Chapter Three
What if tumakas na lang ako? Alam ko namang bantay sarado ang lugar na ito. Pero kahit naman kasi mag-stay ako o hindi sa lugar na ito ay alam ko naman ang kahahantungan ko. Kamatayan. Tanggap ko na iyon. Pinagmasdan ko ang kamay kong nakaposas. Iyong kabilang kamay ko na ang pinosasan nila habang ang kabila ay nakabenda na dahil ginamit kanina ng isang babaeng nakauniporme ng nurse pero nakakubli ang mukha sa maskarang suot.
Sa payat kong ito ay feeling ko'y maalis ko naman iyon kung pupuwersahin ko.
Gumawi ang tingin ko sa pinto. Kung sa bahay ni daddy ay sa bodega ako kinukulong sa tuwing galit siya, dito naman ay sa isang magarbong silid na sobrang tahimik.
Mas nakakabaliw ang ganitong katahimikan. Kompleto naman ang pagkain ko mula umaga hanggang gabi. Maayos ang tulugan kahit pa nakaposas ako. Pero gaano katagal akong ganito?
Gabi na naman. Tapos na akong maghapunan. Nakaidlip pa nga pero nang narinig kong bumukas ang pinto ay agad akong napabalikwas ng bangon.
"Sino ka?" iyon ang agad na tanong ko. Kahit kasi hindi ko pa nakita ang mukha ni Saint Lucchetti ay tanda ko naman ang katawan at tindig nito.
Hindi sumagot ang lalaki na nakapulang maskara. Lumapit ito at kinalas ang posas ko.
"Run, woman," cold na ani ng lalaki. Napatitig ako sa mata ng lalaki. Hindi nga ito si Saint Lucchetti. "Inutusan ko ang mga bantay sa right wing ng mansion. Ang daang tahakin mo ay left wing. Bukas ang gate kaya kung mabilis kang tumakbo ay makakalabas ka ng gate." Nabuhayan ako ng pag-asa. Kakampi ba ito? Hindi ko alam. Pero handa kong i-grab ang pagkakataon na ito para makatakas.
Nakabawi naman na ako ng lakas. Kaya ko nang tumayo at tumakbo.
Tumakbo ako palabas habang ang lalaki ay naiwan sa loob. Tinandaan ko lang ang sinabi nito na left wing lang ang daan. Gabi na. Mukhang marami sa mga kasambahay ay tulog na. Ang mga bantay ay wala sa mga pwesto nila.
Lakas-takbo ang ginawa ko. Hindi ako huminto kahit pa nananakit na ang paa ko. Gusto kong makatakas. Gusto kong subukan ang kakayahan kong lumayo.
Ngunit kahit gaano pa ako mabilis tumakbo ay mas mabilis pa rin ang dalawang malalaking aso na humahabol na sa akin. Hindi ko Sila agad napansin. Pero no'ng nakita ko sila ay nanginig talaga ako sa takot. Halatang kaya nila akong kainin ng buhay. Ang lalaki nila at nakakatakot sila.
Nang nahabol nila ako ay pareho nilang kinagat ang bestidang suot ko. Dahilan din para madapa ako kasama sila.
Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng bagsak ko.
"A-ray!" daing ko habang nanlalabo ang tingin dahil sa labis na sakit ng bagsak. Hindi naman ako inatake ng mga aso para saktan. Pagkatapos kong bumagsak ay umupo lang sila sa magkabilang gilid ko na para bang gwinagwardiyahan nila ako.
"Woman," ani ng lalaki. This time ay tiyak akong si Saint Lucchetti itong nasa harap ko. "Matigas pala ang ulo mo. Hindi ka marunong makinig."
"Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Pakawalan n'yo na ako." Hiyaw ko sa mukha ng lalaki na bahagyang tumawa. Nakamaskara pa rin siya pero nakuha niyang tumawa, tawang nakakakilabot.
"Ayaw mo ba rito, Cecilia Celestia? Malaki ang inuukupa mong silid. Kumakain ka tatlong beses sa isang araw. Bakit gusto mo pa ring umalis?"
"Dahil hindi ako dapat dito. May sarili akong buhay. Parang awa mo na. Palayain mo na lang ako."
"Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob, Cecilia Celestia. Nasa teritoryo kita pero hindi mo kayang mag-behave," hinawakan pa nito ang baba ko at iniangat. Nagkatitigan kami nito. "Sa lahat ng ayaw ko sa isang babae ay matigas ang ulo... mukhang kailangan kitang turuan ng leksyon. Hindi ako mabait, Cecilia Celestia. Ayaw na ayaw ko ng pasaway. Mukhang mana ka sa ama mo. Dahil naghahanap ka ng sakit ng katawan... pagbibigyan kita," ani nito sa akin. Bigla nitong hinaklit ang buhok ko kaya napatayo agad ako. Kung hindi kasi'y makakaladkad ako ng lalaki.
Sinubukan kong magpumiglas. Sinubukan ko rin siyang suntukin at sipain pero wala man lang epekto sa lalaki no'n.
"Pakawalan mo ako! Makatakas lang ako rito ay lagot ka talaga sa pulis," hiyaw ko. Sobrang lakas ng hiyaw ko pero parang bingi ang lalaki. Pumasok kami ng mansion. Nakasalubong pa namin ang lalaking nagtanggal ng posas ko kanina. Pasipol-sipol pa ito na para bang wala itong kinalaman sa binalik kong pagtakas.
Nakarating kami ni Saint sa silid na inuukupa ko. Pagpasok ay nagulat na lang ako ng punitin nito ang saplot ko.
Malakas akong napatili. May balak ba siyang pansamantalahan ako?
"Sorry na! Sorry! Huwag po!" iyak ko ay sinubukan itong sipain. Ngunit muli lang din nitong hinila ang buhok ko. Para hindi masaktan ay agad din akong nagpaubaya sa paghila nito sa akin. Dinala niya ako sa balcony. Wala na akong saplot na kahit isa. Hindi ko nga nagawang takpan ang kahubdan ko. Saka ko lang napansin ang isang mabigat na kadena sa balcony. Naintindihan ko agad kung anong pinaplano ng lalaki.
"Lucchetti, s-orry na. A-yaw ko rito. Sorry na." Pero bingi yata ang lalaki. Napaupo ako dahil pinakawalan na n'ya ang buhok ko. Sinimulan din niyang lagyan ng kadena ang paa at no'ng natapos doon ay kamay naman.
Hindi ito nakikinig sa pagmamakaawa ko. Kaya hinayaan kong ang galit na Ang mangibabaw sa akin.
"T-angina mo! Tangina ninyong lahat! Mamatay na sana kayong lahat!" hiyaw ko. Wala akong pakialam kung buong mansion ang makarinig. "Wala akong kasalanan sa inyo pero bakit ginagawa ninyo sa akin ito?" ang luha ko'y sunod-sunod na pumatak. "Ang sama n'yo! Wala kayong puso!" gigil na sigaw ko pang muli. Ngunit galit lang na piniga ni Lucchetti ang panga ko.
"Masama? Oo, Cecilia Celestia! Masama akong tao. Nandito ka sa impyerno kaya huwag kang maghangad ng langit dito. Masama? Baka kapag nalaman mo ang kasalanan ng ama mo sa akin ay ma-realize mo agad na mas higit siyang masama kaysa sa akin," pagak pa itong tumawa. Marahas nitong binitiwan ang panga ko. Ang sakit-sakit no'n. "Dito ka hanggang sa humupa ang galit ko... kung mamatay ka man sa balcony na ito... masayang mag-aagahan bukas ang mga alaga kong hayop."
"L-ucchetti," takot na bigkas ko.
"Nagpapagala-gala lang ang mga tigre at lion sa likod ng mansion na ito. Kaya rin nilang akyatin ang silid na ito. Oras na marinig ka nila... asahan mong magiging pagkain ka nila."
Lion at tigre? Agad kong inabot ang kamay ng lalaki.
"I'm sorry... h-uwag mo akong iwan dito. P-arang awa mo, Lucchetti," hindi pa ako nakuntento. No'ng tumayo ito ay yumakap pa ako sa hita nito pero tinabig lang niya ako.
"Kung dito ka man sa malamig na balcony na ito mamatay... magiging masaya ang puso ko, Cecilia Celestia," ani ng lalaki. Nang tumalikod ito at isara na ang sliding door ay napatulala na lang ako.
Walang saplot. Malamig ang floor tiles. Malamig ang hangin. Mas lumala pa no'ng nagsimulang bumuhos ang ulan. Hindi ako makalayo dahil maiksi lang ang kadena. Nang nagsimulang umanggi dahil sa malakas na buhos ng ulan ay wala na akong nagawa pa kung 'di yakapin na lang ang tuhod ko at tahimik na umiyak.
Nangininig na ako. Iniinda ko pa ang masakit kong tuhod.
"Bakit ba ang lupit-lupit ninyo sa akin? Mommy, kunin mo na kasi ako," parang batang usal ko habang nakayukyok sa tuhod ko. "Bakit ako ang kailangan mag-suffer sa kasalanan ng daddy ko? Bakit ako ang sinisingil nila, mommy?" na para bang sasagot ang aking ina na matagal ng wala sa buhay ko at sa mundong ito. "Mommyyy, sana kasi isinama mo na lang ako. Ang hirap-hirap dito. Simula no'ng nawala ka'y hindi ko na alam iyong pakiramdam kung paano maging masaya. Hirap na hirap na po ako."
Napahikbi pa ako pero agad ko ring itinigil ang pagsasalita kong mag-isa nang nakarinig ako ng kakaibang tunog. Parang gigil na gigil na tigre. Seryoso? Meron talagang gano'n dito? Maingat na gumapang ako palapit sa railings ng balcony. Sinubukan kong silipin ang ibaba kahit pa basa na Ang sahig dahil sa ulan.
Napakagatlabi ako nang nakumpirma kong tama nga ang sinabi ni Saint. May tigre nga rito.
Dumagdag pa iyon sa takot ko. Kaya no'ng bumalik ako sa tuyong parte ng balcony ay nanahimik na ako. Giniginaw na talaga ako. Nasa malambot na kama sana ako kung hindi ko lang pinakinggan iyong lalaking pumasok ng silid ko at nagpakawala sa akin. For sure tuwang-tuwa iyon ngayon na ganito ang sitwasyon ko.
Habang mas lumalalim ang gabi ay mas palamig nang palamig.
Nang hindi ko na kayang umupo ay humiga na lang ako sa sahig. Pero namaluktot pa rin dahil sa matinding lamig.
Sinubukan kong itulog na lang ang sitwasyon ko. Kahit malamig at walang saplot. Kahit nakakatakot ang buhos ng ulan, kulog, at kidlat.