CHAPTER3

1319 Words
NAMANGHA si Lianna sa lugar kung saan sila huminto. Wala siyang ibang nakikita kundi ang mga matatayog na gusali sa paligid. Pumasok ang kotse sa carpark hanggang sa nagpaikot-ikot sila paitaas na bahagi ng gusali. Bahagya siyang napapikit dahil nahihilo siya sa paliko-liko. Mayamaya ay iminulat niya ang kanyang mga mata nang huminto ang kotse at ipinarada na ng lalaki. “Ano pang hinihintay mo, bumaba ka na,” anang lalaki. Nagtanggal ng seatbelt ang lalaki at binuksan ang pintuan para lumabas. Pagkuwa’y tumingin ito sa kanya. “Huwag mong sabihin ayaw mong bumaba. Ano, dito ka lang?” anang lalaki at isinara na ang pintuan sa driver seat. Hindi niya alam kung saan pinipindot para mabuksan ang pinto naiwan na siya sa loob, kaya kumatok siya sa may bintana para makita siya ng lalaki. Nakita niyang napailing ang lalaki pagkuwa’y binuksan nito ang pintuan sa passenger’s seat para makalabas siya. “Pintuan lang hindi ka marunong magbukas, tagabundok ka ba?” sarkastikong sabi nito sabay may kinuhang itim na briefcase sa bandang ginta ng sasakyan. Nasamyo pa niya ang mabangong amoy nito nang dumaan ito sa kanya. “Tara na,” anang lalaki nang maisara nito ang pintuan at ini-locked ang kotse. “Dito ka ba nakatira, Mav?” “Oo. Puwede ba sumunod ka lang. Ako ang magsasabi sa’yo mamaya ng mga dapat mong gawin. Huwag ka tanong ng tanong at napapagod ako, okay?” pagsusungit nito. Sumunod na lamang siya. Sumalubong sa kanila ang malamig na buga ng aircondition nang pumasok sila sa glass door patungong hallway kung saan may nagbabantay rin na security guard. “Good evening, Sir, Ma’am!” bati ng security guard. Tumango lang si Maverick habang si Lianna naman ay nakasunod lamang rito. Tahimik lang si Lianna kahit marami siyang gustong itanong sa lalaki. Binalaan kasi siya nito na huwag tanong ng tanong kung hindi naman mahalaga. Sa tingin niya ay mainitin ang ulo nito. Hahayaan na lang muna niya kasi baka mainis ito at lalong hindi siya tulungan. Nakasunod lang siya sa lalaki habang naglalakad pagtungo sa tapat ng elevator. May pinindot ito at bumukas ang elevator. Ito ang unang pagkakataon na makasasakay siya sa elevator. Tumingin sa kanya ang lalaki hudyat na sumunod siya. Hindi niya alam kung bakit nagtitiwala siya rito samantalang hindi naman niya ito kilala. Pero wala naman siyang pagpipilian pa. Ayaw niyang magpalaboy-laboy sa kalsada. Habang nakasakay sila sa elevator ay panay ang dasal niya na sana ay hindi masamang tao itong sinamahan niya. Tila lalong bumibilis ang t***k ng puso niya dahil hindi ito umiimik at napakaseryoso ng mukha. Naalala kasi niya ang sinabi nito kanina. Paano nga kung ibenta siya nito? Ano’ng gagawin niya? Bumukas na ang elevator at lumabas na sila. Bumungad sa kanila ang eleganteng lugar. Tanaw agad niya ang swimming pool na napapaligiran ng glass wall. Tila kiniliti ang kanyang mga paa nang makita na nasa pinakamataas na bahagi pala sila ng gusali. “D-dito ka nakatira?” tanong niya. “Oo. Sumunod ka sa akin,” anang lalaki na itinapat ang card sa may pintuan at bumukas na iyon. Labis ang kanyang pagkamangha, para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang bahay na nakita niya sa talambuhay niya. “Maupo ka muna at hintayin mo ako rito,” ani Maverick na iniwan siya at tinungo nito ang isang silid. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng unit. Malawak ito at mamahalin ang mga kagamitan. Umupo siya sa malambot na sofa sakto namang napatingin siya sa isang tila glass portrait na nasa wall. Napahanga siya sa kaguwapuhan ni Maverick na tila isang modelo. Suot nito ang isang fitted shirt kaya naman ay kitang-kita ang matipunong katawan nito. Napalunok siya sa paghanga. Model ba siya o kaya artista? Pero parang hindi ko naman siya nakita minsan sa TV, usal niya sa isipan. “Huwag mong pakatitigan baka malusaw ‘yang litrato ko.” Bigla ay parang nagulantang siya sa sinabi ng lalaki. Hindi kasi niya namalayan na lumabas na pala ito ng silid at nakasuot na ng gray pajama at puting t-shirt. “Ano nga ulit pangalan mo?” tanong ng lalaki. Hindi lang pala masungit makakalimutin pa, kanina lang ay tiningnan nito ang biodata niya at ang alam niya hawak-hawak pa nito noong paakyat sila ng elevator. Paanong nakalimutan agad nito ang pangalan niya. Napailing na lamang siya. “Lianna po, Lianna Aurillo ang pangalan ko,” tugon niya. Napatango-tango lang ang lalaki pagkuwa’y umupo sa tapat ng sofa na kinauupuan niya. Parang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang tumingin ito sa kanya ng deretso. Hindi maitatangging may taglay itong kaguwapuhan sa kabila ng pagiging masungit nito. May tinatawagan ito sa cellphone habang ang mga mata nito ay nakatuon pa rin sa kanya. “Hello, Myra! Ah, ‘di ba may pinapaupahang apartment ka?” tanong nito sa kausap. Tumayo si Maverick at bahagyang lumayo sa kanya habang may kausap sa cellphone. Wala siyang magawa kundi ang maghintay habang pinagmamasdan niyang nakatalikod ang lalaki na nakikipag-usap sa cellphone. Nang humarap ito sa kanya ay bigla niyang inilihis ang kanyang tingin. Huling-huli kasi siya nito na pinagmamasdan niya. Gusto na niyang batukan ang sarili dahil kung anu-ano ang kanyang naiisip. Sa kabila kasi ng lahat ng kaba niya ay nakuha pa niyang humanga sa lalaking ngayon lang niya nakilala at hindi niya alam kung masamang tao ba ito o hindi. Pero magaan ang loob niya sa lalaki dahil napakaamo ng mukha nito na akala mo’y hindi marunong magsungit. Hindi niya naririnig ang usapan pero bigla na lang ay humagalpak sa tawa ang lalaki dahilan para mapatingin muli siya rito. Biglang naputol ang kaniyang imahinasyon nang muling lumapit sa kanya ang lalaki at muling umupo sa harap ng sofa na kinauupuan niya. “Ganito, Lianna, nakausap ko na si Myra, ang secretary ko. Mayroon kasi siyang pinapaupahang apartment. Bedspace lang iyon I’m sure wala ka namang reklamo doon since ang ibabayad mo ro’n ay ikakaltas naman sa sasahurin mo,” anang lalaki. Bigla siyang nabuhayan ng loob, “Talaga po? Magtatrabaho ako?” “Ayaw mo?” “G-gusto siyempre,” agad na tugon niya. “Yeah, nakita ko ang biodata mo. Kaya mo ba ang trabaho sa opisina? I mean marunong ka bang mag-computer or mag-ayos ng mga files?” tanong ng lalaki. Umiling siya dahil wala siyang ideya sa ganoong trabaho ‘ni hindi pa nga siya nakakahawak ng computer. “H-hindi po, eh..” tugon niya. Napailing ang lalaki at napasuklay ng mga daliri sa buhok. “Okay kung hindi mo ‘yon alam, ano’ng kaya mong gawin?” “Ah…maglinis ng bahay magluto,” alanganing sagot niya. “You mean mas gusto mo pang maging katulong?” tanong ng lalaki. Napatango lamang siya. Ano naman ang sasabihin niya iyon lang talaga ang alam niya dahil hindi naman siya nakatapos sa pag-aaral. “Pero hindi ko kailangan ng katulong, I can do everything here with my own. Kaya kong maglaba, magluto at maglinis. Minsan lang ako magpalinis kapag sobrang pagod na ako sa trabaho.” “Sa opisina po walang ganoon?” tanong niya. Bahagyang napangiti ang lalaki sa sinabi niya. Kahit bobo siya na-realized niya na wala namang gawaing bahay sa opisina. Gusto niyang batukan ang sarili. Napatingin sa kanya ang lalaki at saglit na nag-isip. “Hmm…Okay, sige, ilalagay na lang kita bilang utility staff sa office medyo hawig naman iyon sa trabahong alam mo, taga-photocopy, tagatimpla ng kape at tagalinis. Okay na ba ‘yon sa’yo?” Tila lumiwanag ang kanyang mukha sa narinig sa lalaki. “Opo! Okay na okay po. Salamat, Kuya Mav!” tuwang-tuwa na sabi niya. “Hindi kuya ang itatawag mo sa’kin kapag nasa opisina tayo kundi sir, maliwanag ba?” pagtatama nito sa kanya. “O-opo, ngayon pa lang sasanayin ko na, Sir Maverick,” nakangiting saad niya. “Good,” tatango-tango na pagsang-ayon ni Maverick sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD