Chapter Fifty-one Nang nagising ako'y mag-isa na lang ako. May nakahandang bihisan sa kama at iyon ang isinuot ko pagkatapos kong naligo. Nang lumabas naman ako ng kwarto ay isang tao lang ang hinanap ko... si Saint. Wala ito sa sala kaya nagtanong na ako kung nasaan ito. "Ma'am, isinama po ng mommy niya. Babalik din daw po agad. Ang ibang boys naman po ay nasa shooting range sa likod. Gusto n'yo po bang pumunta roon? Pwede ko po kayong ihatid," offer ng babae. Dahil wala naman ang asawa ko ay tumango ako bilang pagsang-ayon. Tinungo namin ang likod. Ang kasambahay na kasama ko ay todo takip ng tenga. Habang ako'y hindi naman bothered sa ingay. Busy si Mr. Luther, Lucifer, Knoxx, at Sage sa pag-e-ensayo. Base sa mga tindig nila ay halatang bihasang-bihasa sila. "Nandito na ang babae

