Sha POINT OF VIEW
"Mga baby ko aalis na si mommy ah?"Nakangiti kong saad sa dalawa kong chikiting. Marahan kong hinaplos ang muka nilang dalawa bago sila hagkan sa pisngi.
"Okay po mommy, Take care po. I don't want to see you hurt."
"Opo baby girl ko. I love you both."Ani ko, Hinalikan ko muli sa pisngi ang anak kong babae. Iba talaga ang nararamdaman ko pag naipaparamdam ko sakanila ang pagmamahal ko. Yung anak kong lalaki ay madalang lang mag salita. Bilang na bilang sa daliri ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Nang makalabas na ako ng apartment na tinitirhan namin ay agad akong bumuntong hininga. I can do this for the sake of my twin. Nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan. Habang nag lalakad ako nakatingin ako sa address na binigay sakin ng lalaki kahapon. Iba ang pakiramdam ko dito. Sha naman ito kana naman kaya ka napahamak dahil sa iba iba nayan.
"Aray." Ani ko, Napahawak ako sa noo ko dahil tila sa bato ako nauntog. Nang mapansin kung sa iba ako nauntog ay nag angat ako ng tingin. Nasilayan ko ang isang ginoo na nakangiti sakin. Paki explain nga bakit puro gwapo nakikita ko? Wala ba akong panget na makikita? Hustisya naman sa iba na hindi nakasalo ng magandang biyaya.
"Paumanhin binibini." Nakangiti niyang saad. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Ang amo ng muka niya, Napakagalang manalita. Mamumukaan mong may respeto sa babae. Nakakadala ang ngiti niya. Marahan kong tinapik ang aking pisngi upang mabalik sa reyalidad na may mga anak na ako at kailangan kong hanapin ang ama ng nga anak ko.
"Okay lang hindi naman masakit." Nakangiti kong saad kahit na ang totoo nasaktan talaga ako, Pakiramdam ko nga may bukol ako sa noo ko dahil sa tigas ng dibdib niya.
"Paumanhin muli, Mauuna na ako sayo binibini. Ikinagagalak kitang makitang muli, Lynn." Ani niya. Halos hindi ako makagalaw ng banggitin niya ang pangalang iyon. Kahapon isang estrangherong lalaking nag alok sakin ng trabaho ay lynn ang tawag sakin. Ganon rin siya, Maari kayang magkakilala sila? O baka naman alam nila ang nakaraan ko?
Isa lang ang nasa isip ko ngayon kailangan kung pumasok sa company ng JVV para malaman ko lahat ng katanungan ko sa aking isipan.
Nang may makita akong taxi na dadaan agad kong winagayway ang kamay ko upang pumara ito. Nang huminto ito ay binuksan ko ang pinto bago pumasok sa loob.
"Manong sa address pong ito." Ani ko sabay pakita sa address na binigay sakin ng lalaki kagabi. Tumango tango naman sakin si manong bago nag simulang mag drive.
I really need to find out who really am i. Dahil pakiramdam ko lahat ng nakapaligid sakin ay pinaglalaruan ako. It's all in the game at ako ang taya. Sana lang manalo ako kung ano man itong nangyayari sa buhay ko. Bawal akong maging mahina.
Napabuntong hininga na lamang ako. Iginawi ko ang tingin ko sa bintana. Nagtitingin tingin sa labas. Nagtaka ako ng mapansin kung tahimik na ang tinatahak naming daan. Ito ba ang papunta sa JVV company?
"Manong tama po ba ang daan na tinatahak natin?" Ani ko. Lumingon si manong sakin bago ako nginisihan. Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ko na tama ang hinala ko. Agad na akong kinain ng kaba baka kung ano ang mangyari sakin. Nang bubuksan ko ang pintuan ang naka lock ito. Narinig ko naman siyang humalakhak.
"Good to see you again, Lynn." Nakangisi niyang saad. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa kanyang sinabi. Lynn, That name again.
"Sino ka!? San mo ako dadalhin!?" Ani ko. Hindi ako pwedeng pumirmi lang dito, Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas. Kailangan kong bumalil para sa mga anak ko.
"They're right, Wala ka ngang maalala. But that is okay, Para mapaaga kamatayan mo." Nakangisi niyang ani. Hindi ako maaring magpatalo sa kanya ngayon. Mabilis akong kumilos papunta sa driver seat. Inagaw ko sakanya ang manibela.
"The fvck!"
"Huh kung mamatay lang rin ako mabuti pang isama nalang kita."
Halos masuka ko lahat ng kinain ko kanina ng suntukin niya ako sa tiyan. Nanghina akong napaupo sa upuan. Damn!
Huminto ang sasakyan. Lumabas siya ng driver seat kaya nagtaka ako ngunit bumukas ang pintuan sa tabi ko. Marahas niya akong hinila palabas.
"Sino kaba!?" Sigaw kong muli. Ngunit nginisihan lang ako neto.
"Nawalan ka nga ng alaala ngunit kasama mo parin si kamatayan. Still nonsense." Umiiling niyang ani. Napakunot naman ako ng noo. Ano ibig niyang sabihin?
"Dala mo na pala." Ani ng isang tinig. Napalingon ako sa lalaking nag salita. Taimtim itong nakatingin sakin. Sino ba sila? Bakit ako nandito? Fvck! Bawal ako mamatay. It's either i die or i fight.
"Moron." Bulong ko. Nakita ko pa na naglabasan ang iba nilang tauhan. Muli akong lumingon sa lalaking nakahawak sakin. Nakangisi ito, Tiningnan ko ang pantalon niya kung may nakasabit doong b***l. Napangisi naman ako ng may makita akong b***l doon.
"Ipunta nayan sa loob, Pupunta narin si boss." Ani ng isang lalaki. Mabilis kong sinipa ang private part ng lalaki agad naman siyang namilipit sa sakin. Naalerto rin ang iba nilang kasama, Sampu laban sa isa. That's cool thou. Binunot ko ang b***l na nakasiksik sa lalaking sinipa ko.
"Bang!"
Nang iputok ko ang b***l sa lalaking lalapit sakin. Agad akong tumakbo papuntang sasakyan na ginamit namin kanina. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng sasakyan ay may humawak sa dalawa kong braso. Sinipa ko sa paanan ang nakahawak sa kaliwa kong braso. Nang makalawala ako sa kanyang hawak ay tumagilid ako ng muntik na akong masuntok ng nasa kanan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinilipit ito patalikod.
"Ahh!"
Pinalo ko ang kanyang ulo sanhi ng pagkawalan niya ng malay. Pawis na pawis na ako, Naramdaman ko narin ang pagod ngunith kailangan ko pang lumaban may lima pa akong natitirang kaaway. Ngayon ay nakapalibot na sila sakin. Hindi ko alam kung papaano ang gagawin ko gayong may hawak silang b***l, Tiyak isang galaw ko lang patay ako ngayon mismo.
"Hawakan yan at ipasok sa loob." Ani ng isa sakanila. Unti unting lumapit sakin ang lalaki habang hawak parin ang kanyang b***l. Nang makalapit siya sakin ay agad kong inikot ang kamay niya at pinalo ang kanyang ulo. Sinalo ko ang b***l na tumalsik. Pinaputukan ko ang mga lalaki na nakapalibot sakin ngunit hindi ko inaakala na matatamaan ako ng isa. Napahawak ako sa tagiliran ko. Naramdaman kong maraming dugo ang lumalabas. Iniikot ko ang paningin ko baka may mga tauhan pa sila ng makasigurado na akong wala ay paika ika kong tinahak ang sasakyan ngunit naka lock ito.
"Ahhh!" Impit kong sigaw dahil sa hapdi. Paika ika akong naglakad nagbabakasakaling may dumaang sasakyan sa lugar nato at matulungan ako. Halos hindi ko na maaninang ang daan na tinatahak ko. Nag uumpisa ng lumabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung may makakakita ba sakin. Napapikit ako bigla ng may sinag akong nakikita. May isang baritong boses rin akong narinig na nagpa t***k ng puso ko.
"What the fvck do you really wanna d--- W-wife?"
Hindi ko maaninag ang kanyang muka dahil nawalan ako ng malay.
Someone POV
"Boss nakatakas siya." Ani ng isang lalaki na nakatakas kanina sa pakikipaglaban sa babae. Ngumisi lamang ang tinatawag nilang boss.
"Siguro nga ay hindi pa ngayon ang tamang panahon at isa pa siya ang magpapahirap sakanya." Nakangisi netong ani bago sinimsim ang alak na hawak neto.
"Zaira Lynn Collin, As long as you're alive you're going to suffer as hell."