"Hindi! Hindi totoo 'yan! Mama!!" malakas kong sigaw, kasunod nang pagtanggal ko sa suero na nakakabit sa kamay ko. Mabilis din akong umahon sa pagkakahiga ko, pero ganoon kaagap sina Mama at Papa na madali akong pinigilan. Hawak na ngayon ni Papa ang magkabilaan kong braso. Si Mama naman ay ikinukulong ang dalawang kamay ko sa kaniyang palad. Gaano man ako kalakas ay mas doble ang lakas nilang dalawa. Ano ring laban ko gayong nauna nang nanghina ang katawang lupa ko sa naging balita na iyon ni Mama, parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko. "Baby, please, I'm sorry... but it's true," ani Mama na humahagulhol na, sabay halos ang bawat pag-iyak namin. Umiiyak man din siya ay kagustuhan niya akong aluhin, patahanin ngunit sadyang nangingibabaw ang halu-halong emosyon ko na hindi ko na al

