CHAPTER 6

1394 Words
Sa probinsiya pa rin nakatira ang kanyang ina, kasama ang ikalawang asawa. May limang taon na rin mula nang mag-asawa uli ang kanyang ina. May-ari ng isang bigasan sa bayan ang napangasawa nito, may palaisdaan, at isang dating manliligaw na muling nagparamdam. Para kay Aeycel, walang problema iyon. Matagal na rin namang pumanaw ang kanyang ama. Masaya ngayon ang mag-asawa. May-kaya sa buhay ang ikalawa nitong asawa at mayroon na rin naman siyang naipundar para sa ina, hindi man ganoon kalaki. Ngayon, malaki-laki na rin ang kanyang ipon na planong gamitin sa mga investment. Marami siyang natutuhang business-wise kay Apollo. Sino ba naman ang mag-aakala na siya ang may matututuhan dito? Samantalang noon, hindi ito papasa kung wala siya. "Paano, Derrick? Mauuna na ako. May lakad pa ako." Dinampot ni Aeycel ang gamit at umalis na rin, hindi binigyan ng pagkakataon ang lalaking makasunod sa pa kanya. Pagsakay sa elevator, agad niyang pinindot ang basement one button. Nandoon ang kotse niya na noong nakaraang buwan lang nabayaran nang buo. It was four years old now. Apat na taon niyang hinulugan sa dealer. May condo siyang hinuhulugan malapit sa opisina. Sa mga mata ng marami, wala na siyang mahihiling pa. Hindi rin ganoon kataas ang kanyang pangarap kaya financially, kuntento na siya sa kung ano ang mayroon siya. Pagbukas ng elevator, nabungaran niya si Apollo. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. He was wearing a suit. Mukha itong modelo, lalong gumuwapo, at bagay na bagay ang malinis na gupit ng buhok nito na maayos ding nakaayos. "Hey," sabi nito, nakangiti. "Going home already?" "Oo. Ikaw? Bakit nandito ka?" "Bawal?" Ngumiti ang lalaki. Mukha itong pagod na pagod. "The meeting was that bad, huh?" Nagkibit-balikat si Apollo. "Hindi sa meeting. May naiwan lang ako sa itaas, gamit ni Gianna." "Na sa 'yo sila ngayon?" Napangiti si Aeycel. Alam niyang mahal na mahal ng lalaki ang mga anak at kung maaari lang ay gustong makasama ang dalawa araw-araw, pero ayaw ng ina. Nasa Cebu ang ina ng mga bata, may iba nang asawa. What happened to Apollo's married life was rather messy. Maaga itong nag-asawa. Dalawang taon pagkagraduate nila ng high school, nagpakasal na ito sa isang Cebuana na nakilala nang mag-show ang banda nito sa probinsiya. Nagkaroon ng album ang banda, kaya nag-tour. Pero hindi sumikat nang husto ang grupo at hindi rin malaking recording company ang humawak, bukod sa biglang bumagsak ang recording industry dahil sa pagbaha ng mga pirated record. Hindi naging matagumpay ang album, maagang nag-asawa, maagang nagkaanak. Ang panganay nito ay thirteen years old na. Ibig sabihin, nagpakasal si Apollo na malaki na ang tiyan ng dating asawang si Vivian. Vivian was an annoying little old-fashioned b***h. Ni hindi maintindihan ni Aeycel kung ano ang Nakita ni Apollo sa babaeng iyon. Kabaligtaran ito ng lalaki. Kung si Apollo ay moderno ang mga bagay na gusto, si Vivian naman ay hindi. Kahit sa pagkain ay hindi magkasundo ang dalawa. Vivian was vegan, Apollo loved steak. Kung pano naisip minsan ni Apollo na si Vivian ang dapat nitong pakasalan, ang lalaki lang ang nakakaalam. But Vivian was not the worst. May karapatan ang babae kung tutuusin, pero pormal kapag kausap siya. Siguro ang nakakainis lang dito ay ang overall demeanor na parang ipinapahiwatig na angat ito sa iba. Natural 'yon kung may bitterness ito bilang babaeng pinakasalan dahil apat na taon sa pagsasama ng dalawa ay dumating si Rica. To cut the long story short, Apollo fell out of love with Vivian and wanted to be separated. Rica accelerated the process of separation and later on, annulment. Kampi pa rin si Aeycel kay Vivian. Si Rica ang mistress. The sad part was, she sometimes felt that Apollo was still in love with Rica. May ilang taon na ring hiwalay ang dalawa dahil sa hindi na magkasundo ang mga ito sa malilit na bagay. Alam ni Aeycel na mas matimbang kay Apollo si Rica dahil na rin sa mas matagal nagsama ang mga ito, habang ang mga bata ay lumalaki. But how Aeycel hated that b***h. Iyon lang, sa kabila ng attitude problem ni Rica na demanding kahit sa kanya kung minsan, hindi niya maitatanggi ang katotohanang paborito ito ng mga anak ni Apollo. She had been a good mother to them though she was not their real mother. Kung ano kasi ang ikinaistrikta ni Vivian, siya namang ikinaluwag ni Rica sa mga bata. Maluwag sa mga bagay na dapat ibigay, pero nag-impose din ng disiplina. Para doon, kahit paano ay hanga si Aeycel rito. Ang problema lang, nakakairita ang babae kung umasta. It was as if she was still a part of the family. It did not help that Apollo's parents liked her more than they ever liked Vivian. "Yes. Finally. Lilipat na rin sila dito," sabi ni Apollo. "That is wonderful!" "I know." Ngumiti si Apollo. "But I'm tired, so tired!" Nag-inat ito na parang isang matanda, pinatunog ang balakang. "I'm an old man, Aey." Ang lakas ng tawa ni Aeycel. Sa histura, malayong matawag na ‘old man’ si Apollo. He looked gorgeous. Gorgeous! Sa dami ng nangyari sa buhay, nag-mature ito nang husto. He had turned into a man she dreamt of and so much more. Siguro, para sa ibang babae ay hindi magandang indikasyon ang nangyaring affair nito kay Rica, pero sino siya para husgahan ang isang tao kung wala siya sa ganoong sitwasyon? "Sobrang tanda mo na talaga," sabi niya. Iyon ang madalas niyang biro dito. "Magka-batch tayo." "Dahil lang nahuli ka, 'no! Puro ka kasi bulakbol at pangbababae noon." Ang lakas ng halakhak ng lalaki. “Alam ko naman ‘yan na naman ang sasabihin mo.” "May gagawin ka ba mamaya? Kain tayo." Sunod na sabi nito. "Sure. Saan?" Kung si Derrick ay pahirapang paunlakan ang imbitasyon, taliwas kay Apollo. Kahit may gagawin siya, kung magyayaya ito, hindi siya tatanggi at ire-reschedule ang gagawin. Why? For her heart was so in love with him. "Hintayin mo ako rito. Kukunin ko lang ang tablet ni Gianna. Bukas sila darating. Afternoon flight but I need to get it now. Maaga ang meeting ko bukas." Kasama siya sa breakfast meeting sa Manila Polo Club. Bihirang mangyari ang ganoon, nagkataon lang na informal ang setting ng isang negosyante. Naghintay si Julia at makaraan ang wala pang sampung minuto ay naroon na uli si Apollo, dala ang iPad ng anak. Ngiting-ngiti ito, saka inabot ang kanyang kamay at pinisil. He looked at her tenderly. Kung minsan, naiisip niyang may gusto rin sa kanya ang lalaki. Kaso lang, kung ganoon nga, bakit hindi siya nito nililigawan? Ni minsan, wala tong salitang binitiwan tungkol sa kanilang dalawa, pero sa mga ginagawa nito, parang pareho sila ng nararamdaman. Wala rin namang girlfriend si Apollo. Ang nag-isang dahilan kung bakit naisip ni Aeycel na wala itong gusto sa kanya ay si Rica. Madalas, nagkakausap pa rin ang dalawa. Kapag may okasyong pampamilya, niyayaya pa rin nito ang babae. Ang hirap ng sitwasyon ni Aeycel dahil nakakatakot magtanong. Maraming posibleng masira o mawala. "Saan tayo?" tanong niya. "Ipagluluto mo ako, 'di ba?" "Ikaw ang nagyaya, tapos sasabihin mong ipagluluto kita?" Umirap siya. " Tapos, ako ang paglulutuin mo at marami ka pang request. Iba ka talaga!" Tumawa si Apollo, saka marahang pinisil ang kanyang baba. "Magpa-deliver na lang tayo." "Gutom na gutom na ako." Itinirik niya ang mga mata. Bago ito dumating, plano niyang dumaan sa malapit na fast food para hindi na magluto sa bahay. "Am I not paying you enough to eat on time?" Muli niyang itinirik ang mga mata. "Duh? Ang daming kailangang tapusin kanina, nakalimutan ko nang kumain." "Fine. Pizza?" "Sounds good." Sumakay na siya sa kotse nito. Hindi 'yon ang unang pagkakataong nagsabay sila. Kinabukasan, nagta-taxi siya kahit gusto ni Apollo na ipadala sa company driver ang kotse sa kanyang condominium. Malapit lang ang distansiya, wala pang kalahating oras kung walang traffic. Madalas, kapag masikip ang kalsada, nagta-taxi na lang siya. Sa isang pizzeria sila nakarating. It was their favorite place. Kapag mayroong uwing trabaho o kailangang tapusin, doon sila palaging humahantong pumupunta at hanggang closing time sila naroon. Kilala na sila ng waiter at sinamahan sa paborito nilang tagong puwesto. "The usual?" tanong ni Apollo. "Yes, please." Ang "the usual" nila ay isang malaking order na puwedeng makabusog ng anim na taong gutom. Pareho nilang paborito ang pizza at pasta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD