Chapter Sixty-six "Sinadya ko. Alam kong makakalabas ang kambing na iyon at makakain ng mga lion. Ano naman? Kambing lang iyon, Cecilia. Iiyakan mo? Naging maayos lang ang tungo sa 'yo ni boss ay naging maarte ka na! Hindi ikaw ang reyna ng mansion na ito. Darating ang panahon na babalik ang tunay na reyna... at mapapalayas ka. Mawawalan ka ng lugar dito," pigil-pigil ko pa rin ang kamay nito para hindi nito malapit sa akin ang kutsilyo. "Jeky?" umiiyak na ani ko. Parang mas lalong winawasak ang puso ko. Hindi na lang dahil sa kambing kung 'di sa friendship na nabuo namin ni Jeky pero para sa kanya ay wala lang pala iyon. "Pagbalik ni Seniorita Avione... mawawalan ka na ng lugar. Siya ang dapat nasa pwesto mo." "Shut up, Jeky!" galit na ani ni Saint. Lumapit ito at sinubukan kunin a

