"O, ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Aey kay Apollo.
Pauwi siya sa probinsiya. May reunion ang high school alumni nila. Gagawin ang malaking alumni homecoming sa plaza, pero may reunion ang batch nila isang araw bago ang mismong alumni homecoming.
Ang sabi ni Apollo, hindi raw ito makakasama.
Noong isang araw, hindi raw ito makakauwi sa Santa Elena dahil mayroong kailangang gawin sa negosyo sa Cebu. Muntik nang tumirik ang mga mata ni Aey nang malaman ang dahilan.
Alam niyang matagal nang gustong bumalik ni Apollo sa Santa Elena. Why not? He was one of the most successful, if not the most, from their batch.
"Sasama ako. Akala mo, puwede mo akong iwan!" Ngiting-ngiti ang lalaki.
He took her breath away. Napakapresko nitong tingnan sa simpleng polo shirt na puti at khakis.
"Ang sabi mo may problema sa Cebu?"
"It's okay now. Puwede na ba akong sumama?"
"Hindi. May tax."
Ang lakas ng tawa nito, saka siya inakbayan. "I really wanted to go anyway. Come."
Lumabas na sila at sumakay sa sasakyan nito.
"Pabor sa akin. Bawas gas money,'' kantiyaw ni Aey, kahit ang totoo, kahit siguro siya ang magmaneho pauwi sa Santa Elena, walang problema, basta kasama niya si Apollo.
Nang magsimulang magmaneho, inabot nito ang kanyang kamay at pinisil. Muli, mabilis ang naging t***k ng kanyang puso. Kailan ba titigil ang lahat ng ganoong damdamin sa kanyang sistema?
Siguro, kapag tumigil na lang si Apollo sa pahiwatig na may damdamin ito.
Ah, s**t, she was confused again.
Ginagawa ba iyon ng isang lalaking walang nararamdaman para sa isang babae? Parang hindi. They were having a special moment and she wanted to know for sure what it meant.
"Aeycel?" sabi nito mayamaya.
"Yes?"
"Do you ever think about life and marriage and those kinds of things?"
Biglang dumagundong sa kanyang tanga ang t***k ng puso. "Sometimes."
"Do you want to get married?"
"Depende."
"Depende saan?"
"Sa sitwasyon. Paano ako magpapakasal kung wala naman akong pakakasalan?"
"Akala ko may special someone ka?"
"Bakit ba ganyan ang mga tanong mo? What's up?"
"Nothing."
Alam ni Aey na hindi nagsasabi ng totoo si Apollo. Medyo nainis siya. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit itong umakto na parang may sasabihin, pero hindi naman itinutuloy. Gusto niyang malaman ang laman ng isip nito.
"Ikaw ba? Ano ang tingin mo sa mga ganyang bagay?"
"You already know what I think."
"Say it again then."
Nagkibit-balikat ang lalaki. "I think that nothing lasts forever and that change is constant. Don't you agree?"
"I agree that change is constant."
"So if change is constant, we all change. And it you fall in love and the person changes, would all your promises remain valid when you made them before the change?"
"Hmm." Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"I don't know. Wala pa akong nagging boyfriend na nagtagal para masagot ko ang tanong mo. Basta ako, personally, naniniwala na hindi lang love ang importante sa mga ganyang klaseng relasyon."
"Exactly. Never take the fun out of it or you will ruin it. "
"Respect, too."
"Do you dream of having children?" Napaisip siya.
"In passing, maybe. Pero kung wala o hindi magkakaroon, sino ba ako para magreklamo sa Diyos?" Dahil wala sa isang relasyon, naiisip din ni Aey ang posibilidad na baka hindi na siya magkaroon ng anak.
Kung magkakaroon siya ng boyfriend, ayaw niyang magpakasal agad. Siyempre, gusto niyang kilalaning mabuti ang lalaki. Hindi siya naghintay ng ganito katagal para lang basta lumagay sa tahimik at mauwi sa isang pagkakamali.
Noong nakaraan, nang kuwentahin niya, malamang na sixty years old na siya ay nasa college pa rin ang anak dahil ni wala nga siyang seryosong manliligaw ngayon. May mangilan-ngilang nagpapalipad-hangin, pero wala siyang mapisil.
Isa lang ang kanyang gusto.
"But do you wish to have children?"
"I don't really wish to have children. Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala."
Tumango si Apollo. Noon nag-ring ang phone nito. Siya ang pinasagot ng lalaki nang makita ang pangalan ng anak sa screen. Nakatutok ito sa pagmamaneho at may trailer truck sa unahan nila na gusto nitong lagpasan.
"Hello, Gianna," sagot niya.
"Ate Aeycel?"
"Ako nga. Nagda-drive ang daddy mo. Kumusta?"
"I'm great. Can you put me on speaker, Ate?"
"Sure." Inilagay ni Aey sa speaker phone ang dalagita, nakangiti.
Masayahin ang mga anak ni Apollonio. Ang totoo, gusto niya ang mga ito at paborito niya si Gianna sa dalawa dahil mas kalog ang bunso, palabiro, masayang kausap.
Madalas silang nagkakausap, lalo na kapag tumatawag ito at nasa meeting ang ama.
"Dad?"
"Yes, Daughter Two?" nakangiting sabi ni Apollo, halatang binibiro ang anak. Iyon ang tawag nito sa mga anak kapag nagbibiro--Daughter One at Daughter Two.
"Dad, I'm gonna celebrate the arrival of my menstruation, like Tita Rica suggested, okay?"
"You called me for this?" Umiling si Apollo.
"Hindi pa nga dumarating, hindi ba?"
"Yes, but I can feel the change coming."
Biglang napabungisngis si Aey. Talaga namang excited nang magdalaga ang bunso ni Apollo. Noon lang din siya nakarinig ng pagse-celebrate ng ganoong okasyon.
"Ate Aeycel, why are you laughing, come on!"
"Sweetie, I wasn't laughing at you. I just think it's so cute that you are this excited to have your period."
"How about you, Ate? What did you do when you had it?"
"Hmm, ano nga ba? Pinasampa ako ni Nanay sa hagdan at pinalundag ng tatlong baitang. Para daw three days lang akong datnan every time."
"Hindi kayo naghanda?"
"Wala kaming panghanda." Natawa nang malakas si Aey.
Nai-imagine niya kung sa nanay niya sinabi ang ganoon, baka nakatikim siya ng sermon tungkol sa pag-inarte. Pero talagang iba ang mayayaman, lahat ng okasyon ay may selebrasyon. Noon, may mga birthday at anniversary ng kanyang mga magulang ang hindi man lang naalala. Lalo na noong panahong may sakit ang kanyang ama. Wala halos nakaalala ng kanya-kanyang birthday.
"Oh, that's sad, Ate... Dad?"
"Yes?"
"Treat Ate Aeycel to dinner for a late celebration."
"Of the arrival of her menstruation? Anak, ilang dekada nang huli ang celebration-"
Pinitik ni Aeycel sa labi ang lalaki.
'"Bata pa ako. I'm only eighteen."
"Per leg."
Ang lakas ng tawa niya. Nakinig lang siya habang nagkakasundo ang mag-ama tungkol sa imbentong selebrasyon ni Gianna. Nang matapos ang tawag ay nakangiti pa rin si Apollo.
"That's my Gianna. Takes after her mother sometimes."
Muling natawa si Aey. Salamat at naging magaang na ang usapan. Napag-usapan ang pagkakaroon ng boyfriend ng panganay nito. Halos ma-shock siya. Batang-bata pa si Felicity. Pero siguro, talagang ganoon ang buhay.
"Nagsasabi sila sa 'yo tungkol sa ganoong bagay?"
"Just to let me know."
"Pasado naman ba sa 'yo ang boyfriend?"
"It's a kid, it's okay. Bata pa si Felicity, hindi pa alam ang ginagawa, pero may tendency na maging rebelde kaya hinayaan na ni Vivian. Kinausap din naman siya ni Rica. Parang trend sa school nila, lahat may boyfriend. Ayaw lang niyang ma-out of place. Anyway, hindi naman sila lumalabas dahil hindi ko pinapayagan."
"Kung gustong lumabas, iyong lalaki ang sumasama sa lakad ni Felicity. Siyempre kasama si Vivian. As long as the kid is Felicity's age, I have no problem. Isa pa, hindi sila magkasama sa school. Taga-Ateneo iyong lalaki. Nagkakilala lang sa science fair. They enjoy the same things."
May pagka-artist ang panganay ni Apollo.
May pagka-weird in a sense na hindi katulad ng ibang kaedad na mahilig nang maglagay ng kolorete at nakikinig sa mga boy band. Si Felicity ay comic books ang gusto, medyo boyish, hindi nagsusuot ng dress at palaging maluwag na T-shirt ang suot, mahilig sa rock band.
Manang-mana sa ama noong kabataan.
Masaya ang usapan nila hanggang sa makarating na sa Santa Elena. Maaga pa para sa reunion. Idinaan siya ng lalaki sa bahay nila. Nagmano ito sa kanyang ina, saka nagpaalam na babalikan na lang siya mamaya.
Uuwi muna ito sa ancestral home, kung saan naroon ang isa nitong tiyahin.
"Ang anak ko."
Napatingin si Aeycel sa ina, ngumiti, yumakap, kahit pa nga parang malungkot ang reaksiyon nito.
Pinagmasdan niya ang matanda, "O, bakit mukha kayong Biyernes Santo, Nay? Hindi ba kayo natutuwang umuwi ang unica hija n' yo? Parang gusto kong magtampo."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Ang anak ko."
"Naku, iyang nanay mo," singit ni Tiyong Bert, ang ikalawang asawa ng kanyang ina.
"Wag mo nang pansinin at nagsesentimyento. Alam mo na, tumatanda na. Ganyan talaga."
Natawa si Aey nang hablutin ng kanyang ina ang isang diyaryo at ihampas sa panot na noo ng asawa.
"Isa ka pa, isa ka pa!"
"Aba, totoo naman! Wala ka nang bukambibig kundi apo, apo, apo. Akala mo naman kaya mo pang mag-alaga ng bata, eh, mayat maya kang nakareklamong nananakit ang baywang mo."
Inirapan ng kanyang ina ang asawa. "Kung makapagsalita ang matandang ito. Ikaw ba’y hindi naghahanap ng apo?"
"Hindi ko kailangan ng apo at batang-bata pa ako."
Tumawa si Aey, kahit sa loob-loob ay kinabahan.
Heto na naman sila sa walang-humpay na paghiling ng kanyang ina ng manugang at apo na parang napakadaling ibigay ng mga iyon.
"Naku, parang hindi na nga yata talaga ako aasa," himutok ng kanyang ina.
"Si Nanay," tanging sabi ni Aey. Ano ang puwede niyang isagot doon na hindi pa niya nasabi noon?
"Kaysa naman po humanap ako ng basta-basta."
"Sa edad mo ngang iyan, kahit wala nang asawa."
"Nanay!" Nabigla siya.
Ang konserbatibong nanay ba niya ang nagbitiw ng ganoong salita?
Umirap ito.
Si Tiyong Bert ang humirit. "Nakow, iyang nanay mo, kung ano-ano ang pinagsasabi. Palibhasa, eh, hindi alam kung ano ang uso ngayon. llang ulit ko nang sinasabi sa kanya na ang uso ngayon, eh, mga babaeng halos kuwarenta na magpakasal. Ewan ko ba diyan kung bakit ayaw maniwala n---"
"Kuwarenta! Makunat na ang matris, paano pa mabubuntis?!"
"Kung iyon gang mga Amerikana, nagbubuntis nang lagpas nang kuwarenta. Oh ‘yong matris mo lang naman yata ang kumunat sa lahat ng matris sa mundo."
Piningot ng kanyang ina ang tainga ni Tiyong Bert.
Natawa si Aey. Gusto niyang maging tulad ng mga ito, kaso lang, sino nga ba ang gagawin niyang asawa kung isa lang naman ang kanyang gusto?
''Kuw, kung magsalita' y akala mo anong tikas!" nakaismid na sabi ng kanyang ina, saka binalingan siya.
"Kailan mo ako bibigyan ng apo?"
Bigla naman siyang kinabahan sa tanong ng ina.