CHAPTER 8

1307 Words
Sa huli, nagbigay na si Vivian. Nag-file sila ng annulment. Rica and him lived together. Sinabi ni Apollo kay Rica na kailanman ay wala siyang balak na magpakasal. Sinabi rin niyang wala na siyang balak na magkaroon ng anak noong mga panahong iyon. Mahirap para sa kanya dahil dalawa na ang kanyang anak kay Jodi. Hindi 'yon isang desisyon na para sa isang tao lang, kahit pa sinabi na ni Rica ang kagustuhang maging ina. Dapat na dalawa ang magdedesisyon para doon at ayaw na niya. Masaya sila noong una, pero tulad ng nangyari sa kanila ni Vivian, nagsimulang magbago si Rica. She started becoming possessive, jealous. Kahit sinasabi ni Apollo kay Rica na lumabas kasama ang mga kaibigan, mas pinili nitong manatili sa bahay. Wala itong gustong mangyari kundi ang magsama sila araw at gabi. Kahit noong huling bahagi ng relasyon, magkasama man sila dahil 'yon ang gusto nito, hawak nila ang kanya-kanyang cell phone para lang mabura ang pagkabagot. He decided to end it though he still loved her. Hindi siya nakinig sa puso, kundi sa isip. Walang growth ang kanilang relasyon at kapag tumagal pa ang ganoong sistema, malamang na mawalan sila ng respeto sa isat isa. Sa puntong iyon, full-time na si Apollo sa kompanya dahil mas magandang kinabukasan ang gusto niya para sa mga bata. He left Cebu, Rica, Vivian, his children to work in Manila. Ang kanyang negosyo sa Cebu ay naroon pa rin. It was managed by Vivian now. "Are you going to answer?" untag ni Aey sa kanya. "Sure. Simple lang naman ang sagot--- nagkamali ako." "That's it?" "I asked Vivian to let me go, but she wouldn't." "Madaling sabihin. Mas madaling umalis ka na lang." "I should have, but she said she will take the girls away. That I wouldn't see them again." "How evil." "She was hurt. Ayaw niyang maghiwalay kami. Conservative ang parents niya. Apparently, pati siya." "It was stupid to stay in a relationship that was headed nowhere." "Exactly." "Bakit naghiwalay kayo ni Rica?" "She changed. Maybe I did, too. I just felt the relationship ran its course." "Do you still love her?" "No. Not anymore." But I like you a lot, Aey. I always have.  But forever it seems we can never be together. Noon, dahil si Kuya ang gusto mo. Ngayon dahil hindi na ako bagay sa 'yo. I don't ever want to get married again. Once was enough. The pain is just too much. I don't think I want kids as well. Not anymore. I guess you're my... What do women call it? Oh, yes, the one who got away. "How about you? Bakit wala ka pa ring singsing hanggang ngayon?" tanong ni Apollo, kahit sa loob-loob ay humiling na sana ay walang banggiting boyfriend si Aey. Alam niya, marami ang may gusto rito. Ilang ulit niyang naririnig ang tungkol sa mga empleyado ng kompanya na gustong manligaw sa dalaga. Bakit hindi? She was everything a man would want and more. "Singsing? Walanga akong boyfriend, singsing pa kaya." "Bakit walang boyfriend?" "Ewan ko." Yumuko ito. Something was telling him she felt something for him, too. Noon pa iyon napapansin ni Apollo, pero hirap siyang bigyan ng kahulugan ang kung ano man ang namamagitan sa kanila. Mahirap magkamali pagdating kay Aey. There was so much at stake. Hindi niya kayang isugal ang pagkakaibigan nila. Kahit madalas, tulad ngayong nakatitig siya sa mukha ng dalaga, parang gusto niyang sumubok. If only he had more to offer. "May nagugustuhan ka ba sa office?" "Isa lang" bulong ni Aey, saka parang na-shock. Halatang hindi nito ginustong iyon ang sabihin. Namutla ang mukha ng dalaga, bahagyang umawang ang bibig, saka idinagdag, "Just kidding!" "You were not kidding at all!" sabi niya, sinamahan ng tawa ang sinabi kahit hindi siya makapaniwala sa naramdaman. Parang hinigit ang puso niya pababa sa kanyang sikmura, O ang sikmura pataas sa puso. Hindi maipaliwanag ni Apollo, pero isang bagay ang sigurado siya-apektado siya. In a huge f*****g way that it was hard to believe. "Who's..." Tumikhim siya. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Sa tinagal tagal ng panahon, wala ni isang lalaking na-involve kay Aey. Inasahan ba talaga niyang habang-buhay itong magiging single? How selfish. "Who's the lucky guy?" Hindi nagsalita ang babae kaya napatingin siya rito. She was looking at him intently. Nag-iwas ito ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata. He had to swallow hard. Tama ba ang kanyang hinala? He wished both yes and no at the same f*****g time, it was ridiculous. God, he wished he did something years and years ago. Now it seemed a little too late. May mga paniniwala siyang nabuo, mga paniniwalang napatunayan sa paglipas ng panahon. Masarap ang pakiramdam ng in love. It was more wonderful if the person you love loved you back. But love was not the most important thing in a relationship. Hindi rin tamang bumuo ng desisyon ang isang taong in love dabil nawawala sa tamang pag-iisip. After the high came the reality. Marriage was not for him. Ang isang relasyong mayroong anak sa pagitan ay hindi rin para sa kanya. He already had children, he did nor want more. "G-gusto mo pa ng Coke?" tanong ni Aey, saka tinawag ang waiter. Halatang nailang din ito. "I’m okay." ani Apollo, pinilit ang sariling alisin sa isip ang palitan nila. Ipinatong ng dalaga ang kamay sa mesa. Kusang lumapit doon ang kanyang kamay. He loved holding her hand. He pressed her hand tightly, to let her know he cared. He cared a damn lot. Napatingin si Aey sa kamay na hawak ni Apollo. Malakas ang kabog ng kanyang dibidb. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Hayun na naman sila, sa ganoong pagkakataon. Hindi niya alam kung ano ang gusto ng lalaki. Was he trying to tell her something with the way he was looking at her and now holding her hand? Naisip kaya nito ang nararamdaman niyang espesyal para dito? God, if he could read through her what was he going to think? Nainis siya sa sarili na hindi man lang nagawang kontrahin kung ano man ang nasa isip ng lalaki. Naisip niyang daanin na lang a biro ang lahat, tulad ng matagal na niyang ginagawa sa mga ganoong sitwasyon. "Bakit gusto mong malaman kung sino ang gusto ko? May ireregalo ka ba sakaling ikasal kami? I want a big wedding. Your gift must be huge. Ang laki ng utang mo sa akin mula pa noon." Natigilan si Apollo, pero saglit lang. "Nakalista ba lahat?" "Naka-spreadsheet, pati interest." "Ouch. Malaki-laki nga." Ngumiti ang lalaki, ngiting hindi umabot sa mga mata. Patlang. Salamat at dumating na ang waiter, dala ang order nila. Pero kulang ang pizza para mabawasan ang tensiyon. Shit, what the hell is going on? Bakit ayaw niyang magsalita? Hindi ko ba nadala? Iniba na niya ang usapan. "So, buong weekend mo kasama ang mga bata?" Noon ngumiti si Apollo. "Two weeks, actually." "Wow." Napangiti na rin si Aey. Malapad na ngiti. Minsan isang taon lang kung magkasama nang matagal ang mga ito, dahil ayaw ni Vivian. Siguro, may bitterness pa rin ang babe at gumaganti gamit ang mga bata. "Who pulled the stick out of Vivian's ass?" Ang lakas ng tawa nito. "Migs, apparently, her new husband." "Nagkakausap kayo?" "A few times. Naaabutan ko sa bahay nila, pero hindi ko kinakausap dahil ilang din ako. Alam mo na." Alam nga niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Vivian was being difficult sometimes. May mga bagay na talagang hirap ang babaeng tanggapin at ibigay sa dating asawa. Naisip lang ni Aey, ayaw niyang gumaya sa babaeng iyon. Halos magkasing-edad sila, pero parang napakalaki ng agwat pagdating sa lalim ng pait. Still, it was normal for Vivian to feel that way. Hindi nga lang tama na umabot na ng ganito katagal. Salamat pala at dumating ang isang Migs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD