Chapter Ten "Ay, ang gwapo!" hindi ko napigilang bulalas dahilan para umangat ang sulok ng labi ng lalaki. Ang hot ni Saint Luther Lucchetti. "Ang perfect ng face mo, Saint. Ang galing ng magulang mo sa sa pagbuo sa 'yo. Ang hindi lang nila naperpekto ay ang ugali mo. Sayang." Nagsalubong ang kilay ng lalaki na masama ang naging titig sa akin. Pero gwapo pa rin kahit salubong ang kilay. "Dahil sa kanila ako nagmana, Cecilia Celestia. Pati ugali. Kung demonyo ako sa paningin mo... asahan mo ring gano'n ang mga taong pinagmanahan ko," saka ito umalis at iniwan ako sa kwarto. Napatulala na lang ako habang nakatitig sa pinto. Gwapo si Saint. Pero aanhin ko ang kagwapuhan nito kung demonyo naman? Pabagsak na humiga ako sa kama. Magiging Mrs. Lucchetti na ako bukas. Wala ng atrasan

