Chapter Sixty-seven Hindi na kami natuloy sa pag-alis. Wala ng bakasyon dahil hindi ko na rin naman iyon mae-enjoy pa. Nang sabihin ko kay Saint na nais ko na lang ipagpatuloy ang training ko ay agad itong pumayag. Ilang araw lang ay sumulpot na si Nevara at nagpatuloy kami sa training. Isang buwan na lang naman at tapos na ang kontrata nito sa akin. Driving. Iyon ang pinagkaabalahan namin ni Nevara. Lumalabas kami ng mansion para lang makapag-training ako nang maayos. Nang lumabas ng bansa si Saint kasama si Lucifer ay mas lalo akong nag-focus sa training ko. Alam ko na habang lumilipas ang mga araw ay may pagbabago sa akin. Pagbabago na kailangan ko para sa sarili ko. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang matulin ang takbo. Ilang tracks na ang nalagpasan ko. Mabilis ang bawat

