CHAPTER 5

1134 Words
Nakatingin si Aeycel sa makintab na noo ni Derrick, ang kapatid ni Apollo. Hindi siya makapaniwala na minsan sa kanyang buhay ay naging crush niya ang lalaki. How long ago was it again? More than ten years? Parang kailan lang. Noon, ang guwapo-guwapo ng lalaki. Ngayon, ang kalbo-kalbo. May histura pa rin naman ito kung tutuusin, ang kaso, nagpaalam na ang mga buhok. Pumirma nang lahat ang nasa tuktok, kahit nananatiling masugid sa pananampalataya ang iba sa likod. Mas maganda pa siguro kung tuluyan na lang nitong kinalbo ang ulo, tulad ng ginagawa ng ilang mga lalaking maagang nagkaroon ng problema sa anit, pero parang gustong itago ng lalaki ang katotohanan. May ilang hibla itong sinuklay para takpan ang bahaging na-El Niño. Mula sa pagiging heartthrob, nauwi sa ganito ang lalaki. Napabayaan na rin nito ang katawan. Mataba na ito ngayon, malaki ang tiyan, may wrinkles na sa gilid ng mga mata, magaspang ang balat kahit wala namang taghiyawat. Dry na dry at the same time, oily. Mahirap i-explain. At nagpapa-cute ito sa kanya! Nabaligtad na nga talaga ang panahon. Noon, si Aeycel ang halos magkandamatay para lang mapansin ni Derrick. Ngayon, ito ang gustong mapansin niya. Pero hindi niya iyon ma-take. Noon pa sinukuan ni Aeycel ang pagkaka-crush kay Derrick. Lalo na ngayon. Hiwalay na ito sa asawa, may isang spoiled na anak na lalaki, modelo, kamukha ni Apollo, pero hindi nakakatuwa dahil mayabang at laman ng mga intriga dahil madalas na mapaaway sa circle ng alta-sosyedad. Alam lahat iyon ni Aeycel dahil may tatlong taon na rin mula nang muling magkrus ang landas nila ng dating kaibigan, si Apollo. Halos hindi niya ito nakilala nang magkita sila sa isang convention. Kababalik pa lang ng lalaki sa Maynila mula sa ilang taong pagtira nito sa Cebu. Hindi lang ang hitsura nito ang nagbago, kundi maging ang disposisyon. Oo at masayahin pa rin si Apollo, pero hindi na tulad noon ang mga prinsipyo. Hindi na happy-go-lucky na tulad ng dati. May bitterness din sa mga sinasabi nito, mga prinsipyong bago at hinding-hindi naisip noon ni Aeycel na maririnig mula sa kaibigan. Sa ilang taong hindi sila nagkita, napakaraming nangyari sa kanya-kanya nilang buhay. Nang magkita silang muli, nag-alok ng magandang trabaho ang lalaki na agad niyang tinanggap. She felt she was in a dead-end job back then. Napakatagal ng promotion sa pinapasukan niyang kompanya noon at parang hindi na darating dahil nagkaroon ng problema ang management. Nang magsimula siya sa kompanya ng mga Villacid, mataas agad ang kanyang posisyon bilang executive secretary ni Apollo. Akala niya, binigyan lang ng posisyon ang lalaki sa kompanya bilang anak. Masisisi ba siya gayong noong high school ay hindi niya inakalang may mararating pala sa buhay ang lalaki? Pero napakarami pala nitong kayang gawin. Sa dami rin ng nagbago, parang ibang tao na ang Apollonio na muling nakita ni Aeycel Marie makaraan ang mahabang panahon. He was clean-cut, still loved fun but disciplined now... for his children, he said. Yes, children. He had two lovely daughters but he was not married. Not anymore. Naipa-annul na ang kasal may ilang taon na ang nakararaan. Sa mga taon na hindi niya nakita ang lalaki, siya man ay nagbago. Pagsampa niya ng beinte-dos, sa wakas, nagsawa na sa pagwewelga ang mga taghiyawat, nag- alsa-balutan at nangibang-pisngi. Kung sino man ang dinapuan, kaawaan nawa, pero salamat at tinantanan na siya. Nang makaipon, nagpa-derma siya para masigurong hindi na babalik ang mga taghiyawat. Salamat at hindi nag-iwan ng malalalim na marka ang mga alipores niya. Malaki ang kanyang iginanda at naging frontliner sa isang International travel agency at nangakong basta maganda ang performance ng isang empleyado ay malayo ang mararating. Umasa si Aeycel, naging napakasipag. Prestihiyoso ang mga kompanyang affiliated sa pinapasukan. Around the world tours ang kanyang specialty, isang bagay na hindi nagagawa ng lahat ng agent. Pero iyon nga, marami man siyang nakilala at maganda man ang pasuweldo, dead-end job pa rin. Walang aabantehan dahil isa lang ang puntirya niyang posisyon, pero mahirap makuha dahil dalawa lang ang nakatalaga roon, bukod pa sa nagsimula nang mag-cost cutting ang kompanya. Dumating si Apollo sa panahong kailangan ni Aeycel ng pag-unlad at heto na sila. Siya ang kinukulit ni Derrick, lalo na at nakatuwaang banggitin ni Apollo sa kapatid na noong unang panahon ay may crush siya rito at hinahabol habol niya pa ito kung saan makita lamang niya ito. Mukhang feel na feel ni Panot. Pero walang tsansang magustuhan niya si Derrick, may buhok man o wala. Dahil si Apollo na ang gusto niya. Matagal na. Matagal na matagal na. Isang puppy love na nilimot ng panahon at nagbalik with a vengeance. She was silently in love with her boss s***h friend. Terribly, terribly in love. Ang hirap magmahal nang palihim. Pero ano ang kanyang magagawa kung mas mahirap pigilan ang puso? "So dinner with me tonight, Aey?" sabi ni Derrick. "Naku, Derrick, talagang hindi ako puwede. Marami pa talaga akong gagawin." Hindi yata marunong makaintindi ng rejection ang lalaki. Ilang ulit na itong nagyaya at ilang ulit na ring na-reject, ayaw pa ring sumuko. Pinakamalala, alam ni Apollo na may gusto kay Aeycel ang kapatid. Sakaling nade-develop na sa kanya si Apollo, malamang na isipin ding hindi talo dahil may gusto sa kanya si Derrick. Kaya please lang, sana tantanan na siya ng lalaking nag-alsa-balutan ang buhok. Hindi na niya kaya. "Oh, come on, just one dinner. I'll take you to the best restaurant in town." Akala yata ng lalaki ay hindi pa siya nakakarating sa mga ganoon. Ano ang akala nito sa kanya? Noong nagtatrabaho siya sa travel agency, marami rin siyang naka-date na iba't ibang executives at consultants, karamihan ay foreigners na may matataas na posisyon sa mga hinahawakan niyang company account. "Marami kasi akong gagawin, eh." Nagpatuloy ang lalaking malaki ang tiyan. ''Is my brother giving you a hard time? Sabi ko naman sa 'yo, sa office kana lang, ayaw mo naman." Muntik nang naitirik ni Aeycel ang mga mata. Bakit ba atat ito sa kanya ngayon, samantalang noon, ni hindi siya naalala? Hindi pa rin naman siya maituturing na drop-dead gorgeous kahit nawala ang kanyang pimples. However, her personality had greatly improved. Sabi na rin ng kanyang ina, iba na raw ang dating niya ngayon, sosyal na sosyal na. Maybe that was it. Or maybe it was her daring, her boldness. Sa kompanya ng mga Villacid, naipakita niya ang angking husay na hindi masyadong nailabas sa dating trabaho. Bida siya sa boardroom, kayang dalhin ang kahit na anong presentation sa harap ng kahit na sino. "Actually, uuwi ako kay Nanay sa Santa Fe. Pasensya na talaga, Derrick." Sa likod ng mga dahilan na iyon ay ang matinding pagtanggi niya sa kapatid ni Apollo. Kahit pa yata kung anu-ano ang ialok nito sa kanya ay hindi niya mapagbibigyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD