KABANATA 3: NINAKAW NA BANGKAY

1865 Words
"Pakiusap naman, hanapin n'yo ang anak ko!" Ganoon na lang ang paghihinagpis at pagwawala ni Aling Theresa. Agad na nagpunta ang ginang sa mortuary nang tawagan siya ng pulis at mabalitaan ang nangyari. Panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ng babae. "Paano nakapasok 'yon?! Wala namang silbi ang guard dito! Magsasampa ako ng kaso sa ospital kapag hindi nahanap ang anak ko!" Namomoblema ang mukha nina Kassie at Frederick. Hindi naman nila masisisi ang ginang. Patay na nga ang anak niyang dalaga, ninakaw pa. Sino ba ang hindi magagalit o masasaktan sa nangyaring ito? "Huminahon po kayo misis. Gagawin po namin ang makakaya para mahuli ang mga magnanakaw." Pag-aalo ng pulis kay Aling Theresa. Mukhang bata pa ang pulis na iyon at baguhan pa lamang sa trabaho. Lalo itong nagwala. "Dapat lang! Kasi napakawalang-silbi n'yo naman kung hindi n'yo sila mahuhuli!" Pagkasabi niyon ay napasapo sa ulo ang babae at napahikbi. "Ang anak ko! Diyos ko, ang anak ko!" Pagmamaktol nito at umupo sa bench. Tumabi kay Aling Theresa ang anak nitong teenager. Hinimas ng bata ang likod ng nanay habang umiiyak ito. Nakaramdam ng awa si Kassie. "Diyos ko naman! Ano bang klaseng panahon ito? Pati patay ay ninanakaw na," sa isip niya. Tumingin siya sa paligid ng morgue. Ang gulo rin ng morgue. Mukhang naghalukay talaga ang mga robbers at isa-isa nilang tinignan ang mga bangkay. Nakabukas ang mga drawers ng freezer at nakatanggal sa body bag ang mga katawan. "Iyon talaga ang target nilang kunin pero bakit?" tanong niya sa isipan. Napalingon siya nang lumapit si Dr. Lambert sa kanila. Kausap kanina ni Dr. Lambert ang isa sa mga preliminary investigating officer. Sila ang mga first-responder police sa mga crime scene. Napabuntong-hininga si Dr. Lambert. Naguguluhan din ang isipan nito at kanina pa ito hindi mapakali. Sinuklay nito ang magulong buhok gamit ang kamay. Sobrang stress na si Dok. "Ano sabi ng pulis, Dok?" tanong ni Frederick sa lalaki. Napailing ang doktor. "Hindi ko alam kung anong nasa isip nila pero tatanungin din kayo mamaya." Biglang kinabahan si Kassie nang marinig iyon pero inaasahan naman niya na kakausapin din sila ng mga pulis. "Kawawa naman talaga," sabi ni Dr. Lambert na tumingin sa gawi ni Aling Theresa. "Ginahasa si Trisha Mae de Leon bago pinatay. Nakulong naman ang kriminal pero sino ang gagawa nito? Hindi na nila pinatahimik ang kaluluwa ni Trisha." Siya ang nag-autopsy sa ninakaw na bangkay kaya may alam siyang information. Lalong nakaramdam ng awa si Kassie nang marinig ang dinanas ng babae bago ito namatay. "Oh my gosh. Ginahasa siya at pinatay?" Tumango ang medical-examiner, "While injury can provide evidence, it can't prove r**e, because injuries may occur as a result of consensual i*********e. Biological material such as semen on the genitalia may provide evidence of contact." "Damn!" Nasambit lang ni Kassie na hindi naman iyon naintindihan dahil mahina siya sa English. "Hindi kaya may kinalaman ang r****t sa pagkawala ng bangkay ni Trisha?" tanong ni Frederick. "Paano niya magagawa 'yon eh nakakulong na nga siya 'di ba?" Bumaling si Kassie sa katabi. "Paubaya na lang natin ang imbestigasyon sa pulisya. Huwag na tayo makisawsaw pa sa kaguluhan na ito," sagot na lamang ng doktor sa kanila. Hindi na alam ni Kassie ang sasabihin. Sa totoo lamang ay naaawa rin siya kay Dr. Lambert. Mas mahirap ang trabaho ng doktor. Kung siya ay nag-o-autopsy ng mga patay na namatay sa natural diseases, si Dr. Lambert naman ay sa mga bangkay na namatay dahil sa krimen. Mas nakaka-stress ang ginagawa ng doktor dahil kailangan pa niyang gumawa ng medicol legal para sa mga kaso. Natigilan sila sa pag-uusap nang may lumapit sa kanila na pulis. "Kayo ba ang nakakita sa dalawang magnanakaw?" tanong ng lalaki. Matangkad ito at nakasuot ng police uniform. Binasa ni Kassie ang name tag nito sa damit: Manalaysay. "Ah yes po." Tumango siya at medyo kinakabahan. Ito ang unang pagkakataon na naging witness siya sa isang kaso. Hiniwalay siya ni PO1 Manalaysay at kinausap nang sarilinan. Sina Dr. Lambert at Frederick naman ay naroon lang sa gilid ng silid. "Pangalan?" tanong agad ng pulis na tila walang inaaksaya na oras. May hawak itong ball pen at papel. Sinusulat nito ang mga information na nakukuha. "Kassandra Joy Francisco," sagot lamang niya. "Ilang taon ka na?" "30 yrs old." "Nagtratrabaho ka rito?" "Coroner po ako rito." "Anong naganap? Anong nakita mo?" "Nakalimutan ko kasi 'yong susi ng kotse ko kaya bumalik ako sa coroner's office. Nakarinig ako ng kalabog sa morgue. Tinignan ko at doon ko nakita 'yong dalawang magnanakaw. Tumalon sila sa bintana. May dala silang body bag na sa tingin ko ay 'yong bangkay ni Trisha. Pinasok nila sa loob ng van. Hahabulin sana namin pero —" "Delikado 'yang paghabol n'yo sa mga magnanakaw." Natigilan si Kassie sa pagsasalita. Mukhang strict na tao itong si Manalaysay at intimidating. "Kung may baril sila pwede ka nilang patayin on the spot," paliwanag ng pulis. Hindi siya nagsalita. Tama naman ang sinabi ng pulis. "Nakita mo ba ang itsura nila?" tanong muli nito na tumingin sa kaniya. "Hindi po. Naka-mask po sila eh." "Anong oras nangyari 'yon?" "Mag-aalas-otso na yata. Hindi ako sigurado. Pasensya na," sambit niya na nagbaba ng tingin. "May iba pa bang nakakita sa kanila bukod sa 'yo?" "Kasama ko si Fred pero hindi naman niya nakita," aniya sabay lingon kay Frederick sa likod. "Ako lang ang nakakita sa dalawang magnanakaw. Nakita ko rin ang plate number ng sasakyan." "Naaalala mo pa ba ang plate number? Pwede mo bang isulat dito," sabi ni Manalaysay at iniabot sa kaniya ang papel at ballpen. Syempre natatandaan pa niya. Kinabisado nga niya iyon. Nang maisulat ang plate number ay ibinalik niya ang papel sa pulis. "Anong kulay ng sasakyan?" "Isang itim na van," tipid na sagot niya. "Kung may maalala ka pang ibang information, kontakin n'yo kami," bilin ni Manalaysay. Tumango lang siya. Akma nang lalapit ang pulis kay Frederick pero may naalala itong sabihin. Bumaling ulit ito sa kaniya. "Kung may media man na pumunta rito. Huwag agad-agad magbibigay ng information. Saka may follow-up investigation pa pagkatapos nito. Hintayin n'yo na lang ang tawag ng pulis." Napanganga siya sa narinig. "Ano? Tatanungin pa kami ulit? Ang laki namang abala nito," reklamo niya sa isipan pero wala naman siyang magagawa. Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin sa pulis na kausap na ngayon si Frederick. Isa pa ring malaking pala-isipan. Sino ang nagnakaw sa bangkay ni Trishia? At bakit niya iyon ginawa? *** Nagpatuloy pa rin ang trabaho sa mortuary pero naghigpit na ang Director ng ospital. Nagdagdag ng guard sa gate at naghigpit din sa security. Pinalitan lahat ng standard lock ng mga pinto. Bumili rin ng mga bagong CCTV at ikinabit sa ilang facilities. Naging paranoid na ang head nila. Balak kasi kasuhan ng pamilya ni Trishia ang ospital dahil sa nangyari. Ang laking abala! Pumasok si Kassie sa loob ng building. Napahikab siya dahil napuyat siya kagabi. Hindi na siya gaanong nakakatulog simula maganap ang robbery. Nakasalubong niya si Dr. Pierro sa hallway na may hila-hila na trolley bed. Nakahiga roon ang katawan ng isang matandang lalaki. Pumasok ang doktor sa loob ng post-mortem room na para lamang sa mga medical examiners. Huminto siya sa pag-lalakad. May naalala siya. "Oo nga ano? Nasaan si Dr. Pierro nang maganap ang robbery? Si Dr. Lambert lang ang naroon pero wala si Dr. Pierro. Saan ito nagpunta?" "Magandang umaga, kinontak ka na ba ulit ng pulis?" Napalingon si Kassie nang may lumapit sa kaniya. Si Frederick pala. "Ang aga mong pumasok ngayon ah," pansin niya. "Hindi pa ako tinatawagan ulit. Ikaw ba?" Umiling ito, "Hindi rin eh." Napansin ng binata na nakatingin siya sa kaliwa. Sinundan nito ang tinitignan niya. "Bakit?" tanong nito dahil nakatingin pa rin siya kay Dr. Pierro. Tanaw niya ang doktor sa window glass ng post-mortem room. "Hindi ba bago pa lang dito si Dr. Pierro?" bulong niya. "Oh? Eh ano ngayon?" tanong ni Frederick na tumingin muli sa kaniya. "Hindi ka ba nagtataka? Wala siya noong maganap ang robbery. Hindi ba dapat ay naroon siya kasama si Dr. Lambert? Saan naman kaya siya nagpunta?" Nasa tono ni Kassie ang panghihinala. "Ha?" Lalong kumunot ang noo ni Frederick. "Huwag mong sabihin na pinagbibintangan mo siya?" "Hindi naman pero hindi ka ba nagtataka?" "Magtataka saan? Kassie, 'yang si Dr. Pierro, walang pakialam sa mundo. Hindi rin siya mahilig makipag-usap sa tao. Mas prefer niyang mag-isa. Malamang hindi iyan makikisawsaw sa gulo," paliwanag nito sa kaniya. Napaisip naman si Kassie. May punto naman si Frederick. "Huwag kang bumuo ng assumption na isa sa mga employee ng ospital ang nagnakaw kay Trishia," dugtong ni Frederick nang hindi siya magsalita. "But I have a feeling that the notorious robber is here." "Aba! Nag-English!" tukso pa, "Nahawaan ka na ni Brandon?" "Magseryoso ka nga, Fred!" Umirap naman siya sa lalaki. "Isipin mong mabuti. Alam na alam nila kung sino ang kukunin. Napansin ko lang noon na binuksan nila ang freezer at body bag para hanapin si Trishia." "Hay nako, Kassie. Tigilan mo nang mag-isip nang mag-isip. Sabi nga ni Dr. Lambert hayaan mo na ang mga pulis na mag-imbestiga. Huwag ka nang makisawsaw. Sasakit lang ulo mo r'yan." Pero hindi pa rin matahimik ang isip ni Kassie. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya malapit lang sa kaniya ang salarin. Napansin ni Frederick na malalim na naman ang iniisip niya. Pagkuwa'y napabuntong-hininga ito at pinatong ang mga kamay sa balikat niya. "Huwag ka nang mag-alala," malambing nitong sabi. Tumingin siya sa binata. "Ngiti na okay? Pumapangit ka oh." Hinawakan nito ang baba niya. "Ngingiti na iyan." Nakangiti pang sabi. Unti-unti naman siyang napangiti. "Para kang t*nga Fred." Natawa sila pero naudlot ang masayang umaga nila nang may dumating. "Kassie." Tumawag si Brandon sa kaniya. Sumingit sa kanilang dalawa at hinawakan ang braso niya. "Can I talk to you?" "Oh hi Brandon. Anong ginagawa mo rito? Bakit?" tanong naman niya sa fiance'. Umakbay ang lalaki sa balikat niya at tumingin kay Frederick. "Excuse us." Nakasimangot lang si Frederick na tumango. "Sige lang." Naiinis pa rin ang mga mata niya na nakatingin kina Brandon at Kassie habang naglalakad ang dalawa sa hallway. Hindi pa rin siya sanay na makita ang dalawa na naglalambingan. Napabuntong-hininga siya at pinakalma ang sarili. Pero naudlot ang malalim niyang iniisip nang may humawak sa balikat niya. "Fred," napalingon siya sa tumawag. Si Jobert pala. May dala pang walis at dust pan ang lalaki. "Bakit Jobert?" tanong niya. "Mag-stay ka ba mamayang gabi?" Sa halip ay balik-tanong ni Jobert. "Oo, hanggang 8pm ako mamaya eh. Bakit? May problema ba?" Nagtataka siya dahil mukhang balisa ang mukha ng kausap. Luminga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap na tao. Nakita nito si Dr. Pierro sa glass window ng post-mortem room. "Halika. Dito tayo para walang makarinig," sabi nito na hinila siya sa sulok. "Bakit? Ano ba 'yon?" Hindi pa rin niya maintindihan ang kaibigan. Sinuri muna ni Jobert ang paligid. Luminga-linga para masiguradong walang makakapansin sa kanila at walang makakarinig. Nang makasiguradong walang tao, inilapit nito ang ulo ni Frederick at binulungan sa tainga. Namilog ang mata ni Frederick nang marinig ang ibinulong ni Jobert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD