Chapter Sixty-nine "Dadalo tayo sa gala na ang nag-organize ay si Mrs. Aurelia Franceska Monte Ciento. Nakatanggap kami ng imbetasyon at nais niyang dumalo tayong lahat," ani ng ginang. "Mom, hindi ko isasama si Cecilia kung dadalo man tayo," napasimangot na kinalabit ko ang asawa ko. "Bakit hindi ako kasama? Nahihiya ka bang isama ako?" tanong ko rito. "Wife, of course not! Pero masyadong delikado kung isasama kita roon. Tiyak na hindi lang mga negosyante at politiko ang dadalo roon. That woman... siya ang reyna ng underground. Tiyak na hindi lang ang Lucchetti Mafia ang inimbitahan nila. Malaman pati na rin ang ibang mafia na kalaban namin. Kaya delikado." "Wow!" bulalas ni Sage. "Sobrang haba nang sinabi mo, Saint," na para bang never ginawa iyon ng kapatid niya kaya amaze na am

