Chapter 33

2650 Words

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa sinabing iyon ni Brayden. Kahit ngayon na paggising ko ay halos hindi pa rin ako makapaniwala. Gaano ko man kagustong itatak iyon sa utak ko ay ayoko talagang pag-isipan ng hindi maganda si Xian. Matagal ko na siyang kilala, college pa lang kami, kaya imposibleng siya nga ang nasa likod ng nangyari noong isang gabi. Parang hindi ko matanggap, hindi ko masikmura na gagawin sa akin ni Xian iyon. Pati ang pamilya niya ay kilala ko na rin. Sina Mr. Melendrez at Mrs. Melendrez na itinuring na rin akong isang anak. Sa paminsan-minsan na bumibisita ako sa kanila ay hindi ko naman sila nakitaan na ayaw nila sa akin, o galit sila sa akin. Bakit? Ano bang mayroon sa akin? O sa buhay na mayroon ako? Isa pa iyon sa gusto kong tanungin kay Brayden kagabi,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD