Chapter Fifty-two Mabilis ang takbo namin. Na-locate na kami ng mga kalaban. Akala ko'y tapos na pero planadong ambush pala talaga ito. Ang baril na hawak ko ay mahigpit kong hawak. Tumatakbo kami palayo sa ilog. Nang may sumalubong sa amin ay ako ang unang makakita dahil nakikipagpalitan ng putok ang mga kasama namin. Hindi na ako magdalawang isip pa. Gamit ang baril ko ay binaril ko ang mga kalaban. Sapul sa noo ang tatlo. Sa dibdib naman ang dalawa. "Wow!" anas ni Saint nang lagpasan namin ang mga wala ng buhay na mga lalaki. Hindi ko tinignan dahil pakiramdam ko'y hu-hunting-in ako ng mga ito sa panaginip ko kaya dere-deretso ako. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito. Basta tanda ko na ilang beses akong inabutan ng baril dahil naubusan na ako ng bala. Hindi ko na rin tanda kung i

