Chapter Fifty-seven "Madam Claudia, curious po ako sa Praeda Game. Kailan ba nagsimula iyong at kailan natapos?" takang ani ko rito. "Sobrang tagal na, hija. Una kong nalaman iyon no'ng bata pa lang ako at bago lang kami rito sa Corazon. Kapistahan iyon na mayayamang tao ang bumuo. Ang hunting game na iyon ang tumapos ng buhay ng nanay, tatay, ate, at tiyahin ko," napasinghap ako. "Totoo po?" tumango naman ito. "Iyong rest house na tinutuluyan n'yo ngayon ay roon dati nakatayo ang bahay namin. No'ng kailangan naming tumakas ng tiyahin ko ay sinunog iyon para wala kaming maiwang bakas. Kaso nahabol kami sa terminal at nakuha ng taong bayan ang tiyahin ko," napabuntonghininga ang ginang. "Ako lang ang nakatakas. Lumayo. May taong tumulong sa akin para kayanin ko ang planong pagbalik s

