Sha POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong nasa manila na, Kahapon lang kami umalis kasama ang kambal ko. Naiwan sina nanay sa probinsiya. Ngunit luluwas rin sila dito sa manila para makapag hanap rin ng trabaho. Sinabi ko na sakanila na wag na mag trabho dahil kaya ko naman na pero ayaw patinag. Dapat ay hindi daw sila aasa sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan sila. These past few days may napapansin ako kina inay na tila ba may tinatago sila sakin. Siguro kung ano ano lang iniisip ko kaya ganon.
Sa kakalakad ko nakaramdam bigla ako ng pag kagutom. Nagtingin tingin ako sa paligid kung may makakainan ba ngunit wala. Ano ba naman yan! Kung kailan kailangan ko mag ipon tsaka pa ako mapapagastos. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumanta sa mall na nakita ko. Habang nag lalakad papunta sa mall, Napaisip ako bigla pano pag bumalik na alaala ko? Ano mangyayari sakin? Pakiramdam ko iba ako, Hindi ko alam ngunit parang may ibang gustong kumawala sakin.
Nang makita ko na ang entrace ay binilisan ko na ang lakad ko. Nang malapit na ako ay may biglang akong nabangga. Tila ba nagmamadali ito. Balot na balot siya ng kulay itim na damit.
"Paumahin." Ani niya, Maglalakad na sana siya ng mapansin kung nakahawak ako sa kanyang braso. Hindi ko makita kung ano ang expression niya dahil sa suot niyang glasses ngunit batid kong nagtataka ito.
"Ms?" Pag tawag niya. Nabalik lang ako sa sarili ko ng tapikin niya ang balikat ko. Iniling ko ulo ko bago tumingin sakanya. Napatingin ako sa may bandang leeg niya. May nakaguhit doon na apoy. Maliit lang iyon kaya pag malayo hindi mo mapapansin pero pag titingnan mo sa malapitan makikita mo itong hugis apoy sa gitna na napapalibutan ng dragon.
Hindi ko alam kung ano nangyari sakin ngunit bigla nalang gumalaw ang katawan ko. Sinipa ko ang kanyang tiyan kaya napaluhod siya, Nang papaluin ko siya sa kanyang leeg ay bigla niyang nahawakan ang kamay ko. Ngunit ginamit ko ang isang paa ko para sipain ang paa niya. Ngayon ay hawak ko ang kanyang kamay patalikod.
Ngayon ko lang rin napansin na marami na palang nanonood samin. Ipinagsawalang bahala ko iyon. Muli kong tinuon ang pansin ko sa lalaking hawak ko.
"Who the hell are you?" Mariin kong tanong. Kung nakikita ko lang sarili ko ngayon malamang ay hindi ako maniniwala na ako ito. Ibang iba ako, Iba ang nararamdaman ko.
"You don't need to know." Ani niya, Sisipain ko sana siya nang bigla siyang nakawala sa hawak ko. Ngayon naman ay hawak niya ang kamay ko. Napaluhod ako bigla ng suntukin niya ako sa tiyan. Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas sa suntok niyang iyon.
"Ahh!" Ani ko nang hawakan niya ako sa panga. Hindi ko alam bakit ayaw tumulong ng mga taong na nonood samin.
Lumapit siya sakin. "Good to see you again, Queen." Bulong niya bago ako iwan.
Naiwan akong tulala sa kanyang sinabi. Mas lalo lang nadagdagan ang tanong sa aking isipan. Simula palang ngunit ang dami ko ng naiisip pano pa kaya pag bumalik na lahat ng alaala ko? Queen? Bakit mo nga ba ako tinawag na queen? Sino kaba? Sino ako?
"Ms, Okay kalang?"
"Tumawag kayo ng ambulace!"
"Kaya mo bang tumayo?"
Tila nabalik ako sa aking sarili sa sinabi ng mga tao. Marahan akong tumayo habang hawak ang aking tiyan. Damn! Gutom na nga ako tapos sisipain pa ang tiyan ko? Pakiramdam ko tuloy ubos na ubos ako.
"I'm okay." Nakangiwi kong saad ng maramdaman kung kumirot ang tagiliran ko. Kung hindi kaba naman kasi tanga sha, Kung dimo sana kinalaban wala ka sanang nararamdaman ngayon. Damn you self!
"Sigurado ka?" Tanong muli ng ale na umalalay sakin. Binigyan ko lamang siya ng pilit na ngiti.
Paika ika akong naglalakad palayo sa mall nayon, Remind me next time na wag ng pumuntang mall dahil away ang napapala ko.
Papatawid na sana ako nang makarinig ako ng busina.
"Beeeepppp."
"Hoy Ms. Mag papakamatay kaba? Aba'y kung gusto mo mamatay tumalon kana sa tulay hindi yung paharang harang ka dito sa daan." Lintanya niya. The f**k with this old man!
Kahit masakit pa tagiliran ko binilisan ko na lamang ang pag tawid ko. Baka mamatay pa ako ng maaga, Kawawa naman ang dalawa kong anghel pag nagkataon.
Napasabunot nalang sa ulo ko dahil sa sobrang frustrate na ako.
"Wala nabang mas mamalas sa araw nato!?" Sigaw ko. Nagmumuka na akong baliw dahil sumisigaw ako sa gilid ng kalsada. Damn! Lumuwas ako papuntang manila para makahanao ng trabaho hindi yung saluhin lahat ng kamalasan na nandito sa manila.
"Hey, Ms." Nabaling ang tingin ko sa lalaking tumawag sakin. Nakangiti ito, Hindi ko maipagkakailang gwapo ito ngunit kung wala siyang silbi aba'y umalis na siya baka hindi ko pa siya matantiya ay mag wrestling kami mismo.
"Ano!?" Ani ko habang nakasalubong ang kilay. Napatawa naman siya at tinaas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko.
"Easy Ms, Kanina pa kasi kita nakikita so i assume na naghahanap ka ng trabaho. Correct me i i'm wrong." Ani niya habang nakangisi. Tila naman nabuhayan ang kalamlam ko sa narinig kong magandang balita. Kahit na nakakasura ang pag ngisi niya wala na akong pake basta may makuha akong trabaho.
"What job?" Ani ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay, Ngunit maya maya lang ay may hinugot siya sa kanyang bulsa. Binigay niya ito sakin.
"Here's the address of that company, You'll see tomorrow what your job is." Nakangiti niyang saad. Agad ko naman itong kinuha, Ang ganda ng desenyo ng card na ito. Marahan kong hinaplos ang initial ng company, It's familiar. JVV, What's the meaning of jvv?
"So, Ms. Got go, Nice meeting you lynn." Ani niya. Lynn? Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng pagkirot. Bakit ang pamilya ng pangalan na iyon?
"Calma down, Sha." Paalala ko sa sarili ko. Nang makaramdam akong okay na ako ay tumingin ako sa pwesto kanina ng lalaki ngunit wala na siya don, Tumingin rin ako sa paligid ko nagbabakasakaling makita ko siya ngunit wala.
I need to find out who really am i.