Nagawa nang makatayo ni Aey dahil wala na siyang sapatos. Paglabas, ngumiti siya nang todo kay Apollo.
"You are so drunk," sabi nito, saka biglang humalakhak.
"I am not!"
Humarap siya sa salamin, naghugas ng mga kamay, saka humakbang palapit sa pinto.
Naagapan siya ng lalaki sa braso. "Where do you think you're going?"
"I wanna dance." Iyon ang gusto niyang gawin.
Kahit noon pa, ang hilig niya ay ang pagsayaw.
"No. You are not dancing barefoot. I will take you home."
"No!"
Sumimangot siya, matalim ang sulyap na ibinigay kay Apollo, saka ngumiti at malambing na idinikit ang tagiliran dito.
"I wanna dance. Please?"
"Fine. But not here. Lasing na lasing ka at nakapaa
pa."
Lumabi si Aeycel, pero tumango rin. Inabot ni Apollo ang mga sapatos niya, saka naupo sa kanyang harap para isuot sa kanya ang mga iyon.
"Come on, Cinderella."
"No!'" mariin at parang paslit na sabi niya.
"I don't like to wear them. Masyadong mataas ang takong. Ayoko." Matigas ang kanyang sunod-sunod na pag-iling.
Tumawa uli ang lalaki, saka tumango.
"What am I gonna do with you, you drunken woman?"
"Take me dancing."
Hinawakan nito ang kanyang kamay, habang ang kabilang kamay ay bitbit ang kanyang mga sapatos. Kumaway lang ito sa mga nakasalubong nilang kaklase na ilan na lang.
Marami na rin sigurong umuwi kanina.
Hindi na napansin ni Aeycel kung makapal pa ang bilang ng mga tao nang magpunta siya sa banyo. Hagikgik siya nang hagikgik habang nagpapatianod
kay Apollo. Lumabas na sila, sumakay sa sasakyan nito.
"Ihahatid na kita. You're too drunk."
"I said-TAKE.. ME.. DANCING!"
"Fine. Fine." Bumuga ito ng hangin, umiling kahit nakangiti.
"Parang may mapupuntahan pa tayo sa ganitong oras na bukas at puwede mong sayawan. Ilan na lang ang bukas."
"Then take me there."
"Unless you wanna strip in front of men paying to see naked girls, I don't think it's a good idea."
Halos hindi na narinig ni Aeycel si Apollo at sumayaw sa loob ng kotse kahit nakaupo.
Ang kanyang mga kamay at bras ang gumagalaw habang nagha-hum ng dance songs noong unang panahon, tulad ng mga kanta nina Madonna at Michael Jackson.
Background niya ay ang tawa ni Apollo.
Mayamaya ay tumigil ang sasakyan.
"Nasaan na tayo?"
"In our place so no one can see you and if anyone does, they will stay mum."
Nakangiting binuksan ni Aeycel ang pinto at lumundag pababa ng SUV.
Damuhan ang kinaroroonan nila. Ang liwanag ay nagmumula sa buwan at sa fog lights ng sasalyan. Basa ng hamog ang damo at dama niya ang lamig sa talampakan.
Nagpaikot-ikot siya, nakalahad ang mga kamay.
"I could've danced all night... I could've danced all night... And still have begged for more," kanta niya mala-Audrey Hepburn.
"I could have spread my wings and done a thousand things I've never done before."
Pilit niyang pinagtunog-soprano ang boses, kahit alam na tunog-lata ang kanyang boses. Sige siya sa pag-ikot-ikot, isang maling hakbang dahil lalo siyang nahilo.
Napahawak siya sa hood ng sasakyan, kung saan nakasandal si Apollo at nakaalalay sa kanya.
"Are you all right?"
Tawa ang kanyang isinagot, kahit nakahawak sa
noo.
"My feet feel sticky. Ang lagkit-lagkit ng mga paa ko, Apollonio."
"I have towels inside." Sagot naman nito.
Sumampa si Aeycel sa hood, pero dahil lasing, napadausdos lang pababa. Inalalayan siya ni Apollo na makaupo. Hindi na ito nakatawa.
"Aeycel Marie!"
Noon lang siya nito tinawag sa buong pangalan niya, parang nagrereklamo at wala nang magawa.
"Stop it. You are going to end up hurting yourself."
"Ang corny ni Manong Apollonio." Pinisil niya ang ilong nito.
"Kunin mo na ang towel, punasan mo ang mga paa ko. Bilisan mo, slave."
Napangiti ang lalaki at sumunod.
Pagbalik, dala na nito ang isang gym towel at water bottle. Binuhusan nito ng tubig ang kanyang paa, saka kinuskos gamit ang kamay nito nang walang halong pandidiri o pagkailang, saka tinuyo ng tuwalya.
Hindi ito tumitingin sa kanya.
"Seryoso masyado ang alipin ko," sabi niya.
Noon lang ito tumingin sa kanya.
"You have lovely feet."
"Wait till you see my face." Pabirong sagot naman niya.
"Even more gorgeous."
"Oh..." Hinaplos ni Aeycel ang pisngi ng lalaki.
"Why do you have to be so adorable all the time, Apollo? Bakit sa lahat naman ng lalaki sa mundo, ikaw pa?"
"Ako pa ang...?"
Walang preno ang kanyang bibig.
"Bakit ikaw pa ang inilusyon ko. Alam kong wala kang gusto sa akin, hindi ka magkakagusto."
"Kung magkakagusto ka sa akin, noon pa sana. Ang tagal na, Apollo pero magkaibigan pa rin tayo. Naiinis ako sa'yo."
"Sa.. sa akin?"
Ramdam ni Aeycel ang pagnipis ng mga mata sa pag-aninag sa guwapong mukha ni Apollo. Dala ng sobrang alak, parang lumabo na rin ang kanyang mga mata at gusto nang pumikit.
"I wanna see you." Hinawakan niya ito sa baba, inilapit ang mukha sa kanya.
“ I wanna see that gorgeous face.”
He smiled. "Gorgeous, huh?"
"You have doubts?"
Nakangiti pa rin ang lalaki kahit nabura iyon mayamaya.
"Why do you regret liking me, Aey?"
"Because you don't like me. Pay attention. Sinabi ko na nga kanina, nagtatanong ka pa uli."
"Pero alam mo, hindi ko maintindihan talaga ang taste mo sa babae-"
"I like you."
"Huh?"
"I always have, Aey."
Nahirapan siyang iproseso ang ideya.
Si Apollo, may gusto sa kanya noon pa?
Kung ganoon, bakit hindi nito sinasabi?
"Niloloko mo ako. You're making fun of me."
"Of course not, honey." Muli nitong hinaplos ang kanyang pisngi.
"I have always had feelings for you. Always. But I can't offer you anything."
"What do you mean?"
"I guess behind the corporate façade, all I am is a bitter man without faith in what two people can achieve romantically in life."
"You don't want to try?"
"I can, but I can't promise anything. That is the only reason why I stayed away. You don't deserve me like this. I wish it were before, when I had so much fiche in love and in romance that I was willing to do most anything to keep the relationship working."
"Hindi mo na ba gagawin?"
"I vowed not to change myself just to please my partner. To change so much that I hardly recognize myself."
Napatango si Aeycel, parang nawala ang kalasingan.
Of course he was being reasonable. Iyon ang nangyari dito kay Vivian. Ang gusto ni Vivian ay isang lalaking perpekto base sa panlasa nito.
Kung ano ang perpekto para sa baba ay boring para kay Aeycel. Ayaw niya ng isang lalaking parang robot na kikilos lang base sa kung ano ang kanyang gusto.
If people were meant to be controlled, they would not have been given their own minds. Sana naging manyikang de-susi na lang sila, de-numero ang bawat kilos.
Paanong hindi niya maiintindihan ang pananaw ni Apollo?
"I will never ask you to change that way. Never. I promise."
"Will you want to try even if I can't promise you a ring? Or children?"
"Of course."
Madaling dumating sa kanya ang sagot.
Hindi kayang mangako ni Apollo dahil sa nakaraan nito, pero napuno ng determinasyon ang dibdib ni Aeycel. She would make him see there was no room for bitterness and past issues in what they were going to have.
What they were going to have was fresh, a new start for him and for her as well. Siguro, sa simula hindi agad makikita ng lalaki na iba siya sa mga ex nito.
Pero hindi magtatagal ay makikita nito at maiintindihan na ang pagkakamali ng iba ay hindi ibig sabihing magiging pagkakamali na rin ng lahat.
It was a very simple concept made hard to understand by the pain caused by past relationships.
"I am willing to try, Apollo.." sabi ni Aeycel.
"That is not the alcohol talking."
Napabungisngis si Aeycel. "Ask me again tomorrow then."
Ngumiti si Apollo, itinaas ang mukha ni Aeycel saka siya dinampian ng halik sa mga labi.
Isang munting dampi, sapat na para matunaw siya.
For this kiss alone, it was going to be worth the ride. Him-they were worth the try.