"Mommy!" Tiningnan ko ang anak kong babae na tumatakbo papunta sakin. Namiss ko ang mga anak ko. Pakiramdam ko isang taon akong nawalay sakanila. Pumunta ako dito para mag hanap nang trabaho para may makain kami. Hindi pa nga kami nagtagagal dito marami na agad ang nangyari tulad nang dalawang estranghero na tumatawag sakin lynn. Sino kaya sila? Yong lalaking tumatawag saking asawa. Yong nag kidnap sakin. Sumasakit ulo ko kakaisip sakanila pero ano magagawa ko? Ganon naman talaga hindi ba? Kapag parte sa buhay mo kahit na masakit tatanggapin mo. "Princess, kamusta kayo." Nakabusangot naman itong nakaharap sakin. Kaya natawa ako. "Mommy bakit ngayon ka lang po umuwi?" "Sorry princess, hindi na mauulit. Nasan kuya mo?" "Nasa loob po natutulog." Binuhat ko na ang anak ko. Nagsimula na

