CHAPTER 7

961 Words
"Nakakatuwa na lilipat na silá sa Manila. Nakumbinsi mo na rin si Vivian sa wakas," komento ni Aeycel. Madalas, marami siyang bagay na gustong itanong kay Apollo, pero pakiramdam niya, masyadong personal ang iba niyang tanong---mga bagay na hindi nito itinatanong sa kanya. "Finally. Vivian's husband decided to branch out in Manila so there you go." Nalukot ang mukha ni Aeycel. Kailangan pang magkaasawa ni Vivian para mailapit sa ama ang mga bata. Kunsabagay, sa isang banda, hindi ito dapat mag-adjust, ang kaso ay wala namang problema sa finances, sakali man. Sa pagkakaalam niya ay may dibidente pang nakukuha si Vivian sa kompanya, kahit pa may prenuptial agreement ang dalawa. Parang alimony, pero kusang ibinigay ni Apollo. "Naiinis ka na naman," natatawang sabi nito. "Why do you dislike her so much?" "I don't. Wala akong karapatan. I just can't believe you married her. I'm sorry, I'm sure she has nice qualities, but.." Nagkibit-balikat siya. Natawa naman bahagya si Apollo. "I'm sorry, I shouldn't have asked." "I'm surprised you never did before," nanunudyo ang ngiti nito. Halatang may gusto pang sabihin. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Umismid siya. "Usisera ka, eh." Hagalpak siya ng tawa. Totoo iyon. Nasa naturalesa niya. Hindi siya tsismosa na nagkukuwento sa iba, pero natural siyang matanong. She had always wanted to satisfy her curiosity. "Would you have answered my questions?" "You know I would have. Ask." "Why didn't you leave Vivian before you had a relationship with Rica?" Simple, deretso, matagal nang tanong sa kanyang isip. "Ah, the question that all women probably want to ask," nakangiting sagot ni Apollo. Pinagmamasdan niya si Aeycel. She was very cute. Kahit naman noon, maganda ang babe, kahit hindi ito naniniwala noon. He wondered if she believed it now. She had changed a lot. Pero ang mga bagay na nagustuhan niya rito noon pa man ay hindi nawala. She was now a better version of her old self. And he liked her even more. Noon, may gusto siya rito, hindi lang niya masabi at hindi mapormahan ang babae dahil maaga pa ay sinabi na nitong ang kanyang kapatid ang gusto. Bukod doon, nahihiya rin si Apollo kay Aey dahil palagi siyang nanghihingi ng pabor. Simple lang ang dahilan, nauna siyang manghingi ng pabor bago siya nagkagusto sa dalaga. Hindi magandang simula para sa pagporma, at iyon nga, sinabi nitong ang kapatid niya ang gusto. Naging magkaibigan sila, pero palaging mayroong pader para hindi sila maging matalik na magkaibigan. Para kay Apollo, nanatiling pader ang katotohanang may crush siya kay Aeycel. Siguro hindi nawala iyon, kahit pa nga nagkaroon siya ng ibang mga girlfriend. Isa pa, bata pa siya noon, wala pang alam sa mundo, magulo ang isip, nagrerebelde dahil pakiramdam ay hindi paborito sa pamilya, lalo na at overachiever ang kapatid. Halos sa ganoong estado niya nakilala si Vivian. Bakasyon sa Cebu, nakilala niya ang babae sa isang resort. She was smart and seemed very mature. Noong panahong iyon ang rebel years niya. Disappointed ang kanyang mga magulang na hindi siya nag-pre-law at mas na-disappoint na may ibinagsak siyang subject sa college. Whirlwind romance ang nangyari sa kanila ni Vivian. Noong puntong yon, parang lahat ng bagay ay kaya nilang gawin nang magkasama. Nagtanan sila dahil ayaw ng mga magulang nito sa kanya at ayaw naman ng mga magulang niya sa babae. Vivian and him, against all odds. He could have fought for them with all his might but she started to change. Very, very quickly. Nabuntis ito kaya napilitang tumigil sa pag-aaral, habang siya ay nagpatuloy habang pinapamahalaan ang negosyong ibinigay ng mga magulang. Vivian started to become irritable and then she started aging too fast. Bigla, para nang lola sa mga paniniwala ang babae. What she took away from herself was "fun." From there, they fought almost every single day. Maraming ipinagbawal si Vivian. Bawal umuwi nang late si Apollo, bawal lumabas kasama ang mga bagong kaibigan, bawal dumalo sa mga pagtitipon na hindi konektado sa kanilang dalawa o sa negosyo. Tuwing gagawa siya ng project sa school, sa puntong iyon, sariling sikap na siya ay madalas na nag-aaway sila kahit sa library lang siya nagpunta. Kapag nasa bahay at wala silang ginagawa, naiinis din ito kapag nanonood siya ng TV. Gusto ng babae na palagi silang nag-uusap, kahit pareho silang wala sa mood. Kapag niyayaya ni Apollo ito na lumabas, madalas na sagot ni Vivian ay pagod sa pag-aalaga sa kanilang anak kahit dalawa ang yaya at iba pa ang maids at nagluluto sa bahay nila. Vivian turned into a different person. Ginawa ni Apollo ang lahat para bumalik ang dati, hanggang sa ma-realize niyang wala siyang gagawing ikatutuwa pa ng babae. She hated him for some reason. Siguro, sa sarili ito galit sa pagpapakasal sa batang edad, pero sa kanya naibunton ang lahat. Kahit malilit na bagay na gawin niya, pinapansin nito. Kahit mannerisms. Kahit choice of music. She was turning him into something he was not. Isang araw, naisip ni Apollo na kahit pa ano ang kanyang gawin, hindi magiging masaya si Vivian. Kahit anong pagbabago ang pilit niyang gawin sa sarili. Higit sa lahat, hindi patas na baguhin niya ang sarili para sa hindi mapantayang standards ng asawa. Dumating siya sa puntong nagtatanong kung nagbago ba ang babae o sadyang ganoon lang at hindi niya nakita ang lahat. Sinabi ni Apollo na gusto na niyang makipaghiwalay. Hindi pumayag ang asawa at sinabing wala raw itong balak na maging separada sa harap ng mga tao. Nagsimula siyang lalong tabangan. Nakilala niya si Rica sa puntong iyon. He fell in love with her. Dahil ayaw makipaghiwalay ni Vivian at palaging nagwawala tuwing igigiit ni Apollo ang paksa at sinasabing ilalayo ang kanilang mga anak, ginawa niya ang isang bagay na aminado siyang mali. He had an affair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD