Nandito kami ngayon nang kambal sa sala, Pinapanood namin ang paborito nilang cartoons na si doraemon. Kahit ako paborito ko rin siya. Sobrang cute niya kasi lalo na sa tuwing kumakain siya ng paborito niyang hopia. Tiningnan ko ang mga anak ko na masayang nanonood. Hayaan niyo kapag nalaman ko ang totoo na siya talaga ang ama niyo ipapakilala ko kayo sakanya, Sa ngayon tayong tatlo lang muna. Masaya naman tayo kahit na tayo lang. Hinaplos ko ang buhok nang anak kong babae ng may kumatok sa pinto. Tumingin ang mga anak ko sakin na nagtataka. Nagkibit balikat nalang ako sakanila. Ang totoo talaga niyan kinakabahan ako, Dahil ilang tao na ang nakakasalubong ko na kakaiba kaya hindi rin ako mapanatag. "Dito lang kayo, Okay?" Saad ko sakanila. Sabay naman silang tumango. Tumayo ako para pumu

