Chapter Twenty-five Narito ako sa public bathroom. Medyo malayo ang nilakad namin ni Saint makarating lang dito. Nakasunod naman ang mga bodyguard pero may distansya. Bago ako pumasok ng banyo ay in-check muna ng mga bantay ang paligid. Nang natiyak na safe ay pumasok na ako. Sa isang cubicle na malinis naman ay pumasok ako't umihi. Pero habang ginagawa ko iyon ay nakikinig din ako sa tsismisan. "Ang laki na pala ng improvement ng park na ito. Grabe. Magkano kaya ang nagastos sa mga paso at mga halaman? Kailan pa nila nilagyan ng mga paso ang park?" "Kanina," sagot ng isang babae. "Kanina?" takang ani naman ng isa. "Oo. Nagulat nga rin kami. Ang daming mga truck na dumating at nagbaba ng mga paso at halaman. Ang balita ko'y pina-set-up daw ng mayamang lalaki para pagdating no'

