Chapter Four
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat ng ito. Nakatulog ako kagabi sa malamig na sahig at nagising na naroon pa rin. Walang saplot at pakiramdam ko'y pumasok na sa katawan ko ang lahat ng lamig. Inuubo na rin ako at pakiramdam ko'y lalagnatin pa.
"T-ulong," mahinang ani ko. Pero may makakarinig ba sa akin? Possible mga tigre at lion. Pero tao? Baka magbingi-bingihan pa sila. Tiyak na Ang pandinig nila ay para lang sa boss nila... sa demonyong Saint Lucchetti na iyon.
Mukha ring nakalimutan na ako ng mga tao. Sumapit ang umaga at tanghali pero wala man lang dumalaw sa akin dito. Mas lalong lumala ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko na magpaliwanag pa ang nararamdaman ko.
Pagsapit ng gabi, saka lang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi ko na makuhang imulat ang mga mata ko pero naririnig ko pa naman sila.
"Diyos ko!" bulalas ng isang babae. Tiyak kong isa siya sa nag-asikaso sa akin no'ng nagdaang araw. Dalawang tao ang tiyak kong pumasok. Binuksan ang sliding door sa balcony at saka binalot agad ako ng comforter.
"Cecilia, buhay ka pa ba?" concern na tanong ng isa. "Hija, dilat ka. Gumising ka."
"Kagabi pa siya rito, Manang. Ngayon ay gabi na ulit. Umulan pa kagabi. Ang taas ng lagnat niya," ani ng isang kasama.
"Ito iyong susi ng kadena. Alisin mo na at tulungan mo akong ipasok siya."
"Hingi na lang po tayo ng tulong sa bantay. Balutin na lang po nating mabuti ang katawan ni Cecilia," nagtulong sila. Binalot nila sa akin ang comforter. Hindi ko na sila matulungan na gawin iyon dahil wala ng lakas ang katawan ko.
Tinawag ng Isa ang gwardiya. Nang dumating ay agad akong binuhat at dinala sa kama. Akmang poposasan sana ako ay inawat na ito ng dalawang babae.
"Hindi iyan tatakas. Kami na ang bahala," saway ng isa.
"Tumakas kagabi iyan kaya pinarusahan ni Boss Saint. Kung tatakas ulit iyan ngayon ay mapapahamak tayo---"
"Hindi na nga makatayo!" asik ng isa. "Bulag ka ba? Kami na ang bahala. Hindi naman namin hahayaang makatakas siya," at kahit tulungan pa nila ako ay hindi ko rin naman magagawang tumakas. Wala na talaga akong lakas na kumilos pa.
"Jeky, tumawag ka ng doctor. Kailangan maipasuri natin si Cecilia," ani ng mas nakatatanda.
"Manang Linda, bihisan po muna natin siya." Nagkasundo ang mga ito na asikasuhin muna ako.
"Lantang gulat na siya. Jeky, pagkatapos mong tumawag ng doctor ay maghanda ka ng pagkain. Kailangan n'yang makakain. Iyong may sabaw para makabawi agad ng lakas."
"Sige po, Manang!" natatarantang ani ni Jeky saka ito lumabas.
"Hija, anong nararamdaman mo?" umupo sa gilid ng kama si Manang Linda. "Nabalitaan ko na tumakas ka raw kagabi kaya ka pinarusahan ng alaga ko. Anak, huwag mo nang ulitin iyon ha. Huwag mong galitin si Saint dahil masama magalit ang batang iyon." Marahan nitong hinagod ang buhok ko. Saka naman tumulo ang luha ko.
"M-anang, p-atayin mo na po ako," kahit hirap ay iyon talaga ang mga katagang sinabi ko sa ginang. Nagmamakaawa. Baka sakaling ito na ang makatulong sa akin para matapos na ang paghihirap ko.
Agad itong umiling.
"Alam kong nahihirapan ka, Cecilia. Pero kailangan mong maging matapang. Hindi ko alam kung ano ang plano sa 'yo ni Saint. Hindi ko rin alam kung bakit galit na galit ang alaga ko sa ama mo. Pero baka sakali pang magbago ang isip niya, hija. Kailangan magpakatatag ka. Kakausapin ko rin si Saint na huwag kang parusahan---"
"Makikinig ba sa 'yo iyon? Demonyo ang alaga mo, Manang. D-emonyo. Walang puso. Dapat sa taong iyon ay bumalik na sa impyerno." Gigil na anas ko kahit pa hirap na hirap akong magsalita. "B-akit hindi na lang niya tapusin ang paghihirap ko? M-asaya ba siyang pinaglalaruan niya ang buhay ko?" mas lalong bumuhos ang luha. Ang bigat-bigat sa dibdib. Iyon pa lang pagkadena niya sa akin sa balcony na walang saplot ay pati dignidad ko'y hinubad na niya. Demonyo siya.
"I'm sorry, Cecilia. Wala akong magawa, ineng. Ang kaya ko lang gawin ay ang alagaan ka rito sa mansion."
Tumalikod ako rito. Wala namang kasalanan sa akin ang ginang. Pero ang sama-sama kasi ng loob ko. Kaya pati mga taong wala namang kasalanan ay damay.
Dumating ang doctor. Sinuri niya ako. Nagreseta ng gamot at mahigpit na ibinilin sa dalawang kasambahay na kailangan kong inumin ang mga iyon. Kailangan tamang oras din ang kain.
Pagkatapos akong suriin ng doctor ay nilinis naman niya ang sugat ko sa wrist. Bago siya umalis.
"Kain ka na muna, Cecilia," ani ni Jeky. "Puro healthy food itong dala ko. May fresh juice pa. Iyong sabaw rin ng ulam ay mainit-init pa. Sige na, halika na."
Gutom na gutom na ako kaya naman pinilit kong bumangon. Dahil walang lakas ay sila na rin ang nagpakain sa akin. Panay ang buntonghininga ni Manang sa tuwing hinahabol ko ang kutsara na para bang hindi pa sapat ang pagkain sa bibig ko.
"Kain nang kain, Cecilia. Lumaban ka, ineng. Hindi pa katapusan ng mundo. May awa ang Diyos na magiging maayos din ang lahat," ani nito. Nang uminom ako ng tubig ay isang inuman lang ang isang basong tubig. Uhaw na uhaw din kasi talaga ako.
"Dito na lang ako matutulog mamaya para may kasama ka," ani ni Manang.
"Ako rin, Cecilia. Aalagaan kita. Dito ako matutulog mamaya."
"Baka maparusahan din kayo. Saint man ang pangalan ng boss ninyo ay demonyo naman ang ugali. Baka sa inyo ipasa ang galit niya," worried na ani ko rito.
"Hindi iyon. Magpapaalam kami ng maayos," ani ni Manang Linda.
Pagkatapos kong kumain ay pinainom nila ako ng gamot. Saka sila saglit na lumabas.
Nang bumukas ang pinto ay Akala ko'y sina Manang na kaya agad akong napatingin. Ngunit hindi pala.
Hindi rin naman si Saint.
"Hi, Cecilia!" bati ng lalaking nakamaskara na tuluyang pumasok sa silid. "Natatandaan mo ba ako?" ito iyong lalaking dahilan kung bakit naparusahan ako. Oo, isisisi ko sa kanya ang nangyari. Kasalanan niya.
Tinitigan ko lang ito. Walang tugon dahil tiyak ko na mumurahin ko lang din naman ito. "Bakit naman kasi hindi mo ginalingan sa pagtakbo?" painosente pang tanong nito. Tiyak namang alam nitong may mga naglilibot na aso sa malawak na compound na ito. "Nahuli ka tuloy ni Saint at naparusahan," sabay tawa na para bang ang saya-saya niyang naparusahan ako.
"I hate you," cold na ani ko sa lalaki.
"You hate me? Why? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo, Cecilia Celestia. Kung mayroon man... for sure hindi naman siguro masama," humagod ang tingin niya sa akin. "Kaya mo bang tumakbo nang mabilis? Kasi kung bibigyan ako ng chance na makalaro ka... isasali ko ang mga alaga namin. Tigre, lion, at aso. Exciting."
Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong pero hinila lang din naman niya iyon at itinapon sa sahig ang kumot ko. Hinila rin nito ang binti ko at akmang papatong sa akin. Pero nagpumiglas ako rito. Ngunit malakas na suntok sa sikmura ang inabot ko.
"Brat!" inis na ani ng lalaki. Ngayon ay nasa akin na ang buong bigat nito. Hindi ako makapiglas pa at kung ano man ang balak niya ay hindi ko na kaya pang pigilan siya.
"One... two... Three..." bilang ng lalaki na nasa ibabaw ko bago bumukas ang pinto at lumakad papasok si Saint. Agad na tinutukan ng baril ang lalaki sa ibabaw ko na tatawa-tawa namang umalis.
"Heay, Saint! Inakit lang ako ng bihag mo. Hindi siya ang tipo ko pero pwede ko rin namang pagtiisan. Lalaki lang ako," napabungisngis pa ito. Habang ako'y takot na takot na napaatras sa pinakagilid ng kama.
Si Saint na ay kumilos. Itinutok niya ang baril sa tapat ng noo ng lalaking katulad nito'y nakamaskara rin.
"Hindi rito ang playground mo, Lucifer. Leave or die?" kapatid ni Saint ang lalaking tinawag nitong Lucifer. Hindi ko man sila kilalang-kilala ay naririnig ko naman na sa daddy at mga uncle ko ang mga pangalan nila.
"Of course leave, brother," saka nagtaas ng dalawang kamay na wari'y sumusuko siya. Nang ibaba niya iyon ay lumakad naman si Lucifer palapit kay Saint.
"Kill her, brother. Hindi matutuwa si dad kung may alaga kang posibleng maging ahas sa grupo."
"Leave," mariing ani ni Saint.
"Kung hindi mo kaya... pwede ako na lang ang gagawa. Sobrang matulungin naman ako," saka ito tuluyang umalis. Ilang saglit ding walang kakilos-kilos si Saint. Nang lumingon na ito sa akin ay nagkatitigan kami.
"Papatayin mo na ba ako?" tanong ko rito. "Pwede bang dito na agad?" turo ko sa noo ko. "Alam mo naman na... puro na lang hirap ako rito sa lupa. Kaya padaliin mo na lang ang lahat sa akin. Kung papatayin mo ako ay barilin mo ako rito sa noo."
Humakbang palapit ang lalaki. Saka nito itinutok sa akin ang baril.
Nakipagtagisan din ako ng titig dito.
"Sige na. Go. Patayin mo na ako," palabang ani ko sa lalaki. "Hindi ako takot. Kalabitin mo na iyan. Dito mismo itutok," itinuro ko pa ang noo. Ngunit hindi kumilos ang lalaki. "Ano ba?" hiyaw ko rito. "Kill me! Kill me, Saint Lucchetti!" ngunit hinawakan lang nito ng mariin ang panga ko. Sobrang lapit na namin. Nasasaktan ako sa paraan nito ng paghawak pero hindi ko naman tinanggal iyon.
"I'll do that, Cecilia Celestia. Pero hindi pa ngayon. May kailangan ka pang gawin para sa akin," ani nito saka binitiwan ang panga kong hawak nito. "Kailangan mo muna akong pakasalan," para akong nabingi sa sinabi nito. Ano raw?