Chapter Twenty-one Nanood lang ako ng TV habang busy si Saint sa computer. Kompleto ang lahat ng kailangan dito sa cabin. Pwedeng-pwede mag-stay rito kahit isang linggo pa. Pero patapos na iyong leave ni Saint. Kaya tiyak back to work na talaga ito. Ngayon nagtratrabaho ito para i-review ang ilang documents dahil wala naman daw itong ibang ginagawa. "Hays! Kung ako iyan at may kakayahan akong isilid sa sako ang mafia boss na iyan ay gagawin ko," inis na ani ko. Nanonood ako ng Turkish series at pikon na pikon ako sa bida. "Bwisit iyan! Bwisit!" bigla na lang namatay ang TV. Agad akong lumingon kay Saint na hindi ko namalayan na nasa likod na ng couch na kinauupuan ko. Hawak niya ang remote at siya ang salarin kung bakit naka-turn off na ang TV. "Saint?" takang ani ko. "Walang magandan

