68. Lunch date with the Lucchetti

1509 Words

Chapter Sixty-eight "Sis, gusto mo ba ng cat?" naghahanda kami ni Saint. Paalis kami. Kikitain namin ang mga Lucchetti. Maglu-lunch kami sa isang restaurant. Ang text ni Lucifer ay ipinakita ko kay Saint. "Anong sasabihin ko, Saint?" tanong ko rito. "Gusto mo bang mag-alaga ng pusa?" napaisip ako. Hindi ako sigurado kung ready na ba akong mag-alaga. Trauma ang inabot ko sa pagkawala ni Mochi. I'm not sure kung kaya ko na. Muling nag-message si Lucifer. Isang larawan ng pusang tao o taong pusa. Napasimangot ako. Ginagago ba ako ni Lucifer? Sumilip si Saint sa phone ko. "Gago talaga," ani nito. Agad akong nag-reply. Larawan din ang reply ko sa in-send nitong larawan. Middle finger ko lang naman iyon. Napabungisngis si Saint na bitbit na ang heels ko at iginiya ako paupo sa gilid ng kama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD