Chapter 9

2366 Words
"3,2,1..." Aidan signalled us to start and we did. Half of my body is leaning on the headrest while Brixz sat beside me supporting his weight using his right hand. Si Aidan naman ay nasa kaliwa ng higaan at vinivideohan kami. They needed to film Brixz touching my legs as part of the music video since one of our topics in AP this Quarter is Prostitution and Abuse. It's fine with me since they assured us that our faces wouldn't be seen on the video frame so we agreed. I gasped when Brixz lifted his hand and directed it on my exposed legs. Napatingin ako kay Brixz na nakatingin din pala sa akin. He leaned his face closer to mine which made me look at my right side, facing his chest to dodge his face. Hindi naman pwedeng sa kanan dahil makikita sa video ang mukha ko. "Sisipain talaga kita, Brixz." Madiing pagbabanta ko sa kaniya habang nakatingin sa dingding sa gilid niya. "Wag kang magaalala." Napakunot ang noo ko sa ibinulong ni Brixz sa akin. "Hindi kita hahawakan ng hindi mo naman gusto." He said which made me glance at my left leg where his hand was supposed to be placed like planned. Hindi nakalapat ang kamay niya sa balat ko at nakatapat lang sa hita ko, may kaunting espasyo sa pagitan ng kamay niya at sa hita ko upang hindi ito dumampi sa balat ko. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa sinabi niya kaya naman itinuon ko na lamang ang atensyon sa ginagawa namin at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. I can feel Brixz' breath on top of my head blowing my hair while I am facing his chest. Ang isang kamay niya ay nakapwesto sa itaas ng ulo ko para balansehin ang sarili at mapigilang mahulog sa akin. I gulped and tried to calm down as I was already breathing heavily. Medyo naiinitan na rin ako dahil sa lapit namin ni Brixz at dahil sa init ng katawan niya na malapit sa akin. He slowly moved his hand until my waist without touching my skin while my hands clenched on his black short sleeved button down shirt. Hindi man nakabotones ang shirt niya ay okay lang dahil may suot naman siyang puting panloob. "And.....Cut!" I quickly pushed Brixz' shoulders and sat up. I glanced at Brixz who was looking at me. Nang mapansing nakatingin ako ay mabilis na nagiwas naman siya ng tingin bago tumayo at pinuntahan sila Aidan kaya naman tunayo na rin ako at pinuntahan si Talia na nakaupo sa sing sitter sofa sa may pinto. "So, how did it feel?" Talia said softly despite the malicious look she's giving me. "Anong 'how did it feel' pinagsasasabi mo?" Sumandal ako sa lamesa sa gilid ng inuupuan niya at pinagkrus ang braso sa ibabaw ng dibdib habang nakasentro ang tingin kay Brixz na nakikipagtawanan kila Aidan at Kyro. Ano namang tinatawa tawa nito? "Oh, nothing. You two just really looked intimate earlier. Akala ko nga makakailang take tayo kasi baka hampasin mo sa mukha si Brixz o hindi kaya ay itulak or worse sipain. Bakit nga ba hindi?" She asked, wondering. Maybe because I didn't expect the way he acted earlier? Malayo kasi sa inaasahan ko ang iniakto ni Brixz kanina. Akala ko kasi ay aasarin na naman niya ako o gagawa ng kung anong kalokohan para inisin ako. But the thing is he didn't. He didn't even touch me. He acted nothing like an assh*le would or his usual goofy side and that made me dazed and confused as I noticed the way he acts towards me. "Nginingiti ngiti mo diyan?" Napatingin ako kay Adie na nakaupo sa gilid ng swing sa sahig dahil sa sinabi niya na ikinatingin din ni Talia sa akin na nakaupo sa tabing swing ko. I was smiling? "Wala lang. I was just curious about what you’re thinking about so deeply." Nanunuksong sabi naman ni Talia. "Wala ah.” I cleared my throat. “May naisip lang ako. Ano bang ginagawa niyo?" I asked since kanina pa sila nakatingin sa mga cellphone nila. Nanonood si Talia ng painting videos na hindi naman rinig ang tunog dahil pinahinaan niya ito habang si Adie naman ay nagpapatugtog na rinig sa buong garden. "Anong title niyan? Bago?" Tanong ko. The song is sung in a foreign language, I think it's in Korean language kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi pero maganda naman ang rhythm, beat at boses ng mga kumakanta. The song can be used for dancing since the tone is very lively, it's kind of a hip hop, pop and R&B music and I kind of liked it. "Ay, wow! Oh sige, ito. Pakilala ko sila sayo." Tumayo siya at nilapitan ako bago pinakilala sa akin ang mga miyembro ng iniidolo niyang Kpop boy group. She even told me how they reached the top since the group is known internationally who won several awards. Madalas ko ring marinig ang pangalan ng grupo nila na madalas katapat ng dalawa pang Kpop girl groups. I didn't pay too much attention to those at first since I wanted to focus on studying to make my parents proud, especially my Mom since Dad is already content with the grades I have as long as I passed. Sometimes, I secretly listen to some of their songs but I can't really say that I stan them, it's just that I don’t choose to prioritize them. "Adie, bakit hindi mo subukan?" Tanong ko bigla dahilan para tumingin siya sa akin at tumigil sa pagsabay sa tono ng kanta, bakas ang pagkalito sa mukha. Adie sighed. "Bakit ko naman susubukan kung sa umpisa pa lang ay siya na at hindi ako? Pa'no ko susubukan kung akong nasa harapan niya lang ay hindi niya pa makita?" Aba! Wala pa nga akong sinasabi. "Pa'no ko susubukan kung siya ang hanap niya at hindi ako? Why would I even try to fight for love when I know that loving him is a losing game?" Sabi naman ni Talia. May pinaghuhugutan ba 'tong mga 'to? "May pinagdadaanan ba kayo?" Tanong ko habang palipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Baka may problema pala 'tong dalawang 'to 'di ko lang alam? Adie laughed while Talia chuckled which made me laugh. Ewan ko ba sa mga 'to! Kung anong kalokohan! "Ewan ko sa inyo!" Natatawang sabi ko kahit na ramdam ko ang bigat ng mga salitang namutawi sa bibig nila. Gusto ko lang namang tanungin si Adie kung bakit hindi niya subukang mag audition sa mga singing contests kung gusto niyang may pagkakitaan para sa mga gastusin nila. They are having financial problems. Minsan lang kaming magkwento sa isa't isa tungkol sa mga problema namin. We often joke around but when we do talk about our problems we take it seriously. Minsan ng nagkwento si Adie sa tinitirhan nila na maingay raw ang kapitbahay nila sa taas. Nagrerenta lang sila Adie sa apartment sa may Marikina na isang sakay pa ng jeep at kaunting lakad pa papunta rito. Kinuwento niya sa aming hirap silang makatulog ng pamilya niya dahil sa mga pagurong ng mga upuan at paglakad ng mga paang naririnig nila, pati na rin ang ingay ng aso ng kapitbahay nila sa taas. "Inaakyat nga nila Mama 'yong mga 'yon eh! Nagusap sila nung lalaki sa taas. Kasi, diba, dalawang kwarto yung upahan sa taas namin? Tig dadalawa bawat palapag?" Paninigurado niya sa amin ni Talia na ikinatango naman namin. "Yung kabila, relatives niya yung babaeng nakatira sa taas namin, yung maingay? Sabi ba naman nung lalaking relative niya na nakatira sa kabila eh baka raw minumulto kami! Gago siya! Ang tagal na namin doon sa apartment na 'yon ngayon lang kami minulto? Edi sana lumipat na kami noon pa!" Reklamo niya. Hiningal na ata at napainom na ng orange juice na binili niya. "Ang hirap niyan. Mapapaaway pa kayo." Komento ko sa ikinuwento niya dahilan para problemadong mapabuntong hininga siya. Ang madalas talagang magkwento sa amin ay si Adie dahil talaga namang tahimik si Talia pero minsan na rin siyang nagkwento sa amin. Talia usually doesn't share us anything, she would only listens. "Umamin kaya ako? Before moving up? Or after?" Nagtataka kaming napatingin ni Adie kay Talia bago napatingin sa isa't isa. "Huy! Sino 'yan? Si ano ba? Siya parin?" Sunod sunod na tanong ni Adie kay Talia habang nakaupo sa swing. "Ano 'yon?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. "Wala." Sabi ni Adie and smiled nervously. And with that, I started bombarding them with questions until they told me everything. "Hindi ko siya crush 'no?! Ano ba! Siguro dati? Pero wala na 'yon. Promise." Puno ng katotohanang sabi ko sabay taas ng kanang kamay. Nagaalangan daw kasi silang magsabi sa akin dahil akala nila ay crush ko rin iyong crush ni Talia. Maybe before pero hindi na ngayon ‘no! "Wews?" Tanong ni Adie habang nakakrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib na ikinatango tango ko naman. I turned to Talia and asked. "Anyways, bakit mo naman naisipang umamin?" "I just thought that if I confess maybe this feelings would fade? Ang tagal na rin kasi nito. Naisip ko lang na kung umamin ako, atleast nasabi ko diba? No regrets. I mean, 1 last month, graduation na. Maybe I'll just choose a school where I can't see him." Ani niya. "Ikaw, ikaw bahala. Kung iyon ang ikaluluwag ng loob mo. Para atleast wala ka ng tinatago kapag nagkikita kayo." Sabi ni Adie na sinangayunan ko naman. Those were the times we had deep conversations. Madalas kasi ay kasama namin ang kapatid ni Adie dati sa pagaantay ng mga magulang namin sa Building 1 pati na rin si Orion na anak ng ninang ko. Ninang Yves. Wala na siya sa school at nagresign na, umuwi na sa probinsya nila. Ninang Yves is one of my defenders against my Mom. She would sometimes defend me from my Mom, she would give me red pockets and gifts pagkatapos ng Christmas party namin kapag pumupunta ako sa Building 1 dahil pagkatapos ng Christmas party ay 2 weeks vacation namin para sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon. Ang anak ni Ninang Yves na si Orion ang pinakamakulit sa aming mga anak ng teachers. Noong grade 7 kami nila Adie ay madalas kaming magkakasama sa Building 1 at naglalaro ng takbuhan. Si Adie madalas ang kasabayan ni Orion sa kakulitan, she can match his energy. Isang beses nga kaming napatawag sa office ng school consultant dahil maingay raw kami. That time I was so scared that our school consultant would tell Mom that I did everything I can to say sorry. Nilinis ko ang room ni Mommy noon dahil panghapon pa siya noon kaya naghihintay ako kasama sila Adie na hindi pa umuuwi. "Ms. Zainne told me that you were noisy." Sabi niya pagkabalik niya ng room niya at naabutan akong nagwawalis. "My, hindi lang naman ako, sila Adie rin naman ah." Depensa ko sa sarili. "Kahit na, sana umupo na lang kayo roon at nagantay o hindi kaya ay gumawa ng homework. May homework ba kayo?" Tanong niya na ikinailing ko naman bilang sagot habang nakayuko. "Next time, 'wag na kayong maingay o magtakbuhan. Hindi ba kayo pwedeng maglaro ng nakaupo?" Sabi niya bago ako tinulungang maglinis. The least thing I wanted to happen is Mom being disappointed in me. That's why as much as possible I'll prioritize the things she wanted me to do and the things that would make my parents proud of me that I didn't even notice how I deprive myself of the enjoyment a teenager should have. "Uy, arat! Swimming tayo." Yaya ni Adie sa amin ni Talia na busy sa kakasulat habang ako naman ay busy kaka drawing sa tabi niya. Tignan mo 'to, bibili lang ng juice may gagalaan na naman. Kababalik lang ni Adie galing canteen para bumili ng juice niya habang kami naman ni Talia ay naiwan dito sa tambayan namin sa secret garden. "Sa'n? Malayo?" Tanong ko habang gumuguhit gamit ang pencils ni Talia. Madalas kasi kaming maghiraman ng mga art materials namin. Talia brought her set of pencils with different pencil grades at school while I bring my pens and leave them under my armchair. Kapag wala kasi kaming ginagawa sa school o tumatambay dito sa garden ay dinadala namin ang mga gamit namin dito at dito kami guguhit o hindi kaya ay magcacalligraphy kapag nasa mood kami. Talia is best at sketching while I am best at lettering. Kaya kapag may poster making sa mga projects at activities namin, kapag may mga art contests ay kami ang hanap nila sa classroom, kapag kantahan naman ay si Adie at sayawan naman ay ako. "Kila Amara raw, sa birthday niya, sa Friday. Pagkatapos ng exam natin." Putol putol na sabi niya. I sighed. "Bawal. Malayo." Iyon pa lamang ang sinasabi ko ay nakakaintinding tumango tango na kaagad ang kausap. "Ikaw, Talia? Sama ka?" Tanong niya, nagbabakasakaling sumama ang isa sa amin. "Hindi ako sasama 'pag 'di siya sasama. Ipaalam mo rin ako kay Kuya Arkch kung gusto mo." Mahina at mahinhing sabi ni Talia. Kailan ba lumakas ang boses niyan at sumigaw? Patuloy lang kami ni Talia sa ginagawa habang si Adie naman ay todo pilit at kumbinsi sa amin lalo na sa akin dahil sa akin nakadepende kung sasama si Talia o hindi. I want to come. I want to but this week is our last exam for our 4th Quarter. From Thursday to Saturday at alam kong maghihipit na naman si Mommy sa akin at pagbabawalan na naman akong gumamit ng phone ko lalo na kapag nahuli niya akong gumagamit nito imbes na ang hawak ko ay ang libro namin. Pero ang iniisip ko kasi, kung hindi ako sasama sayang ang pagkakataon lalo na't maliit lamang ang posibilidad na sa parehong school kami papasok next year sa Senior High dahil hanggang Junior High School lang ang inio-offer ng school namin. Minsan lang ako payagan gumala, minsan lang kami magkagala so why not join them? Magpapaalam muna ako kay Mommy, kapag hindi pumayag, kay Daddy kapag hindi rin... Tumakas kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD