. “Loka, magka-crush ka na sa lahat, `wag lang sa boyfriend ni Elisa. Possessive daw siya at territorial,” sabi ni Yani. “Favorite pa siya ni Coach kaya ka niyang patalsikin sa squad nang walang mabigat na dahilan.” Nais sanang sabihin ni Hannah na wala siyang gusto kay Eduardo, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Kung sakali man, wala siyang pakialam kay Elisa. Kahit na mapatalsik siya sa squad, okay lang sa kanya. Sumama lang naman siya roon dahil pinilit siya ni Yani. Bahagyang nakalimutan ni Hannah ang kanyang mga kaibigan nang mapansin niya na may isang babae na lumapit sa tatlong lalaki. Sanay na siyang makita na nilalapitan ng mga babae ang tatlo kapag magkakasama. It was mainly because of Eduardo. He was really handsome. Hindi na yata nito kailangang kumilos upang magka-girlfriend. Kusa nang lumalapit ang mga babae sa binata. Kahit na gaano pa ito kaguwapo, hindi siya nabighani kay Eduardo. Para sa kanya ay si Jeff Mitchel ang pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nagulat si Hannah nang makitang ngumiti si Jeff Mitchel sa babaeng lumapit. Hindi nito karaniwang ginagawa iyon. Madalas na wala itong pakialam sa mga babaeng lumalapit sa mga ito. Kahit ang dalawang lalaki ay iba ang ngiting ibinigay sa babae. Sa ibang babae ay indulgent ang ngiti ng tatlo. Totoong ngiti ang ibinibigay ng mga ito ngayon. Pinagmasdan ni Hannah ang babae. She looked so ordinary. Wala naman siyang makitang espesyal sa panlabas na anyo nito. She was not that pretty. Her clothes were not fashionable. Who was she to deserve that kind of smile from Jeff Mitchel? Ngayon lamang niya nakita na nagningning ang buong mukha ni Jeff Mitchel. Nainggit siya sa babaeng hindi niya kilala dahil nginitian ito ni Jeff Mitchel nang ganoon. Sana ay dumating ang araw na ngitian din siya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD