Chapter Nine Nagamot na ang mga sugat ko. Nakapag-shower na rin ako. Ngayon ay kakain na ng agahan. "Kain nang kain, Cecilia. Nalalapit na ang kasal n'yo dapat medyo magkalaman ka. Ang payat-payat mo." Hindi ako nagda-diet. Pero dahil nalilipasan ako ng kain ay bumagsak ng ganito ang katawan ko. "Ang sarap po nang luto n'yo, Manang," ani ko sa matanda. Tahimik lang si Saint na nakaharap sa laptop niya. Narito siya sa dining room. Ako lang itong kumakain. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Kapag gusto mo pa'y ikukuha pa kita sa kitchen," tumango naman ako. "Si Saint po ba hindi po ba siya kakain?" tanong ko. Naka-earpods naman ang lalaki. For sure hindi rin naman ito naka-focus sa akin. "Oo. Kumain na siya kanina." "Manang, sana sa susunod na kain niya ay mabilaukan siya," napasinghap a

