5. Surrender

1778 Words
Chapter Five "Ha?" iyon talaga ang unang lumabas sa bibig ko. Never pumasok sa isip ko na maririnig sa lalaking ito ang katagang iyon. "Marry me, Cecilia Celestia. Kung gusto mong mabuhay pa at makapaghiganti sa ama mo ay pakasalan mo ako," napakurap-kurap ako. Tama ba talaga ang naririnig ko o dahil masama lang talaga ang pakiramdam ko? Tinitigan ko itong mabuti. "Damn it! Talk, Cecilia Celestia!" mariing ani nito. Saka lang ako natauhan. Hindi ako nagkakamali ng dinig. Tama ang narinig ko. "Marry you?" tanong ko. "Are you stupid?" "No... what do you mean, Lucchetti? Marry you?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. Parang nauubusan ito ng pasensya. Tumalikod na lang basta at umalis. Napatulala pa ako. Nang pumasok sina Manang ay tulala pa rin ako. "Cecilia, narinig namin iyong sinabi ni Boss Saint. Sa tingin ko opportunity sa iyo iyon." "Opportunity? Paanong naging opportunity sa akin iyon?" naguguluhang tanong ko. "Kasi kung magiging asawa mo si Saint ay hindi ka na malalagay sa ganitong sitwasyon," tukoy nito sa kalagayan ko ngayon. "Kung may mga tao kang balak balikan na may kasalanan sa 'yo ay magagawa mo na silang balitan. Kapag naging isang Lucchetti ka ay wala ng aapi sa 'yo," na wari'y sa bawat salita nila ay kinukumbinsi niya akong tanggapin ang alok ng amo nila sa akin. Umiling ako. "Hindi po ako magpapakasal sa demonyong iyon. Mas pipiliin ko na lang pong mamatay kaysa makasal sa demonyo---" "Sige. Kung gusto mong mamatay na ay pwede ka namang tumalon d'yan sa balcony ng silid mo. Tiyak na makakain ka kaagad ng mga lion at tigre d'yan. Tapos agad ang paghihirap mo," masungit na ani ng matanda. Natigilan ako. Lagi ko mang sinasabi na patayin na nila ako... may parte sa akin na gusto ko pa rin namang mabuhay at makaalis na sitwasyon na ito. "Mag-isip ka, Cecilia. Kung kailangan maging tuso ka ay gawin mo. Kung hihina-hina ka sa mundong ito ay ikaw lang din ang matatalo. Think, Cecilia." May point si Manang. Pero kung makasal kami ni Saint... anong kapalit no'n pagkatapos? For sure katawan ko. Iyon lang naman ang mahihita ng lalaki sa akin. "Hija, kung inaalala mo na aabusuhin ka ni Saint kapag kasal na kayo ay nagkakamali ka. Kailangan lang ni Saint ng asawa. Kung iniisip mong baka gamitin ka lang niya sa kama... pwede n'yong pag-usapan iyan. Maraming babaeng nagkakandarapa kay Saint. Hindi ako pabor na magkababae siya pero kung ayaw mong makipag-s*x sa kanya ay may way naman. Maraming babaeng pwedeng magbigay ng pangangailangan niya. Gusto lang kitang mabuhay, ineng," ani ng ginang na para bang nababasa niya ang sinasabi ko. Kung sa papel na kasal lang... pwede kong i-consider iyon. Wait! No! No way. Baka tuluyan na akong masiraan ng bait. Gumawi ang tingin ko sa balcony. Kaso pinitik ng matanda ang noo ko. "Ouch!" daiing ko. "Gaga ka! Anong tinitingin-tingin mo sa bintana? Mas kaya mo bang i-consider ang pagtalon sa bintana at kainin ng mga lion?" pinanlakihan pa ako nito ng mata. Nakakatakot si Manang Linda. "Napatingin lang eh," mahinang reklamo ko saka napalabi pa. "Gamitin ang utak, Cecilia. Kasi kung patay ka na... sayang naman ang utak na iyan kung hindi gagamitin. Gets mo?" tumango naman ako. "Kaya mag-isip kang mabuti, ineng. Gamitin mo iyang ganda at utak mo para makamit mo ang kalayaang inaasam mo," muli akong tumango rito. Hays. Dahil sa usapang ito ay parang mas lalong sumama ang pakiramdam ko. -- Nagising ako na may dextrose na ako. Matulog ako ng gabi, nagising ako na pagabi na. "Diyos ko! Buti naman at gising ka na, Cecilia!" ani ni Jeky na agad umupo sa gilid ng kama ko. Sinalat nito ang noo ko at nakahinga siya ng maluwag. Bumangon ako. Agad ding hinila ang nakakabit na dextrose sa akin. Napatili pa si Jeky sa ginawa ko. Masakit iyon pero umakto akong hindi nasaktan. "Gaga ka! Bakit hinila mo?" may dugo pa nga pero binalewala ko na lang. "Anong nangyari?" tanong ko rito. "Aba'y hindi ka naming magising. Sinuri ka ng doctor kaninang umaga. Kaya may ganyan ka. Tapos inalis mo naman. Dumating dito si Boss Saint kanina at balak ka sanang kausapin. Pero wala... daig mo pa ang na-comatose." "Nanghinayang siguro siya at buhay pa ako," mahinang ani ko. "Leave," pareho kaming nagulat ni Jeky sa tinig ng lalaki. Pareho kaming kumilos ni Jeky. Magkahawak pa ng kamay na lumakad. Nang nasa tapat na ako ni Saint ay hinawakan nito ang braso ko. "Where are you going?" salubong ang kilay na tanong nito sa akin. Nagkatinginan kami ng babaeng katabi ko. "Ay, gagi ka! Saan ka pupunta?" tanong ni Jeky sa akin. "Sabi niya leave raw," sagot ko naman dito. "Ako lang. Balik ka roon," inalalayan niya ako pabalik sa kama. Saka siya dali-daling umalis. Ito pa ang nagsara ng pinto at naiwan kami ni Saint. Nang tingalain ko ang nakatayong lalaki ay napabuntonghininga ako. "Para saan ang buntonghininga na iyan?" tanong ng lalaki sa akin. "Seryoso ka ba talaga sa alok mo?" tanong ko rito. "Yes, Cecilia Celestia. When I said that, I was serious. Will you accept my proposal to you?" umupo ito sa gilid ng kama. "Pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo akong pakasalan?" "No." Napangiwi ako sa naging sagot nito. "Pwede bang pag-isipan ko munang mabuti ito?" "Sure. Pag-isipan mo. Pero makakatulong sa pag-iisip mo itong sasabihin ko. Kung pakakasalan mo ako'y mabubuhay ka... kung ayaw mo naman ng kasal na inaalok ko ay pwede ka nang dumeretso sa likod ng mansion na ito." Pinanlakihan ko ito ng mata. Gago. Kung hindi ko siya pakakasalan ay kamatayan agad ang haharapin ko. Demonyo talaga. Gusto kong ihampas iyong unan na nasa tabi ko sa lalaking nagkatawang tao pero demonyo talaga. "Sige," sang-ayon ko. Napatingin ito sa akin. "Akala ko ba'y pag-iisipan mo muna?" takang-taka pa talaga ito. Gago ba talaga siya? "Tangina ng choices, Lucchetti. Kung may iba pang option ay tiyak na hindi ako papayag sa kasal. Pero gano'n option ang ibinigay mo sa akin. Pakakasalan kita. Pero bago iyon ay kailangan muna nating mag-usap sa mga limitations ng marriage na ito," giit ko. "Magpapakasal lang tayo at aaktong mag-asawa sa harap ng pamilya ko. Sa papel lang, Cecilia. Kung naisin ko mang angkinin ka ay nasa akin ang desisyon." "Wala sa akin?" takang ani ko. "Wala," parang gusto kong tumanggi. Pero kapag gawin ko naman iyon ay dederetso na ako sa likod ng mansion na ito. "I own you, Cecilia. Bihag kita rito. Wala kang say sa kahit na anong bagay rito. Kahit makasal tayo ay walang magbabago sa estado mo rito sa mansion na ito. Bihag pa rin kita. Salita ko ang batas. Magiging malaya ka lang at makakalabas ng silid na ito pero hindi ka pwedeng lumagpas sa gate ng lugar na ito ng hindi ako kasama." "Gano'n din... mas better pang mamatay na lang---" "Then go... die, Cecilia Celestia," nakakakilabot ang tinig na ani ng lalaki. Sinamaan ko ito ng tingin. "Fine! Fine! Pero baka naman pwedeng pagbigyan mo ako sa isang request ko." "What is it?" "Kung balak mo akong gamitin sa kama... ako lang dapat at wala ng iba. Pero kung balak mong magpalipat-lipat ng kandungan ay huwag na huwag mo akong hahawakan," seryosong ani ko sa lalaking matiim akong tinitigan. Hindi ko makita ang buong reaction nito sa tinuran ko. Tanging mata lang kasi ang kita ko dahil sa pulang maskara niya. Tumawa si Saint Lucchetti. May nakakatawa ba sa sinasabi ko? "Hindi kita mapagbibigyan d'yan, Cecilia---" "Iyon na lang ang respetong ibigay mo sa akin, Saint. Kung ayaw mo'y bahala ka," bumaba ako ng kama at mabilis na lumakad patungo sa balcony. Mabilis ang kabog ng puso ko. Hindi ako tiyak sa gagawin ko pero susubukan ko. Sumampa ako sa railings. Tumingin ako sa baba. Nakita ko agad ang dalawang tigre na natutulog sa ibaba. Nanlaki ang mata ko. Tumalon man ako rito ay tiyak pilay lang ang aabutin ko. Pero kung magising man sila ay tiyak tapos agad ang buhay ko. "I'm waiting, Cecilia Celestia. Jump." Wala talagang puso ang lalaking ito. Maingat akong umikot at hinarap ito. Bahala na talaga. Mamatay na lang talaga kung mamatay. "Kung magiging malaya ako sa gagawin ko... at least hindi ako mandidiri sa sarili ko," seryosong ani ko saka tumalikod dito at balak ko na sanang tumalon ngunit isang braso ang pumulupot sa bewang ko at pwersahan akong inalis sa pasimano. "Ano ba, Lucchetti?" hiyaw ko't sinuntok-suntok ang likod nito. Pinasan ba naman ako at nang nakapasok na sa kwarto ay ibinagsak niya sa kama. "Ako ang magdedesisyon kung pwede ka ng mamatay, Cecilia. Gusto mong ngayon na? Sige. Pero dapat mag-enjoy muna ako," inis na ani nito saka muli akong pinasan at inilabas ng silid. Sinuntok-suntok ko ang likod niya. "Hijo, saan mo dadalhin ang dalaga?" tarantang habol ni Manang Linda. "Saint Luther!" hiyaw nito pero hindi ito pinakinggan ng lalaki. Patungo yata kami sa likod ng mansion. "Lahat ng mga delikadong hayop ay pwede mong makita sa likod ng mansion na ito. May gubat sa dulo ng lupain. Oras na makarating ka roon ng buhay ay malaya ka na. Sige. Lakad." Inilapag niya ako sa lupa. Pagtingin ko'y nasa likod na nga kami ng mansion. Nakita ko pa ang unti-unting pagbangon ng dalawang lion na wari'y naistorbo sa pagtulog nila. Lumakad patungo sa bench ang lalaki. May binocular na nakalapag doon. Dinampot niya at mukhang iyon ang balak niyang gamitin para panoorin ako. "Ang gago mo talaga!" hindi ko na napigilang umiyak. Right. Wala talaga akong karapatang mag-demand. "Bakit ba wala akong karapatan na magdesisyon sa buhay ko? Bakit ba ang lupit-lupit ninyong lahat sa akin?" hiyaw ko rito. Nagalit ang mga tigre. Nagpakita pa ng mga ngipin nila. Mas lalo akong naiyak. Nangangatog dahil sa takot. What if kung kumilos ako ngayon ay lundagin nila ako? "Desisyon mo kung pakakasalan mo ako o hindi, Cecilia Celestia. Enough with the drama. Wala akong panahon panoorin kang nagdradrama sa harap ko." "Desisyon ko nga pero kung hindi naman ako papayag ay mamamatay naman ako." "At gusto mo rin naman iyon 'di ba?" "Hindi!" napangawa na naman ako. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng lalaki. "So, will you marry me?" hindi ko alam kung naaaliw ba ito sa itsura ko ngayon na parang batang nahihirapang pumili sa dalawang candy na nakalatag sa harap. "O-oo na lang," humihikbi pang ani ko rito. "I-alis mo na ako rito. I'm s-cared," amin ko. Tumango-tango ang lalaki. Nang lumapit ito ay muli akong pinasan nito. Hilong-hilo na ako dahil sa paraan niya nang pagbuhat. Ito siguro talaga ang kapalaran ko. Ang maging asawa si Saint Luther Lucchetti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD