2. Worthless

1649 Words
Chapter Two Nang nagising ako ay nasa kama na ako sa isang magarbong silid. Ang isang kamay ay nakaposas sa headboard ng kama. Kahit siguro payagan akong tumakas ay hindi ko pa rin magagawa dahil sa gintong posas na sa bawat galaw ko'y parang sumusugat sa akin. May dating sugat doon dala ng pagtali no'ng kinulong ako sa bodega. Ngayon ay parang mas lumala dahil posas na ang naroon. Muling gumala ang paningin ko. "T-ubig," paos na paos na ako. Dry na dry ang lalamunan at talagang kailangan na ng tubig. "T-ubig," sinubukan kong hilain ang kamay ko kahit pa magsugat lalo iyon. Para na akong nasisiraan ng bait dahil sa labis na gutom at pagkauhaw. Saktong bumukas ang pinto. Dalawang babaeng kasambahay ang dumating at may kasamang dalawang armadong lalaki. Ang isang lalaki ay lumapit at siyang nag-alis ng posas. "Huwag kang papalag para hindi ka masaktan. Paliliguan ka ng dalawang kasambahay para makababa ka't makakain," pagkarinig ko no'n ay para na akong sunod-sunuran. Hindi pumalag no'ng ipinasok na sa banyo. Itinutok ako sa shower no'ng naalis na nila ang lahat ng saplot ko. Wala na akong pakialam kung dapat bang inumin o hindi ang tubig na bumabagsak. Uhaw na uhaw na sinalo ng bibig ko ang mga patak at ininom. "Huwag iyan!" ani ng kasambahay. Agad ko namang itinikom ang bibig ko sa takot na may magalit sa action ko. "Uhaw na uhaw ka na ba? Doon na lang sa baba, ineng. Nakahanda na ang pagkain doon. Basta huwag ka lang magpapasaway ay tiyak na makakakain ka," sunod-sunod akong tumango. Bubusugin ba nila ako't papatayin pagkatapos? "Nanginginig ka. Huwag kang matakot sa amin. Kami naman ay mababait." Mabait? Sa ganitong lugar ay may mababait ba? Pamilyar sa akin ang mga Lucchetti. Palagi kong naririnig na pinag-uusapan nila daddy at ng mga uncle ko kung gaano kadelikado ang mga Lucchetti. Alam ko na kapag nagkamali ka ng kilos ay kamatayan ang pataw ng mga taong iyon. "Grabe! Ilang linggo ka na bang walang ligo, ineng? Ang dumi-dumi mo naman," komento ng isa. Napayuko ako sa labis na hiya. Kahit kasi paghilod ay hindi ko magawa ngayon dahil sa panghihina ng katawan ko. "S-orry po," mahinang ani ko. Natapos nila akong liguan ay agad akong binalot ng robe. Sila ang kumilos para sa akin. Binihisan din ako ng kulay puting bestida na abot hanggang sakong. Nakatulong ang pagligo ko. Medyo naging presko ang pakiramdam ko. "Ineng, kailangan nating ibalik ang posas sa kamay mo," ani ng isa. Nang iangat ko ang kamay ko na nakaposas kanina ay nag-alangan ang mga ito no'ng nakita ang sugat ko. "Dalian n'yo na!" biglang sigaw ng isang armadong lalaki. "Malala ang sugat niya. Pwede ba naming gamitin muna?" "Hindi na kailangan. Baka mainip si boss," binitbit na lang ng isang kasambahay ang posas. Inalalayan din nila akong lumakad palabas. Paglabas pa lang ay pansin ko na ang mga armadong lalaki na nakaestasyon sa bawat kanto. May mga baril din sila katulad ng dalawang lalaking nakabuntot sa akin. Pagbaba namin ay dumeretso kami sa dining room. May lalaking nakaupo sa kabisera at may hawak na diyaryo. Nang umabante pa kami ay saka ko lang nakita ang pamilyar na maskara. Kulay pulang maskara iyon na kakulay ng dugo. "Sit down," cold na utos ng lalaki. Agad naman akong iginiya ng dalawang kasambahay paupo. "Eat," pagkarinig ko no'n ay nagblanko na ang utak ko. Iisang salita lang ang nasa isip. Iyon ay ang sinabi ng lalaki. Eat. Dali-dali kong dinakot ang mga pagkaing pwedeng abutin at nagmamadaling kinain ang mga iyon. Hindi ko tinignan ang lalaki habang ginagawa ko iyon sa takot na pahintuin niya ako. Para akong patay gutom... well, sa mga oras na ito ay gano'n talaga ako. Maluha-luha pa ako sa bawat sayad ng pagkain sa bibig ko. Ibang klaseng gutom ang nararamdaman ko. Parang kaya kong ubusin ang mga pagkain sa harap ko kahit pa napakarami no'n. Iniisip ko na kasi agad kung makakakain pa ba ulit ako. Hindi ako pinigilan ng lalaki. Hinayaan ako nito sa mabilis na pagkain ko. Nang unti-unti akong nabusog ay bumagal na ako pero kumakain pa rin. Nakailang salin na rin ng tubig sa baso ko ang kasambahay na nakaantabay. Nang huminto na ay maluha-luhang tinignan ko ang lalaki. Titig na titig ito sa akin. Kung hinuhusgahan man niya ako sa paraan ko ng pagkain ay wala na akong pakialam doon. "S-alamat," mahinang ani ko rito. At least bago ako nito patayin ay nakakain pa ako. "P-apatayin mo na ba ako? P-wede bang sa paraang hindi masakit?" seryoso ako sa tanong ko pero tinitigan lang ako nito. Tiyak kong marunong magsalita ang lalaki pero bakit ngayon ay hindi man lang nito ibuka ang bibig niya? Naghintay akong magsalita siya. "Hindi pa," parang slow motion pa no'ng tumingin ako sa kanya. "Hindi pa, Cecilia Celestia. Pero darating tayo roon." Hindi naman nawala ang takot ko rito. Pero mas tumindi pa dahil sa sinabi nito. Agad akong lumuhod sa harap nito. "Kung papatayin mo ako'y pwede bang ngayon na? P-agod na p-agod na ako," nagmamakaawa kong ani sa lalaki. Kung mamamatay lang din naman pala ako ay pwede kayang ngayon na tutal doon naman patungo. Ngunit hindi ko akalain na madaling kausap ang lalaki. Pumikit lang ako at no'ng nagmulat ay may nakatutok ng baril sa noo ko. Mas lalo akong nanginig sa takot. Hindi pa man nakakabawi ang katawan ko ay ito na naman. "Cecilia Celestia, alam mo bang napakalaki ng kasalanan ng iyong ama sa akin?" agad akong umiling. "Hindi ko alam," tugon ko. Sinagot ko lang naman nito ang tanong ko pero ipinagduldulan na nito ang dulo ng baril sa noo ko. Hinawakan din nito ang panga ko at pwersahang pinanganga saka ipinasak ang dulo ng baril sa bibig ko. Napatitig ako sa lalaking nakamaskara. Nanginginig ako't naluluha sa takot. Pero hindi man lang yata nakunsensya ang lalaki na dahilan kung bakit nararamdaman ko ito ngayon. "Sobrang laki ng kasalanan niya sa akin, Cecilia Celestia. Kaya nga ikaw ang kinuha kong kapalit para makaganti sa kanya," ani ng lalaki na dahilan para naglakas ako ng loob na alisin ang baril sa bibig ko at itulak ang kamay nito. Saka ako tumawa ng nakakaloko habang nakasalampak na sa sahig. "Mali ka nang kinuha para makaganti sa kanya, Lucchetti," ani ko sa lalaki. "Nakikita mo ba ang itsura ko? Mukha bang mahalaga ito sa daddy ko?" tanong ko rito. "Pagganti pala ang gusto mong gawin bakit hindi mo pa tinuluyan ang mag-ina niya? Doon... doon ka tunay na makakaganti," pagak pa akong tumawa habang sunod-sunod na pumatak ang luha sa aking mga mata. Nang tignan ko ulit siya ay muli kaming nagkatitigan nito. "Kaya nga niya akong isakripsiyo para sa mag-ina niya. Kahit pa hindi niya tunay na anak si Vernice at hindi niya legal na asawa si Mama Alora ay handa niyang gawin ang lahat sa mag-ina na iyon. Habang ako? Wala siyang pakialam sa akin! Kaya... kaya kung gusto mo akong patayin... patayin mo na ako," ani ko saka ko inagaw ang baril. Wari'y hinayaan lang din naman nito na makuha ko iyon. Ang mga bantay na nasa dining table ay agad na naglabas ng baril at lahat sila'y itinutok sa akin ang mga baril nila. Ang naagaw kong baril kay Lucchetti ay itinutok ko naman sa sintido ko. "Gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito... ang lahat ng paghihirap ko. Pagod na pagod na ako," anas ko habang masagana pa ring tumutulo ang luha ko. "Worthless," anas ng lalaki. "Oo! Worthless nga. Matagal na. Kaya dapat lang wakasan ko na ang buhay ko," ani ko saka akmang kakalabitin na ang baril ngunit ilang segundo lang ay ito na ulit ang may hawak no'n. "Ano ba? Patayin mo na ako! Huwag mo ng patagalin pa," akmang susugod ako para kunin ang baril dito pero dalawang armadong tauhan nito ang humawak sa akin. "Sa tingin mo ba ay gano'n na lang iyon?" "Bakit? Gusto mo pa ba akong makitang magdusa? Hindi pa ba sapat ito na halos buong buhay ko ay nagdurusa ako? Hindi ka ba masa-satisfy sa paghihiganti mo sa nagawang kasalanan ni daddy kung mamamatay agad ako? Kahit mamatay ako sa pagpapahirap mo ay hindi naman maaapektuhan ang ama ko... wala siyang pakialam sa akin. Wala. Wrong move ka no'ng mas pinili mo akong kunin kaysa kay Vernice na hawak mo na." Prenteng umupo ang lalaki saka niya hinawakan ang maskara. Akala ko'y tatanggapin na niya iyon ngunit hindi niya itinuloy. "Sigurado ka ba talagang walang pakialam sa 'yo ang ama mo?" "Yes!" tugon ko rito. Sumenyas ito at inilapit naman ako ng dalawang lalaking may hawak sa akin. "Pwes, bibigyan natin siya ng pakialam," naguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Anong ibig mong sabihin?" hindi ito sumagot. Tumayo ito at lumakad na paalis. "Lucchetti!" sigaw ko rito. "Lucchetti, patayin mo na ako. Parang awa mo na." "Sshh!" saway ng kasambahay sa akin. "Huwag mong sabihin iyan. Gagawin n'ya talaga iyan sa 'yo. Mag-isip ka. Baka may chance pang palayain ka ni Boss Saint. Huwag mong galitin." "Manang, pagod na pagod na po ako," ani ko sa kasambahay. "Ikaw na lang po... patayin mo na po ako," hinawakan ko pa ang kamay ng ginang. "Gaga! Gagawin mo pa akong mamamatay tao. Tahan na. Balik na tayo sa kwarto," dahil hindi ako kumilos ay sapilitan na akong ibinalik ng dalawang armadong tauhan sa silid. Muli akong ipinosas kaya muli ko ring naramdaman ang sakit ng sugat sa wrist ko. Bobo siguro iyong Saint Lucchetti na iyon. Tiyak na sising-sisi iyon na hindi muna siya nag-imbestiga. Kung nag-imbestiga siya tiyak na hinding-hindi niya nanaisin na mapagpalit kami ni Vernice. Bobo siya. Kaya siguro nakamaskara bukod sa bobo ay pangit pa siya. Sa inis ko ay hinila ko ang kamay ko pero agad ding huminto dahil sumigid ang sakit sa wrist ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD