Chapter Fifty-three Wala na akong naging balita sa paghahanap ni Saint ng spy. Wala na rin naman akong pakialam doon, after all ay nabigay ko naman ng malinaw ang suggestions ko. Ngayon ay balak naming umalis na kami lang dalawa. Wala akong gadget na dadalhin, si Saint ay gano'n din. Balak nitong sulitin ang isang buwang bakasyon na kaming dalawa lang at walang trabahong iisipin. Wala rin itong sinabihan kung saan kami pupunta para raw makatiyak ito na walang makakasunod sa amin. Sa cabin kami naglagi ng dalawang araw. Nang umalis kami roon ay nag-set up lang ng email si Saint na matatanggap bukas ni Kib na nagsasabing huwag itong contact-in o hanapin sa loob ng isang buwang bakasyon. Sa kabilang side kami ng lupain nito dumaan. Ito iyong exit na sinasabi ni Saint noon pero hindi nam

