Chapter Fifty-four "Ayusin na muna natin ang mga gamit, Saint. Tapos baba tayo mag-breakfast," yaya ko kay Saint. Ilang minuto na rin naman kasi kami sa balcony. Nauna itong lumakad. Una nitong ginawa ay i-lock ang pinto sa kwarto na ipinagtaka ko. Saka nito nilapitan ang mga maletang dala namin. Takang-taka ako sa dalawang maleta na alam kong mabigat. Lumapit ako para tignan kung ano ba ang laman no'n. Kasi iyong tatlong maleta lang ang alam ko. "Ano bang laman n'yan?" binuksan niya iyon. Tumambad sa amin ang iba't ibang klase ng baril. "Hoy! Bakit may ganyan?" nalokang tanong ko. "Bakasyon ang pakay natin sa lugar na ito 'di ba? Bakit may ganyan, Saint? Makikipagbakbakan ba tayo rito?" lokang-loka na tanong ko. "No, Cecilia. Pero dinala ko in case na kailanganin," tugon nito sa akin

