CHAPTER 12

1224 Words
Hindi masyadong pormal ang programa ng reunion ng batch nina Aey at Apollo. May ilang mga alumni ang big time na rin ngayon na nagbigay ng mga pagkain. Si Apollo ay nagbigay ng lechon at nagrenta ng mobile bar. Maraming dumalo. Seventy percent daw ang attendance ng buong batch. Marami rin sila. Noong high school ay may pitong section, limampung estudyante sa bawat section. "Ay, ang ganda pa rin ni Isay," komento ni Aeycel habang nakatingin sa muse ng klase. Naging girlfriend ito ni Apollo noon, isa sa napakarami nitong naging nobya. Noong panahong iyon, hindi siya nainis sa babae dahil mabait ito at kawawa pa nga dahil na-two-time. "Dalawa na ang anak niyan," komento ni Apollo. "Parang ikaw-" "Oo, pero kasal pa siya." "Paano mo naman nalaman?" Nagsalubong amg kanyang kilay. "Tumawag sa akin noong nakaraan ang asawa niya. Naaalala mo si Peter Acebedo?" "Oo. Sila ang mag-asawa. Paano mo nakilala si Peter?" "Sila ang may-ari n'ong malaking lupa sa Silangan na binili ni Uncle dati. Ako ang nakipag-usap sa kanila." "So no hard feelings?" kantiyaw niya. "Kailan ba ako nagka-hard feelings sa past ko?" Napaismid si Aeycel. "You're a cold bastard." "Hindi naman. Ang sinasabi ko lang, past is past. Come on, Aey." Inilapit nito ang nakangiting mga labi sa kanyang tainga sa parang parang naglalambing. Pilit niyang sinabi sa sarili na wala iyong kahulugan. Talagang malambing lang ang lalaki. Parang pirated CD na nagpaulit-ulit sa kanyang isip ang sinabi ng ina. Kung may gusto sa kanya si Apollo, noon pa sana sila nagkaroon ng relasyon. "Kukuha ako ng inumin. Gusto mo?" sabi niya, para na lang makaiwas dito. Ang puso niya ay may pagkamakulit. Gusto na namang umasa. "Ako na." "Ako na nga." "Ako na sabi." Natatawa itong naglakad papunta sa bar. Sumunod siya, pero bago makarating doon, sinalubong na siya ni Bradley, ang crush niya noong high school bago siya mabaliw kay Derrick. Napangiti siya. Walang ipinagbago ang dating ni Bradley. Para gang lalo pang gumuwapo. "Aey’" bating lalaki sa tradisyonal na bigkas ng kanyang pangalan. "Kumusta ka na?" "Okay naman. Ikaw?" "Okay din. Nakita kita noong nakaraan sa mall. Tinatawag kita, pero parang malalim ang iniisip mo." "Talaga?" Tumango ang lalaki. "Noong nakaraan, nakausap ko si Nanay Jessa,'' tukoy nito sa kanyang ina. Nabigla siya, walang ideya na kilala nito ang matanda. "Talaga?" Tumango uli si Bradley, ngiting-ngiti. "Hindi niya nabanggit sa 'yo?" Biglang naalala ni Aeycel ang nabanggit ng ina kanina, ang "binatang walang sabit." Si Bradley kaya ang tinutukoy ng matanda? "Ikaw siguro ang ikinuwento niya kanina. Uma-attend ka ba ng Singles For Christ?" "O-oo." Ang tamis ng ngiti nito. Unfair, naisip niya, na hindi man lang siya kiligin kahit kaunti. Kung ibang babae siguro, kanina pa nasa langit ang pakiramdam. Magsasalita pa sana siya nang lumapit si Apollo. "Bradley, pare. Kumusta?" "Okay naman. Ikaw?" Nagkamay ang dalawa. Siguro, wala ni isang ka-batch nila ang hindi nakakakilala kay Apollo, ganoon din kay Bradley. Si Horace, kilalang mayaman, bulakbol, cool, guwapo. Si Bradley, guwapo, crush ng bayan, matalino, matino. Opposites. Saglit na nag-usap ang dalawa, saka sila naglakad ni Apollo papunta sa bar. Bumulong ito. "I never really liked him much." Nabigla si Aeycel. Noon lang niya narinig si Apollo na nagkomento sa ganoong paraan. "Kahit naman noon, mabait si Bradley." "Nah. Acts like he owns the world." Nabaghan na siya rito. Si Apollo siguro ang huling taong aasahan niyang maringgan ng mga ganoong komento. Walang masamang tinapay rito, kaya nga siguro napakarami nitong kaibigan noon at ngayon. Madali itong kausap, walang arte, kahit sa business deals. In fact, doing business with him was a pleasure in itself. "You're weird tonight," kunot-noong komento niya. "Am I?" Ipinilig nito ang ulo. "Must be the lack of beer." Kumatok ito sa bar, nakangiti sa waiter. "Please, How about you, Aey?" "Beer?" Kadalasang tumatanggi siya sa alak dahil hindi siya sanay uminom, pero hindi sa gabing iyon. Kanina pa niya gustong magpakalasing. Kumuha siya ng isang shot ng Bailey's na may cherry. Nang matikman ay napatango siya. "I like this one. Hindi lasang alak." Ang lakas ng tawa ni Apollo. "Hanggang ngayon, probinsiyana ka pa rin. Akala ko ba, gusto mong maging sosyal?" "Hindi ba pang-sosi 'to?" Umirap siya nang may maalala. "Oo nga pala. Napanood ko ang ganitong eksena sa s*x and the City." Tumingin siya sa waiter, pinaliit ang boses nang magsalita. "One cosmo, please?" Ang lakas ng halakhak ni Apollo. "You're crazy." "Ganoon ba ang sinasabi ng mga totyal." Kunwa'y batang sabi niya dito. "You're crazy, crazy, crazy." "Para kasing sinasabi mong kahit kailan, hindi ako magiging sosi enough. Hindi mo ba nakikita, made in Paris na ang sapatos ko. Itong damit ko, made in Italy. O, saan ka pa?" Mabilis niyang itinaas ang baso, sabay sabi, "Tagay!" Muling humalakhak ang lalaki. Looking at him brought joy in her heart. Ilang ulit ba niyang naisip noon na tama siya ng lalaking minamahal at hinangaan? Noon. Hindi na ngayon. Umiinom siya para sa paglaya sa isang ilusyon. Panay ang kanyang inom, hindi na namalayan ang dami at nabigla nang sa paghakbang niya papunta sa banyo ay parang umikot ang kanyang mundo. Napahawak siya sa noo. Hinawakan siya ni Apollo sa braso. "Are you all right?" "Gaano karami ang nainom ko?" "Madami. Hindi ka sanay." "Hindi ako sosyal." Umalog ang mga balikat nito. "I will take you to the restroom." Sinamahan nga siya nito papunta roon at salamat na rin dahil parang hindi niya kayang maglakad nang walang aalalay. Nang makarating sa banyo, tinakbo niva ang cubicle. Punong-puno na ang kanyang pantog. She pulled down her underwear, sat on the throne, and let it all gush out. Nabigla pa siya nang makarinig ng pagkatok. Bahagyang malakas ang katok kaya nagtaka siya. "Are you all right, Aey?" "Aey?" Lalo pang lumakas ang pagkatok sa mismong cubicle. Nakapasok na si Apollo sa loob ng banyo. Shit, gaano katagal na siya roon? Nakatulog ba siya? "O-okay lang ako," sabi niya, pero bakit parang ang hirap sabihin ng mga salita? "Oh, thank God! Kanina ka pa diyan, nag-aalala na ako. Walang tao kaya pumasok na ako. Are you sure you re okay?" "Yes" ang gustong sabihin ni Aeycel, pero mas tunog- "Ehhh" ang lumabas sa kanyang mga labi. Bigla siyang natawa sa sarili. "Oops," sabi niya nang mapatingin sa ibaba. Magkadikit ang kanyang mga tuhod habang ang mga paa ay halos umabot sa magkabilang dulo ng cubicle. Inverted V ang mga binti niya mula tuhod hanggang paa. Malamang na nakabukaka siya kung hindi inaagapan ng pangloob ang kanyang mga tuhod. Inilapat niya ang mga palad sa pader para kumuha ng puwersa sa pagtayo, pero dumausdos lang siya pabalik sa trono. "Fv..." Napahiyaw siya sa pagkabigla. "Aet, what is going on in there? I'm very worried!" Si Apollo. "I'm okay. I just need time." Napabungisngis siya. "Time to stand up." Bumunghalit siya ng tawa, at lalo pang napahalakhak nang makita ang panloob na halos sumayad na sa sahig. Sa paggalaw niyang muli, tumalsik na ang kanyang sapatos at tuluyang sumayad ang panloob sa sahig. "Yuck," sabi ni Aeycel, saka sinipa pahubad ang panloob. Who cared about underwear anyway? "Are you okay?" ding niyang tanong ni Apollo. "I don't care about my panties," sabi niya, tumatawa. "I am sophisticated. And sophisticated women don't need underwear." Bumunghalit na naman siya ng tawa. "Oh, God.. " Si Apollo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD