Chapter Twenty Nang nagising ako ay agad akong napabalikwas na para bang handang protektahan agad ang sarili. Si Saint na katabi ko sa kama ay agad hinawakan ang braso ko at kinabig ako payakap dito. "You're safe now, Cecilia," bulong nito sa akin. Saka lang kumalma ang katawan kong tense na tense. Umatungal ako nang iyak na para bang nakahanap ako nang kakampi. "Bakit ba ang dami ninyong gustong tapusin ang buhay ko?" tanong ko sa lalaki habang iyak pa rin nang iyak. "Saint, bakit? Bakit ako lagi? Wala naman akong kasalanan... bakit gusto nila akong saktan at patayin?" "Hindi na mauulit iyon, Cecilia," bulong nito. Marahan din nitong hinagod ang likod ko. "Paanong hindi? Saint, mauulit iyon. Tiyak kong mauulit iyon. Ako lagi ang ta-target-in nila. Huhu... sinasabi ko lang na ready ako

