Tinitingnan ko lang si Aurora na siyang hirap na hirap sa pagbuhat ng kaniyang maleta. Ganoon na ba iyon kabigat? Ganoon ba kadami ang laman ng maleta niya? Ibig bang sabihin ay magtatagal siya rito? Napairap ako sa ere. Humalukipkip din ako. Naroon lang ako sa likuran niya. Sa bawat akyat niya sa baitang ng hagdan ay ganoon din ang ginagawa ko. Mayamaya lang nang makatuntong siya sa patag. Marahas siyang bumuntong hininga sa kawalan at saka pa madaling inayos ang buhok niyang bahagyang nagulo. Alam ko na hindi naman siya ganoon nahirapan, sadyang OA lang talaga siya. "What are you even doing here?" paanas niyang banggit. "For staycation?" Nagtaas ako ng kilay. "Hindi. Dinala ako rito ni Brayden para rito na patirahin." "Really?" Tumawa ito na para bang isang malaking joke ang sinabi

