Chapter Forty-two Maraming tao hindi katulad no'ng kami ni Saint ang nagpunta. Ngayon mas normal ang lahat. Busy sa pamimili at pamamasyal ang mga taong narito. "Halika na, Cecilia," yaya ni Nevara sa akin. Sumunod ako sa paglalakad hanggang sa sabay na kaming lumalakad nito. Ito ang namili ng store. Sa unang store ay inutusan ako nitong mamili ng mga damit na kailangan ko for formal events. Alam kong inoobserbahan nito ang taste ko sa damit. Marunong naman akong mamili ng bagay sa akin at pang-formal events talaga. Hindi ko na lang tinitignan ang mga tag at feeling ko dahil doon ay pasado ako kay Nevara. Hindi ako pwedeng umakto na worried ako sa presyo. Kahit nangangati ang kamay ko na hawakan at tignan ang tag ay pinigil ko pa rin. Nang nagbayad kami sa cashier ay talagang na surpris

